BTLR: 11

6 1 1
                                    

Chapter 11: Drama


"Here." Inabot sa akin ni Kaley ang lampin at isang basong tubig na kinuha niya mula sa bahay nila.

"Thanks," bulong ko.

Nakaupo kaming dalawa ngayon sa swing. Habang umiiyak ako, lumalakad kami papunta sa may playground. Ewan ko ba dito kay Kaley, parang timang talaga, e.

"How do you feel?"

Suminghot ako at patagong umirap sa paraan ng pagsasalita niya. "Okay na."

"Let's stay here for a while, hmm?" Tumango ako at sumandal sa kadena ng swing.

Nakakapagod pa lang umiyak, 'no? Nakakapagod 'yung isang pasadang iyak... isang buhos sa lahat. But I prefer this kind of breakdown kaysa sa isa-isa... kaysa sa paulit-ulit. Kasi pakiramdam ko, wala na akong mabubuhos na luha.

"I like you," bigla kong sabi sa kaniya. "I think I like you."

Hindi ko siya tiningnan, nakatingin lang ako ng diretso kung saan malayong mahagip ang kaniyang mga mata. I know he just wants to play, ako rin naman. Pero gusto ko lang malaman niyang gusto ko siya. Para sa susunod na ganito, alam na niyang isa siya sa mga dahilan.

"Why do you..." saglit siyang tumigil. "Why do you like me?"

I gave a hearty chuckle. "Ewan. Tingin ko lang. Ang bobo nung rason 'di ba?"

Hindi siya sumagot. Not like I expect him to. Tumayo ako at tiningnan siya ng seryoso. I won't pretend anymore. This time, I'll stop the game.

"I don't expect you to like me back. Gusto ko lang sabihin 'yung nararamdaman ko. So, bye." Tumakbo ako papunta sa bahay namin.

At nang gabing 'yon, natulog ako ng mayroong magaan na pakiramdam.

Grade 9 taught me a lot of things. Like how some friends can turn into a total stranger. Like how you meet people and suddenly like them. Like how suddenly, you just don't give a damn.

Grade 9 taught me great things. And this time, I learned how to give myself time and space. I learned how go get to know me better.

"Anong posisyon tingin mo makukuha mo, Tin?" I asked Jaxtin while we were eating lunch. Katapat ko silang dalawa ni Stella habang si Brile ay nakaupo sa tabi ko.

"Vice Corps siguro. Ganda sana no'n kasi COCCs handle ko," sagot niya.

"Mag-kadete ako ah," paalala ko sa kaniya. "Huwag niyo 'kong pahirapan, pakisabi sa future Corps niyo."

"Daming candidates for Corps. Malay mo fling mo pala dati 'yung future Corps tapos pahirapan ka sa field," natatawang sabi ni Jaxtin. Stella gave him a glare kaya tumigil na siya sa pag tawa.

"Don't mind him, Nov. Mema lang siya," nakangiting ani ni Stella. Tumango na lang ako at nagpatuloy sa pagkain.

Dahil patapos na ang school year at tapos na ang final exams, madaming tao sa mall. Sabi ko pa naman ay dito ko kikitain sina mommy. Sana pala hindi na lang dito at sa school na lang.

Pumasok ako sa National Book Store para tumingin ng mga bagong release na libro. Ngayon na lang ulit ako makakabasa dahil busy ako sa final exams. Nag-aral talaga ako nang todo dahil grabe pala percent ng exam. Tsaka huli na naman, effort-an ko na.

Pumunta ako sa International Books Section. Buti na lang at dala ko ang wallet ko. Titingnan ko kung may maganda bang pwedeng bilhin.

I was about to get a book from the shelf when I saw a familiar guy enter the store. His familiar aura embraced the entire store immediately. Ang pamilyar na pustura at likod ni Kaley ang sumalubong sa akin.

And he isn't alone.

He's with a senior, too. Ka-grade niya.

