Chapter 7

141 3 0
                                        

Nagulat ako, bakit kilala niya si Sir? Magkaibigan ba sila? Kasi kung makatawag ng buong pangalan parang magkaedad lang sila eh.

"Miss Yu, bakit hindi mo pa natapos ang paglilinis dito?" Tanong ni Sir Arthor habang naglalakad palapit sa amin.

"S-Sir! Ano kasi..." Magdadahilan pa sana ako nang biglang umepal ang halimaw.. Este Ren pala.

"Ikaw! Bakit mo pinaglilinis ang mukhang katulong na ito?" Ano? Mukhang katulong? hindi ko alam kung iniligtas ba niya ako o pinapahiya sa mga tao. Kainis talaga siya!!

"Oh, Ren ikaw pala... Pinarusahan ko lang siya dahil hindi siya nakagawa ng assignment niya."

"Ah ganon, okay maghanap ka na lang ng ibang maglilinis dito. Tayo na Miss wild-cat." Lumakad na siya papalayo kay sir at kinaladkad ako. Ang hilig talaga niyang mangaladkad sa akin.

"Te-teka muna Ren! Bakit mo naman isasama si Miss Yu?" Nagtatakang tanong ni sir Arthor, hindi pa nga pala niya alam ang tungkol dito pati na ang lahat maliban lang kay Maggie.

"Pakialam mo."

"Huwag mong sabihing..." O.O

"Tumahimik ka nga! Personal maid ko siya kaya huwag kang dirty minded dyan!"

"Ano? Personal maid?" Tanong ni Sir.

Hindi na niya pinansin si sir at nagpatuloy na sa paglalakad. Naiwan ang lahat ng nakakita na nakanganga ang bibig, hindi siguro sila makapaniwala sa nalaman nila. Pero kalat na kalat na talaga ang pagiging katulong ko sa halimaw na ito!! TT_TT

**time skip**

Nandito na kami sa mansyon nila at naglalakad papasok..

"Welcome home Master Ren!" Bati ng mga maids.

"Hoy." Tawag niya.

"Sino?" Tanong ko.

"Ikaw." Sagot niya.

"Sino ako?" Tanong ko ulit.

"May amnesia ka?" Ano daw?

"Ano?" Tanong ko ulit, anong trip na naman ba ito?

"Hindi mo narinig?" Lumingon siya sa akin. Nakakainis talaga ang mukha niya..

"Anong hindi marinig, ano bang pinagsasabi mo?"

"Tinatawag kita kaya sumagot ka "

"At kailan naman nangyari yan?"

"Ano sabi mo?" Naku, nagalit yata..

"W-wala naman." Tumingin na lang ako sa ibang direksyon para umiwas sa titig niya, baka kainin ako eh. :-P

Lumakad na siya papunta sa sofa at umupo.

"Hoy ikaw tomboy, lumapit ka dito." Anong!? Inaasar talaga ako nito ah! Sipain ko kaya sa paa para masaktan. >:-(

"Anong tomboy! Babae ako! Pure na pure!" Sigaw ko sa kanya.

"Tss." *smirk* Aba't ningisihan pa talaga ako ng gagong 'to. Nakakainsulto na talaga ha.

"Alam mo, tumingin ka kaya muna sa salamin at ulitin ang pinaggagawa mo sa gayun malaman mong tama ako." Ipinatong niya ang kanang paa niya sa kaliwang hita niya..( parang nag number four, ganon) at inilagay niya ang mga kamay niya sa back rest ng sofa.

"Ayoko nga, ano ako uto-uto.." Nagcross arms na lang ako

"Halika, lumapit ka dito."

"At bakit naman?"

"Kailangan pa bang itanong yan? Inuutusan kita kaya sumunod ka."

"Sabihin mo na lang total rinig ko naman ang nakakainis mong boses dito."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 25, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

You're Mine (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon