BTLR: 08

6 1 0
                                    

Chapter 8: Sister

"Why the fuck are you with her, Kalen?!"

Sabay kaming napatayo ni Kaley nang makita ang ate niya sa may pintuan. She looks very angry. Namumula siya tapos parang onti na lang ay susugurin niya na ako.

She was holding a plastic bag that's now on the floor. May Ice Candy pa doon na nakalabas. Siguro nagpunta siya dito para makita si Kaley or kaya ang mommy nila. Or kaya may kikitain talaga siya dito tapos 'di niya in-expect na andito kami ni Kaley.

Kaley went near her sister and picked the plastic bag up. Bumalik siya at nilagay sa table 'yung plastic, tapos kinaladkad niya 'yung ate niya palabas. Naiwan tuloy akong nakanganga lang kasi 'di ko in-expect 'tong mga nangyayari ngayon.

Huminga ako ng malalim bago umupo sa sofa. Ayaw kong lumabas dahil baka bigla na lang may sumabunot sa akin. Sayang naman 'yung buhok ko. Isa pa, baka nag-uusap si Kaley at ang ate niyang mataray sa labas. Baka pag lumabas ako, mag-add lang ako ng fuel sa fire.

Medyo na-weird-an rin ako dahil imbes na i-confront ni Kaley 'yung ate niya sa harap ko, kinaladkad niya palayo. Hindi naman ako sensitive, pero siguro sensitive topic ako pagdating sa kanila dahil ayaw talaga sa akin ng ate niya. Wala naman akong pakielam kung ayaw no'n sa akin. Kung gusto niyang ilayo si Kaley sa akin, edi sige. Crush ko lang naman...

Lumipas ang 20 minutes at hindi na bumalik si Kaley. Dahil naiinip na rin ako at ayaw ko nang manatili sa kwartong 'to, lumabas ako. Wala namang sumalubong sa aking nag-aaway na magkapatid kaya nakahinga ako nang maluwag.

"Where have you been, Nov?" Salubong ni mommy sa akin.

"Sa may kwartong may pagkain po," jolly kong sagot. Tumawa naman si mommy habang inaayos ang mga gamit niya. "Anak, those food are for the staff and employees. Stop going there and eat what's inside my fridge instead."

Tumango ako at kinuha na rin ang bag dahil aalis na kaming dalawa. Medyo thankful pa ako kasi maaga ang out ni mommy ngayon. Kung hindi, baka nakasalubong pa namin ang boss niya at baka kasama pa ni tita Winona ang dalawa niyang anak.

"Do you know Kriselle Villega?" I asked Stella. Hindi ko mahagilap si Rilynn, Brile, at Jaxtin kaya kaming dalawa ni Stella ang magkasama ngayon.

"Who's that? Wala ata akong kilala..." mahinhin niyang sagot. Umiling na lang ako at inalis sa utak ko 'yung kapatid ni Kaley. Isa pa, onting minuto na lang ay may klase na kami.

Mabilis natapos ang araw. Everyday ang meetings nina Kaley sa CAT at palagi ko siyang naaabutang kakalabas lang ng CAT office pag bumababa ako. Pero ngayon, 'di ko siya nakitang lumabas. Baka iniiwasan na ako?

Kaiwas iwas ba ang isang November Tiamzon? Ha! Baka akala niya kawalan siya. Crush ko lang naman siya dahil gwapo siya. Hindi kawalan ang lalaking 'yun sa akin.

E ba't iniisip mo pa rin siya, November?

Napasabunot na lang ako sa sarili ko habang nakatingin sa labas ng CAT office. Alam kong parang tanga na ako pero sobrang nakaka-frustrate talaga. Ganito ba pag nagka-crush? First time ko, e!

Imbes na hintayin si Kaley katulad ng dati, nagsimula na akong maglakad para pumunta sa office ni mommy.

"November Tiamzon," someone called.

Lumingon ako at hinarap 'yung tumawag sa akin. Ay pota. Kung mamalasin nga naman. Ano ba ang trip ng mga Villega sa akin? Bakit lumalapit sila!?

"Yes?" I said, smiling. Plastik akong ngumiti sa kapatid ni Kaley, si ate Kriselle. Aba kahit hindi maganda ang trato niya sa akin, mas matanda pa rin naman siya. Respectful naman ako!

Nakahawak sa kanang kamay niya 'yung bunso nilang kapatid. Cute niya talaga. Wish ko ngang ampunin 'to. Kaso impakta naman 'yung ate niya.

"Can we talk? I want to talk to you," maldita niyang sabi. Siya na nga gustong makipag-usap, siya pa 'tong nagmamaldita. Where is justice?

