Chapter 3

227 3 0
                                    

POV: *Ren*

*Kriinnggg!! Kriinnggg!!

"Master Ren may tumatawag po sa inyo." Sabi ng maid sa akin.

Nandito ako sa bahay at nakaupo ako ngayon sa sofa.

"Pakiabot yung phone." Inutusan ko ang maid na kunin yung phone ko sa table tinatamad kasi akong tumayo at saka ano bang silbi ng katulong kung hindi naman uutusan?

"Heto po." Kinuha ko yung phone at sinagot ang tawag.

"What?" Yun lang ang sinagot ko sa phone call.

"Hi my dear son! How's your day?" Tanong ng madaldal kong ama.

"Okey lang, ba't napatawag kayo Dad?"

"Dahil gusto kong malaman mo na uuwi na ako dyan sa bahay bukas."

"Ah ganon ba, okey I'll wait."

"Kumusta na pala ang mansyon natin dyan? Ilan na ba ang tinanggal mo sa trabaho?" Hahaba na naman ang usapan.

Grabe makatanong ng ilan ah, kahit ganito ako ka selfish at mahilig mang-insulto hindi ko naman iniisip na mag fired ng mga katulong. (Wow inamin talaga? Oh well, okey lang totoo naman at least mabait.)

"Wala akong tinanggal, kung gusto mo ngayon ko na gagawin iyon." Sagot ko sa kanya.

"Hehehe ikaw talaga anak hindi ka na mabiro." Sabi niya.

Ay ganon, gusto pala niyang makipagbiruan.

"Dad pwede bang bukas mo nalang yan gawin? Busy pa kasi ako ngayon."

"Huh? Nakakapanibago naman yan anak, sa pagkakatanda ko kahit kailan ay hindi mo pa nagawang maging busy. May nakain ka ba ha?" Kakaibang tanong naman yun.

"Ano bang pinagsasabi mo dyan? May lakad po ako ngayon kaya bukas na lang tayo mag-usap."

"Teka, huwag mong sabihing nagbibinata ka na anak?"

"Whaa? In your stupid dreams! Kahit kailan ang sarili ko lang ang mamahalin ko Dad so don't mention such things like that okey?" Kadiri! Wala pa yan sa isip ko.

Kainis na matandang ito oh.

"Pero kailan ka pa ba-"

"Okey bye." *toot! *toot! *toot!

(End of call...)

Haay, nakakasira talaga ng mood si Dad. Sana di ko na lang sinagot eh, pinagsisisihan ko tuloy.

"Master Ren, nakahanda na po yung kotse sa labas. Lalakad na po ba tayo?" Tanong ng personal driver ko na nakatayo malapit sa akin.

"Oo, sandali lang." Binuksan ko ulit yung phone ko tapos tinawagan ko si Dad.

*riiinngg! *rii-

"Hello anak." Wow ang dali nakasagot ah, napaka automatic.

"Bukas po Dad."

"Oh bakit? Anong meron bukas?"

"May ipapakilala ako sa inyo."

"Girlf-"

"Hindi! Isang bagong katulong." Ayan na naman siya, buti na lang naputol ko.

"Ganon ba? Akala ko.."

"Tumahimik ka. Basta bukas na lang bye."

(End of call...)

Binaba ko na yung phone at inilagay na sa bulsa ko.

You're Mine (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon