BTLR: 02

7 1 3
                                    

Chapter 2: Mr. Flirt


The next day, I came to school late. Pinapunta pa ako ng mga nagC-CAT sa Coordinator's Office. Pero okay lang dahil sanay naman na ako makatanggap ng late slip. Lagi tuloy sa akin galit ang OIC namin sa GSP.

"Saan si Ma'am?" I asked the girl wearing a CAT uniform. Naka-bun ang buhok niya at maayos ang pustura—ang snappy niya tingnan.

Sumilip siya sa maliit na glass ng pintuan at humarap sa akin pagkatapos. "Wait lang, baka kasama pa ni Sir Cruz," sabi niya. Tumango ako at sumandal sa railing, naghihintay sa labas ng office.

Lumipas ang ilang minuto at dumating na si Ma'am Clemente—ang aming Discipline Coordinator. Kasama niya ay ang isang lalaking nakapang-CAT rin. Siya ata 'yung Sir Cruz na tinutukoy no'ng babae kanina.

Lumapit sa amin ang lalaki pagkatapos ihatid si Ma'am Clemente sa loob ng office. "Castro, saan siya?"

"Sir, for late slip, Sir."

Tumango ang lalaki. "Papuntahin mo kay Villega. Siya ang in charge sa late ngayong duty niyo, 'di ba?"

"Sir aye aye Sir," sagot ng babae. Sinenyasan niya akong sumunod sa kaniya pababa sa grounds kaya sumunod ako.

Tahimik akong naglalakad habang nakasunod sa babaeng may apilyedong Castro. Pumunta kami sa gate kung saan nandoon ang dalawang lalaki—parehas na nakatalikod sa amin at naghaharang ng mga estudyanteng late.

Kinalabit ng babae ang isang lalaking nakatalikod. Hindi ko sila mga namumukhaan dahil pare-pareho silang naka-cap. "Batch, late slip daw."

Humarap ang lalaki at doon ako natigilan nang mamukhaan siya. 'Yong gwapong nasa library at office ni mommy! Nag-CAT pala 'to? 'Di halata, ah...

"Here," sabi ni Kalen sabay abot sa akin ng late slip. Iniwan kaming dalawa no'ng babae kanina kaya kami na lang ang natira.

Inabot ko ang slip at nilahad ang kamay kay Kalen.

"Ano?" Tanong niya habang nakakunot ang noo at may ngisi sa labi.

"Pahiram ng pen," I replied.

He chuckled. "Ano ba 'yan, estudyante pero walang ballpen..." bulong niya pero rinig ko naman. Sana sinabi niya na lang ng harapan tutal narinig ko naman!

"Nasa bag ko kasi, 'di ba? Alangan kunin ko pa para sa 'yo."

Hindi na siya nakipagtalo at binigyan na lang ako ng ballpen. I started to fill up the slip. Ramdam ko ang mariing titig ni Kalen sa akin kaya nang matapos ako ay inirapan ko siya.

"What's your problem?" He asked with an amused tone. "You. Ikaw problema ko," sagot ko. "Ikaw na pala mag-akyat niyan sa office ni Ma'am Clemente, ah? Busy ako, e..." maldita kong sabi sabay talikod sa kaniya. Umakyat ako sa room ng may ngisi sa labi.

Sabay-sabay kami nila Rilynn, Brile, Stella, at Jaxtin kumain ng lunch. Dito kami sa pinakadulo ng canteen pumwesto para mas madaling lumabas dahil sa rami ng taong bumibili.

"Adobo in-order mo, Nova?" Stella asked. Umiling ako. "Bistek 'to. Ano iyo?"

"Grilled Fish. Pareho kami ni Jax..." mahina niyang sagot. Tumawa ako nang may mapansin. Itong dalawang 'to, kung may manhid sa mundo, to the max na ang level ng kamanhidan nila. Halata namang crush ang isa't-isa, 'di na lang umamin.

That's why dapat magkaroon ka ng maraming crush. Damihan ang options! Sabi nga ni Ellen Adarna, "May the best man win".

Nang matapos kami kumain, dumaan muna kami sa bilihan ng candy. Medyo ka-close na rin namin ang tindera dahil palagi kaming bumibili sa kaniya noong grade 7 pa lang kami.

Breaking The Lieutenant's RifleWhere stories live. Discover now