Tumango na lang ako at sumunod sa kung saan siya pumunta. Naka-focus lang ang tingin at atensyon ko sa bunso nilang kapatid ni Kaley. Sobrang cute. Parang ang sarap pisilin no'ng pisngi niya. Kaso nakakahiya naman at baka sabihan pa akong feeling close.

Pumasok kami sa isang kainan na malapit lang sa school. Dito madalas kumakain ang mga estudyante pagtapos ng school, pero ngayon ay wala gaanong taong kumakain.

"I'll cut the chase," she said. "I want you to stay away from Kalen."

Napangiti ako sa sinabi niya. Bravo! Tama hula ko. Ito agenda niya. Napatingin ako sa bunso nilang kapatid—si Kyline. Nakatingin lang siya sa akin na para bang inaaral ako. Pareho silang mata ni Kaley, mapanuri. Para bang pusa na tititigan ka talaga hangga't sa masanay siya sa presence mo.

"Bakit hindi si Kaley ang pagsabihan mo?"

Pumalatak siya. "He doesn't listen! He flirts with whoever he wants! And I know that he's flirting with you, too. And I do not approve of that."

"I flirt with whoever I want, too. At isa pa, hindi rin ako nakikinig lalo na sa taong hindi naman ako kilala," sagot ko. "Also, you don't have a say on who he wants to date."

"I'm his older sister, ate niya ako. I only want what's best for him."

"And what's best for him is you meddling with his life? Alam ko namang protective ka sa kaniya pero wala namang masama sa ginagawa namin. Friends lang kaming dalawa."

Tumawa nang malakas si ate Kriselle. 'Yung tawa na pang-witch, gano'n. "Friends? Kalen doesn't make friends. He's only close with people who talk to him first and who befriends him. I'm pretty sure he didn't approach you first."

Kinalabit siya ng kapatid niya. "Ate... you're a bit scary na," cute na boses niyang sabi.

"Tingnan mo, pati si Kyline ayaw sa 'yo," hirit ko.

"Why, Kyline? Don't listen to us, this is for grown-ups." Tumango 'yung bata at tinakpan ang tainga niya. Natawa naman ako kasi sobrang liit ng kamay niya! Ganito siguro ako ka-cute nung baby ko. Minus the kaputian.

"Stop laughing. And do not look at my sister!"

"Bakit? Pag mamay-ari mo ba siya? Cute siya kaya tumatawa ako," sabi ko. Inirapan ako ni ate Kriselle at tumayo na sa pagkaka-upo. Hinaltak niya rin si Kyline kaya napaawang ang labi ko. Halata namang nasaktan 'yung bata. Parang sobra naman makahaltak 'to.

"Remember what I said. Pag hindi ka lumayo sa kapatid ko, you'll regret it," banta niya. "And your family will, too."

Gagang Kriselle 'yon. Hindi ko tuloy matanggal sa utak ko 'yung sinabi niyang regret! Porket sobrang yaman nila at boss ni mommy 'yung nanay niya, babantaan niya na ako ng gano'n? Kapal pala!

Dinamay pa niya pamilya ko sa pag-banta niya. Sana pala binantaan ko rin siyang puputulin ko ang future ni Kaley. Kaso, hindi naman ako gano'n kasama at hindi ko rin agad naisip 'yon. Masyado akong nadala sa banta niya.

I'm doing my research about Kriselle Villega. Inuna kong i-stalk si Kaley sa Instagram para makita kung fino-follow niya ate niya or fino-follow ba siya ng ate niya.

K... Kriselle... Ayon! Kaso bakit iba naman apilyedo. Hindi naman Villega 'to. Kahit iba 'yung apilyedo, pinindot ko pa rin para sure. Baka hindi lang trip ng ate niya gamitin surname nila. Baka surname 'to ng crush niya or what. O baka naman surname ng mommy nila nung dalaga pa 'to.

Kriselle de Veyra

23 posts   390 followers   21 following

Tiningnan ko isa-isa ang posts at nakitang ate nga ni Kalen ito. Pero bakit iba 'yung apilyedo? Tapos iba pa 'yung kasama niya sa picture ng Moving Up niya. Hindi ang daddy at mommy ni Kaley. Parang mga magulang pa nga dating, e. Baka naman tita at tito niya?

Pero bakit...

Comments:

@KalenV_: Say hi for me.

@Kriselle_dVeyra: Sure, Kalen! I'll tell mama and papa.

------------------------------------------------------------------------------

Breaking The Lieutenant's RifleWhere stories live. Discover now