Naglalakad ako ngayon papuntang amusement park dahil kailangan kong puntahan si Maggie, pinangako ko pa naman sa kanya na magkikita kaming dalawa.
Nang nakarating na ako, nakita ko si Maggie na nakatayo sa gate kaya dali-dali ko siyang pinuntahan. "Maggie!" Winagayway ko ang kanang kamay ko habang papalapit sa kanya, napansin niya ako kaya winagayway din niya ang kanang kamay niya sa akin, "Eimi, kala ko di kana darating, nag-aalala talaga ako sa iyo ng sobra alam mo ba yun."
"Pasensya kana ha, o pano tara na?" Anyaya ko sa kanya.
Lumingon si Maggie sa likuran namin, "teka, bakit nandito yung mga bodyguard nung lalaki kanina?" Nagtatakang tanong niya sa akin. "A-eh wag mo nang pansinin yan baka namasyal lang sila. Punta na tayo doon sa mga rides sige na," nagpapanggap na sabi ko sa kanya. Kainis na lalaking yun! Pinasama pa talaga niya ang mga guard sa pagpunta ko dito!
*flashback*
"Saan niyo ba ako dadalhin?! Pwede ba wag niyo akong gapusin dito, hindi ako kriminal!! Hoy walangya ka! Ano bang plano mo sa akin ha?!" Nagsisigaw ako sa loob ng kotse.
Nasa kotse ako nung rich boy na yun, pinaupo ako sa back seat at nakagapos ang mga paa ko at kamay samantalang nakaupo naman ang lalaking yun sa front seat katabi ng personal driver niya. "Tumahimik ka, ang ingay mo para sa isang babae."
"Ano? At ako pa ngayon ang patatahimikin mo matapos mo akong kidnapin. Pababain mo ako pwede ba!!"
"Sinabihan na kita kanina hindi ba? Magiging tagapagsilbi na kita simula ngayon kaya bakit naman kita ibababa?" "Gaano ba talaga kalaki ang kasalanan ko bakit grabe ang pinapabayad mo sa akin?!"
"Wala ka nang pakialam dun."
"Anong walang pakialam?! Buhay ko to kaya may pakialam ako!!"
"Bahala ka dyan."
"Ano ba! Pakawalan mo ako dito!!" Sinipa-sipa ko yung kotse kaya napalingon siya sa akin.
"Tumigil ka nga! Pag di ka tumigil dyan tatakpan ko na talaga yang bibig mo! O baka gusto mong takpan ko ang buong mukha mo para di ko na makita ang nakakairitang mukha mong yan."
"Murderer ka!" Sigaw ko.
"Sinabi ko bang papatayin kita? Hibang!"
"Mas ikaw ang hibang sa ating dalawa!"
"Master Ren, mukha yatang nakahuli kayo ng isang wild-cat ah," nakatawang sabi nung driver. "Ewan!" Umupo na siya ng maayos at nag cross-arms.
Pagkatapos ng ilang sandali ng katahimikan ay naalala ko ang pangako ko kay Maggie na magkikita kami doon sa amusement park ngayong hapon.
"Hoy."
Hindi siya nakinig sa akin.
"Hoy ano ba! Makinig ka nga! Bingi ka ba?!"
"Hindi Hoy ang pangalan ko, sino bang Hoy na yan ang sinasabi mo?"
"E di ikaw, sino pa nga ba!"
"Sabi ko na sa iyo hindi Hoy ang pangalan ko kaya hindi ako makikinig sa iyo."
"Kainis! E di ano pala itatawag ko?!"
"Master Ren ang itatawag mo sa akin simula ngayon total naman tagapagsilbi na kita."
"Hindi mo ako tagapagsilbi!!"
"E di katulong nalang."
"Pareho lang yun!!"
"Bahala ka."
"Eerrrr! Oh sige na nga! Master Ren!!"
"Huuhh? May sinasabi ka? Hindi ko kasi halos narinig."
