"Hoy, hanggang kailan ka ba matutulala dyan?" Biglang nagsalita si Ren mula sa gilid ko, nandito na kasi kami sa loob ng kotse at nakaupo sa back seat. Hindi ko namalayan na magkatabi pala kami sa upuan kaya napatalon ako.
Ibang klaseng lalaking ito, sirain ba ang konsintrasyon ko.
"Ano ba! Huwag mo nga akong gulatin!"
"Ano sabi mo? Pano naman kasi kulang nalang maglaway ka dyan, at saka gusto mo bang dito ka na lang at hindi na lalabas kahit kailan?" Ano naman ang ibig niyang sabihin doon? Itinuro niya ang hintuturo niya sa labas ng pintuan kaya lumingon ako kung saan siya nakaturo.
O_O *wide eyes
Putik! Nakarating na pala kami sa school ko!
"Sige matulala ka pa, sa susunod talaga bubuhatin na kita at iiwanan sa hindi mo pamilyar na lugar." Ang sama talaga.
"Wala kang awa." *pout
"Ako pa talaga ang walang awa ngayon, pasalamat ka nga pinapasakay pa kita sa kotse ko at hindi pinapalakad doon hanggang dito."
"Teka nga muna, laking himala ito ah. Ba't nakaupo ka dito kesa sa harap na upuan?" Tanong ko. Sa pagkakaalala ko dapat nakaupo siya sa harapan sa tabi ng driver niya.
"Wala kang pakialam kung saan ako uupo, uupo ako kahit saan ko gusto."
"Ibig sabihin kung gusto mong umupo sa itaas ng kotse uupo ka talaga doon?"
"Hibang! Bakit ko naman gagawin ang kabaliwang iyon?"
"Sabi mo kasi kahit saan eh."
"Walang utak."
"May utak kaya ako."
"Meron nga maliit naman."
"Ang sakit mong magsalita ah."
Tumunog na ang school bell.
Kainis late na tuloy ako dahil sa walangya na lalaking ito! Ang hilig talagang mang-insulto kala naman kung sinong perpekto! >:-(
"Tingnan mo, nang dahil sa iyo late na tuloy ako!" Sinigawan ko siya.
"Huwag mo nga akong sisihin, ikaw lang ang may kasalanan dahil ikaw ang nagpahaba ng usapan. Kung lumabas ka na lang sana at dumiretso papasok hindi ka sana malalate, huwag mo akong idamay pwede?"
"Ewan!"
Lumabas na ako sa kotse at nagmadaling pumasok sa school gate, hindi na ako nagpaalam sa lokong iyon sino ba siya para ipaalam ko pa na papasok na ako eh hindi ko naman siya close. :-P
Nandito na ako sa classroom, nakita ko si Maggie na nakaupo sa pwesto niya. Nilapitan ko siya at umupo na sa tabi niya, seatmate kami eh..
"Good morning." Bati ko sa kanya habang may kinukuha ako sa bag ko.
"Ah, ikaw pala Ilia.. Good morning din," sabi niya.
"Kumusta pala ang work mo? Ok lang?" Tanong niya. Nilabas ko ang libro ko sa bag at inilagay sa table pagkatapos ay tumingin sa kanya.
"Oo nga pala, dahil nasabi mo rin lang yan... Kailan kayo nag-usap ng baliw na iyon ha?!" Pagalit na tanong ko sa kanya.
"Ano? Si-sinong baliw?" Napaatras siya sa upuan niya dahil natakot yata sa mukha ko. Well, hindi ko siya masisisi galit ako eh.
"Sino pa ba?! Eh di ang lalaking kumidnap sa akin!"
"Yung si pogi ba yung tinutukoy mo?"
"Anong pogi ka dyan! Pangit siya! Pangit! Naiintindihan mo?!"