BTLR: 15

5 1 1
                                    


Chapter 15: Protect

"Don't you see?! Sobrang tanga mo naman para magustuhan ang babaeng 'yan!"

"Manahimik ka na, ate. Tigilan mo na. Praning ka na ba, ha? Just freaking stop it already!"

Idiniin ko ang pagkasandal sa dibdib ni Kaley. His heart is beating so fast I could barely keep up. Ramdam ko ang galit niya sa bawat sigaw, sa bawat salita na ibinabato niya sa ate niya.

'Di ko na nga alam paano kami napunta sa ganito. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang puno't dulo at bigla na lang akong sinugod para sabunutan.

"I said, stop calling me 'ate', Kalen!"

Ipinikit ko ang mata ko at dahan-dahang iniangat ang ulo. Doon ko nakita ang pulang-pulang leeg ni Kaley. It was probably from his loud scream and groan. Napansin niya atang nakatitig ako sa kaniya kaya niyakap niya ako lalo ng mahigpit. He looked at me softly, unlike his stares to his sister a while ago.

"Kalen, ako dapat ang inaalo mo at hindi siya!"

Aba, baliw nga. Ako sinabunutan tapos siya aaluhin? Tanga ka?

Humarap ako kay Kriselle at binigyan siya ng masamang tingin. Pagod na ako! Pagod na pagod na ako sa mga pakulo niyang ganito e wala namang sense.

"Ano ba'ng problema mong baliw ka? Pwede ba, tantanan mo na ako? Ganda-ganda ng araw ko, sinira mong buwisit ka!"

"November!"

Napalingon ako sa pinanggalingan nung sigaw at nakita si mommy na palapit sa amin. Kasama niya si daddy, ang ibang empleyado, at ang mga magulang ni Kaley.

Nagulat ako nang biglang umiyak si Kriselle na para bang siya ang inaapi. Luh? Ako 'yung sinabunutan 'di ba?

Lumapit ang mga magulang ni Kaley sa kaniya para aluhin siya. Nanatili naman akong nakatayo sa harap ni Kaley, nagtataka kung ano bang nangyayari.

Galit lang ang nararamdaman ko ngayon. Galit ako sa kaniya, sa kung bakit ako 'yung nag-mukhang kontrabida, at sa paraan ng pagtitig sa akin ng mommy ni Kaley.

She looks disgusted... And angry.

Hinaltak ako ni mommy palayo kay Kaley at doon narinig namin ang protesta niya.

"November didn't do anything wrong! She was atta—"

"Kalen Wryney!" Sigaw ng kaniyang ama. Rinig doon ang pagpipigil at galit, para bang ayaw iparinig sa amin ang sasabihin ni Kaley.

Kaley gave his dad a deadly stare but his father equalled its intensity. Para akong nakatingin sa salamin na nakaharap sa magkaibang tao.

"He is just using you, November! He wants someone to flirt with kaya ka niya nilapitan. He was dared by his batchmates in CAT to get to know the girl version of himself!" Kriselle yelled.

Nagulat pa ako nang makapagsalita siya. Inaalo na siya ng lahat ng tao pero patuloy pa rin siya sa pagsigaw. At anong 'using'? I... Memories of how Kaley and I met flashed through my mind. Dared by his batchmates to get to know me? What the...

Napatingin ako kay Kaley na nakatitig sa akin na para bang may gusto siyang sabihin pero hindi niya masabi. I gave him a small smile, telling him it's okay because I know he wouldn't do such thing. Alam kong niloloko lang ako ng kapatid niya. Alam kong gumagawa lang siya ng kwento para layuan ko si Kaley.

Tiningnan ko ang mga magulang ko na nakatitig lang sa akin. Their eyes were confused, like asking me what's happening. Why was I shouting, or why was I fighting with Kaley's sister, or maybe what was happening to me. I just gave them a small smile.

Breaking The Lieutenant's RifleWhere stories live. Discover now