Chapter 5: Heartbeat
Lumipas ang buong 1st quarter at hindi ko na nakausap pang muli si Kalen. I continued to have fun with other guys, hindi naman kasi ako mabilis ma-attach kaya hindi big deal ang nangyari sa amin ni Kalen.
After all, it's just a bliss of the moment.
In-announce ng teacher na magkakaroon ng Festive Dance. Every year naman 'to pero required this year. Ang dami nilang alam. Ayaw ko sana um-attend kaso sayang 'yung grades. Bumabawi na nga ako, e.
"Oy, sino partner mo?" Brile asked while we were eating Ice Candy. Nandito kami sa kiosk, pauwi na sana kaso gusto ko tingnan na mahirapan sina Jaxtin at Rilynn sa CAT.
"Grade 9 nga..."
"Sino do'n? Dami kaya no'n," natatawa niyang sabi.
"Hahanap pa ako. Wala ako this week," I told him, pertaining to my weekly boy. Weekly na ako nagpapalit. Atleast tumatagal naman ng isang linggo.
"Wow, rest yarn?" Pinalo ko si Brile at tumayo na. Nakita ko kasi bigla si Kalen. Nakalimutan kong nag-CAT rin pala 'to. 'Di na nga ako nagpapakita sa kaniya kasi ayaw ko makita mukha niya.
Kinalabit ko si Brile at inayos ang aking bag. "Oy, tara na, uwi na tayo."
"Ay alam mo, may narinig ako," sabi niya bigla. If it's tea, then I'll be willing to stay. Mabilis akong umupo at inantay ang kaniyang chika.
"May kaugali ka sa grade 9. Babaero 'yon, e... Playboy ba." Kumunot ang noo ko nang may maalala. "Ayon oh..." sabi niya sabay turo sa tapat namin kung nasaan ang mga nagt-training ng CAT.
"Villega ata apilyedo no'n. Basta ayon. Matalino at member ng CAT, tapos gwapo pa kaya habulin ng girls. Parang ikaw pero boy version," Brile explained. Nakatingin lang ako kay Kalen na ngayo'y nagpapa-squat. Alam ko naman nang gano'n siya kaya hindi na ako nagulat.
Binunggo ako ni Brile. "Aha!"
"Ano?"
"Yayain mo kaya? Siya na gawing partner mo sa Festive Dance."
Ngumiwi ako nang ma-imagine si Kalen na kasayaw ko sa Sunday. Kadiri naman, pota. Lumalayo nga ako tapos yayayain ko pang maging partner sa sayaw! Aba hindi naman gano'n kakapal mukha ko.
"Ayaw ko. Panget naman siya," parang nandidiri kong tanggi.
Saturday came. Isang araw na lang bago mag Festive Dance at wala pa rin akong partner. Medyo nakakahiya para sa reputasyon ko na maraming lalaki pero walang mai-partner sa sayaw. Matagal ko na ring pinag-iisipan kung yayayain ko ba si Kalen para maging partner ko.
Kaso si gaga, ma-pride.
Ewan ko ba, hindi naman ako dapat ganito. I am used to throwing boys away like trash. Gano'n rin naman kasi sila at gumaganti lang ako para sa ibang babae.
Toxic.
Dahil Sabado at wala akong magawa sa bahay, maaga pa lang ay pumunta na ako sa court ng aming subdivision. Maaliwalas kasi dito at kakaonti lang ang dumadayo lalo na kapag maaga pa. Usually kasi, puro bata na mags-swimming ang pumupunta dito.
Naupo ako sa swing habang umiinom ng Milo mula sa aking tumbler. Hindi pa sumisikat ang araw kaya medyo madilim pa kahit na may ilaw naman mula sa poste.
"What are you doing here?"
Napasigaw ako dahil sa gulat. Gago, akala ko kikidnapin na ako!
"It's me," sabi muli ng pamilyar na boses. Tumingala ako at nakita si Kalen na bagong ligo. Nakasuot siya ng puting t-shirt at ang aming jogging pants sa school. Saan 'to pupunta?

YOU ARE READING
Breaking The Lieutenant's Rifle
Genç KurguKalen Wryney Villega, the Corps Commander of his batch, is a well-known playboy. What will happen if Kalen meets a girl version of himself during trainings? Will he be able to protect his Rifle or just let it break into pieces? Cadets Series #3