BTLR: 25

6 1 0
                                    

Chapter 25: Ruin

Pinunasan ko ang luha na tuluyang tumulo mula sa mga mata ko. Kaley wiped my cheeks too. He's crying as well but he wouldn't remove his hand from my face. Nakatitig lang siya sa akin na para bang ako ang pinakaimportanteng tao sa mundo.

It was like a scene from a movie. Nag-aaway 'yung mag-ex sa kalye. The difference is sa tapat kami ng school nagkakasagutan. Mabuti na lang at wala gaanong dumadaan dito at madalim na. Puro sasakyan lang ang dumadaan kaya walang nakakarinig sa amin.

"I... I can't. Not yet," nahihirapan kong sabi. "Can I tell you when I'm ready? 'Di ko pa kaya, Kaley."

Kahit na mukhang ayaw niyang pumayag ay tumango siya. Bumitaw siya sa pagkakahawak sa pisngi ko at niyakap ako ng tuluyan. His warm body embraced mine as the moon from above served as our light. His scent didn't change, still manly like before. The warmth that his body and presence is indescribable. It's overwhelming and at the same time... It feels like home.

Lumipas ang araw magmula noong huli kaming magkita ni Kaley. Rilynn and Brile told me what happened during Raiz's birthday. Doon pala kami huling nagkita ni Kaley. Siya 'yung lalaking sinamahan ako paalis sa kahihiyang ginagawa ko sa lawn ni Raiz.

Nahihiya pa rin ako sa ginawa ko. Nadagdagan lang nang malaman kong andoon si Kaley. Bakit ba hindi ko naisip na maaaring invited siya doon? He was, after all, Raiz's junior. Close pala sila at hindi ko iyon alam.

Brile was teasing me on the phone when I asked him what happened. Sinabi ko rin sa kaniya ang nangyari noong nakaraan—'yung nagkasagutan kami ni Kaley. He wasn't suprised, he said. Ine-expect niya na raw na magtatanong si Kaley dahil mukhang kakausapin raw ako nito noong birthday party. Hindi lang natuloy dahil nalasing ako. It was a good thing I was drunk that time. Feeling ko hindi ko kakayanin na kausapin siya nang mas maaga pa.

At nagtataka ako dahil hindi ako kinukulit ni Rilynn tungkol doon. She doesn't know about me and Kaley. Hindi rin naman alam ni Stella, Jax, at Brile, pero dahil madaling makahalata si Brile noong highschool kami ay napansin niya na mayroong something sa amin ni Kaley.

"Gumawa ka na nung plates, Tiamzon?" Tanong sa akin ng isa kong ka-block. Umiling ako sa kaniya. Tumango siya at naglakad palabas ng room.

Gano'n halos palagi ang nakasanayan ko. Some of my blockmates were my schoolmates in highschool. Kilala nila ako sa kung sino ako noon. They know the side of me who's always around boys. It was a good thing they don't discuss what happened before. They acted mature, katulad ng dapat inakto nila noong SHS kami.

Dahil nasa College Department ako, nakakasabay ko 'yung ibang mga nasa upper years. Kaya nagtataka ako kung bakit hindi ko nakita kahit kailan sa campus si Kaley.

"Uwi ka na?" Rilynn asked me. Sinalubong niya ako sa labas ng gate dahil sabay kaming kakain. Buti na lang at tapos na ang klase ko agad.

"Oo, ikaw?"

"Hanggang 6 pa ako. Your schedule is swerte today," sabi niya.

Tumango ako. "Oo. Kaya may time ako makipagdate," asar ko sa kaniya. She looked at me with her judge-y eyes. Ganito siya palagi kapag sinasabi kong aalis ako para makipagdate.

"Panget mo talaga. Akala mo, makakahanap rin ako! Judger ka dahil may jowa ka," angil ko. Pinalo niya ang braso ko at kumapit doon.

Rilynn and I ate at the mall. Nag-arcade rin kami dahil 3 pa naman ang susunod niyang klase at alas dos pa lang noong umalis kami sa school. Nagkwento siya tungkol sa school, she said that her mom wanted her to change courses dahil alam niyang 'di naman iyon ang pinakaunang choice ni Rilynn, pero ayaw nang lumipat ni Ri Ri kaya hinayaan na lang siya ni tita.

Nagkwento naman ako tungkol sa school rin. I told her na tambak na ang plates na gagawin ko. Pinagalitan pa niya 'ko dahil ang hilig ko mag-cram. Pero sa totoo, halos tapos ko na ang lahat ng 'yon at finishing touches na lang ang kulang. Wala lang ako ma-kwento sa kaniya.

Sumakay ako ng dyip pauwi. Ang aga kasi matapos ng klase ko kaya hindi ko kasabay si daddy. Okay na rin para hindi na siya dadaan sa school. Dahil medyo malayo 'yung babaan ng dyip sa subdivision, kailangan ko pang maglakad. Nadaanan ko ang iilang kainan at outlet stores.

Wait, kapatid ba 'yon ni Kaley? Pinasingkit ko ang mata ko at nakumpirma na ayon ang nakababatang kapatid ni Kaley. Kyline's dressed up in her school uniform habang hawak ang kamay ng mukhang nag-aalaga sa kaniya. I remember her as their helper noong napadaan ako sa bahay nila Kaley sa subdivision dati.

Tinuturo ni Kyline ang bentahan ng turo-turo pero madiin ang iling ng babae. She said something which made Kyline frown. Siguro sinabi niyang isusumbong ito sa magulang nung bata. Naalala ko pa na ayaw pakainin ng parents ni Kaley ng kung ano-ano ang mga anak nila. Kaley doesn't even know what Isaw is.

Ilang minuto ko pa silang pinagmasdan bago sila tuluyang nawala sa paningin ko. Napangiti na lang ako nang maalala kung gaano kami ka-close ni Kyline. She's like the sister I never had! Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa loob ng subdivision. Mabuti na lang at kabisado ko na ang daan papunta sa bahay namin. Thankful rin ako na sobrang linaw ng street signs dito.

Pumasok ako sa bahay at binati ang aming mga kasama sa bahay. Dahil wala pa ang mga magulang ko, ako ang gumawa ng merienda pagkatapos kong magbihis. Habang iniintay na maluto ang cookies, the doorbell rang. Si manang Yen ang nagbukas ng pintuan.

"Neng, may naghahanap sa 'yo," she called me. Napatayo ako sa upuan at tiningnan kung sino ang bisita.

There I saw the devil in her human form. Nakalugay ang kaniyang buhok at naka-suot ng itim na bestida. Diretso siyang nakatingin sa akin, like a tiger looking at her prey. Ang kaibahan lang ay hindi ako mukhang prey. I was looking at her like she's some kind of animal, which is true because she is.

"Sige po, manang. Thank you po," I dismissed her. She smiled at me before leaving us alone.

Mukha siyang tanga habang nakaupo sa sofa. Her filthy ass shouldn't even sit down there. Hindi siya belong dito. Laking pasasalamat dapat niya na wala sila mommy sa bahay. She looked at around with her judge-eyes. Ang sarap talaga dukutin no'n.

"Ano ginagawa mo dito?" I asked her.

Tumingin siya sa akin. "I told you to stay away, didn't I?"

I lazily chuckled. Walang kasing-kapal ang mukha nito. "Lumayo naman ako, 'di ba? Ano pa ba ang magagawa mo e nagawa mo na nga noon?"

"I could do it again," banta niya.

I laughed without humor. "O, edi gawin mo. Wala namang pumipigil? And, ano pa ang magagawa mo e nasira mo na nga noon. Laos na 'yon the second time around."

She scoffed. "Ang kapal mo. Sinabi mo sa kaniya na ako ang gumawa no'n? How dare you!"

"I didn't say anything. Baka nahalata niya since demonyita ka naman talaga sa paningin ng lahat?"

"Shut the fuck up, November. Don't ruin my life!"

Tinaasan ko siya ng kilay. "Anong ruin your life e sira naman talaga 'yan? Makinig ka sa akin maigi... hindi ako naninira ng buhay. It's you who'll ruin your life. Wait ka lang," maldita kong sabi.

She was about to lose her poise when someone entered my house.

"What the fuck are you doing here, Kriselle?"

------------------------------------------------------------------------------

Breaking The Lieutenant's RifleWhere stories live. Discover now