Bumalik na sa kani-kanilang trabaho ang lahat ng mga maids maliban sa akin. Kinausap pa kasi ako ni Master Ryan doon sa labas ng mansyon nila.
"Ano nga pala ang pangalan mo binibini?" Tanong niya sa akin.
"Iliana Yu po ang pangalan ko." Sagot ko, tingin ko mabait naman si kuya kaya magkakasundo kaming dalawa.. :)
"Ang ganda pala ng pangalan mo Iliana, pwede bang Ilia na lang ang itatawag ko sa iyo para short lang?", Wow nasobrahan yata sa kabaitan si kuya natouch ako dun ah. :D hehe
"Maraming salamat po, alam niyo po, ikaw pa po yung unang taong nagsabi ng ganyan sa akin." Iba talaga ako kapag pinupuri, kumakapal kaagad ang face. XD hindi na nahiya..
"Ganon ba? Nakakatuwa ka naman." Ngumiti siya.Wow ang ganda ng ngiti ni kuya, opposite lang sa malahalimaw na taong nakilala ko.
Magkaano-ano kaya silang dalawa ng pangit na yun? Magkapatid? Magpinsan? Wala talaga akong ideya.
Hay! Kainis! Sa tuwing naaalala ko talaga ang nukha ng lokong yun ay gusto ko na siya kaagad durugin! Kung may picture lang talaga siya sa akin noon ko pa sinunog yun, hindi lang yun ang gagawin ko..
Lalagyan ko muna ng maraming dumi ang mukha niya, pupunitin ng pinong-pino at saka pa susunugin. Hahaha! Ang sama ko talaga! XD
Pero sa kanya lang ako masama ah, ang totoo niyan mabait talaga ako promise. :D hehehe
Ang sama kasi ng ugali niya kaya ayaw na ayaw ko sa kanya. Sana tamaan na lang siya ng kidlat baka magbago pa siya.
"Hoy ikaw alipin! Huwag na huwag mo akong siraan kahit sa isip mo lang kung ayaw mong makatikim sa akin!" What the heck!! Sumulpot bigla ang evil master sa likuran ko! QAQ
"Waaahh!! Hi-Hindi, nagkakamali ka!" Nanginig yata ako, katakot yung mukha niya parang mangangain ng tao. TT__TT
"Ah talaga? Sino naman ang maniniwala sa kasinungalingang yan?" Narinig siguro niya kung ano ang nasa isipan ko... may sidekick powers yata ang lalaking ito.
"Oh Ren huwag ka namang ganyan sa isang babae, maging gentleman ka naman kahit kunti." Sabi ni Master Ryan kay Ren. (Sssh.. huwag niyong ipaalam sa lalaking iyon na hindi ko siya tinawag na master ha? Napilitan lang kasi ako eh.)
"Anong gentleman ka dyan eh ayaw ko ngang maging mabait sa tomboy na yan." Ano daw? Tomboy?! ==__==
"Halinaw ka! Ang sama m-"
"Hindi ba sinabi ko nang umayos ka sa master mo at huwag magsalita ng mga walang kuwentang bagay o magreklamo? Ganyan na ba talaga katigas yang ulo mo na kahit ganyang utos lamg hindi mo pa magawa?"
Nakakainis na talaga ang taong ito, kung pwede pa lang sana magsalita ulit sasabihin ko talaga sa kanya na kung ayaw mo ang katulad ko paalisin mo na lang ako dito at huwag nang gulohin kahit kailan
"Ren pakiusap tama na yang pang-iinsulto mo at pagmamalupit kay Ilia, mabait naman siya at saka bago pa siya dito." Huhuhu TT.TT ang bait talaga ni Master Ryan, mabuti na lang talaga nandito siya para ipagtanggol ako sa masamang taong ito. Ikaw na talaga kuya..
"Tch." Tumingin na lang si Ren sa ibang direksyon.
Pumasok na sa loob si Ren at hindi na umimik pa. Ako naman at si Master Ryan ay nasa labas pa rin.
"O pano, pumasok na tayo?" Anyaya ni Master Ryan sa akin.
"Ah! Ok po!"
Kumain na ng agahan si Master Ryan sabi niya kasi gutom na siya kaya pinagsirbehan siya ng mga maids ng pagkain. Ang sasarap ng mga pagkain nila, may sarili silang cook at ang dami pa talaga. --__--