Kilala ko 'yung babae dahil sikat na Volleyball player 'to. Captain pa ata ng Girls VB ang babae. Maganda rin naman... maputi tapos mas matangkad ng kaonti sa akin.

Bagay naman ata sila.

Sinundan ko ng tingin si Kaley at 'yung babae sa VB club. Nagtatawanan silang dalawa at mukhang wala naman silang balak bumili. Bakit andito pa nagharutan!

Kinuha ko ang librong dapat kanina ko pa kinuha. Mabilis akong naglakad at sinundan muli ng tingin ang dalawa. Nagtago ako sa matataas na shelf para hindi ako makita. At kung makita man ako, alam naman ni Kaley na mahilig ako sa libro.

Nakita kong kumuha si Kaley ng cart at siya ang nagtulak no'n. Katabi niya ang babae na basta-basta kumukuha ng mga papel... colored paper pa ata 'yun. Don't tell me sugar daddy na rin siya ngayon? Alam kong mayaman sila pero grabe naman kung siya ang magbabayad ng mga 'yon!

Sumunod ako sa kanila, nakatago pa rin sa mga shelf. I know I kinda look stupid right now but that's Kaley out there! Hindi ko maintindihan bakit ganito nararamdaman ko but I'm surely not jealous!

"Nova, this isn't you," I reminded myself. Tumango tango ako at naglakad papunta sa cashier para magbayad. If he gets to have his way to girls, ako rin. I'm Nova the playgirl after all!

Days passed and it's now the day before the Moving Up Ceremony of the seniors. Bukas ay aalis na sa HS Department ang mga Grade 10. Bukas, madalang ko na lang makikita si Kaley.

Isn't this a sign that I should stop whatever I'm feeling for him? Tutal ay may bago naman na siyang ka-bonding at mayroon na rin naman ako, dapat tigilan ko na.

Okay, titigilan ko na. Stop ka na, ha, Nova? Stop na kung hindi iitakin kita.

"Punta tayo sa Moving Up?" George, the guy I met in the library, asked.

"No, I'm not going. I have things to do," sagot ko.

Pareho kaming naka-upo sa kiosk, pinagmamasdan ang mga taga-CAT na nagt-training para sa Turn Over Ceremony nila.

"How about sa CAT grad? I wanna go there... let's make it as our date?"

I sighed and looked at him. "Look, ayaw ko nga. I thought we'll get to know each other? Ayaw ko ng date, okay?"

"Nova, doon natin pwede—"

"Know each other while watching a bunch of students march? Ayaw ko nga sabi!" Tumayo ako at umalis. Uuwi na lang ako kaysa makinig sa drama ng mga tao.

Besides, I'm not in for something serious. Pagod na ako sa 'getting to know' dahil nakakaloka! Hindi ko na nga alam sino sa kanila ang mahilig sa basketball o sa kulay na blue! Hindi ko na alam kung sino ba sa mga nakakausap ko 'yung may dalawang nakababatang kapatid! In short, hindi na kaya ng utak ko i-occupy ang mga drama ng mga lalaki.

Pero kung si Kaley, sure, why not? Kaso nga 'di ako gusto kaya huwag na lang.

Nasa may gate na ako nang biglang may humaltak sa akin.

"Ano ba, kainis!" I yelled. Tiningnan ko kung sino iyon at nakita ang nakasimangot na si Kaley.

Nakakunot ang kaniyang noo, parang litong lito sa kung ano ba ang nangyayari. Parang frustrated na ewan. Para siyang natatae.

"Ano?" I asked.

"Who was— Who was... that?"

"Ha? Sino?"

He impatiently looked at me. "The guy you were... Shit. Nevermind."

Ngumiwi ako nang tumalikod siya at bumalik sa training.

That's it. I'm really done with the drama.



------------------------------------------------------------------------------

Breaking The Lieutenant's RifleWhere stories live. Discover now