"Welcome back Master Ren!" Yun ang bati ng lahat ng katulong sa kanilang palasyo, ang dami pala nila. Siguro ito ang dahilan kaya naging pangit yung ugali ng rich boy na ito.
"Anong tiningin-tingin mo dyan? Huwag mong sabihin na nagsisimula ka ng humanga sa akin ha alipin?" Yak! Siya hahangaan ko? In his poker face!!
"Huwag kang assuming, hindi bagay sa iyo. At saka huwag mo rin akong tawagin na alipin loko ka!"
"In denial pa."
"Kapal ng face mo!"
"You (tinutukoy niya yung 4 maids na malapit sa amin), kayo na ang bahala sa babaeng ito. Paliguan niyo at bihisan na rin do the 4 of you understand?" Ano daw?! Ano ako isang bata na papaliguan at bibihisan pa?! Tinulak niya ako palapit sa mga maids.
"Opo Master." Sagot ng apat.
"Teka! Kaya ko ng maligo at magbihis ng mag-isa!" Reklamo ko.
"Walang magrereklamo kapag inuutos ko, tandaan mo katulong ka na ngayon so kailangan mo ng sundin ang ipinag-uutos ko or else maaga pa lang makakatikim ka na ng parusa sa akin." Katakot namang amo na ito!! >__<
Napaka strict!!
"Hoy! Tandaan mo rin ito ha, maliit lang ang kasalanan ko sa iyo kaya wala kang karapatang gawin ang gusto mo!" Ayokong magpatalo noh, may karapatan din naman ako.
Kahit isa lamang akong mababang uri sa paningin niya, hindi naman yata patas na magpadaig lang ako sa kanya.
I NEED JUSTICE!! \('o' )
"You wild-cat... You're... Kind of annoying." Naku po nag-iba na expression niya!! QAQ
Umiitim na yung paligid! Waahh!!!
"Miss dito po tayo!" Bigla akong hinila ng dalawang maids at dali-dali nila akong inilayo sa lalaking yun.
Buti na lang, kinabahan ako ng kunti doon ah.. *sigh
Nandito na kami sa bathroom..
"Woooww! Ang laki at ang luwag naman ng paligoan na ito!" Napanganga ako sa ganda ng paligoan nila.
"Isa lamang ito sa paligoan nila, ang totoo niyan may limang paligoan pa sila dito sa mansion." Sabi nung isang maid sa kanan ko.
Grabe namang mansyon na ito. Bakit gumawa pa sila ng malaking mansyon kung kunti lang naman ang may-ari dito? Hindi naman siguro sila big family.
"Ano nga pala ang pangalan mo Miss? Hindi ka pa kasi nagpapakilala." Tanong ng isang maid sa kaliwa ko.
Ay oo nga ano? Nakalimutan ko.. ^_^°
"Ako nga pala si Iliana Yu, ano naman ang mga pangalan niyo?" Siyempre kailangan ko ring tanongin ang name nila.
"Ang pangalan ko ay Ann Owase." Sabi ng nasa kanan ko.
"Ako si Maki Selena." Sabi naman ng nasa kaliwa ko.
"Ako naman si Nichola Tanaka." Nasa likuran ko siya.
"At ako naman si Wendy Himilia." Katabi ni Nichola.
Wow kakaiba naman ang mga last name nila at ang gaganda pa talaga nila. Mga maids ba talaga sila? Parang ang hirap paniwalaan.
"Nice to meet you all!" *bows
Natapos na din sa wakas ang preparation ko with the help of my fellow maids.
Ay teka, tanggap ko na agad na maid ako?
No way!!
Even the world will deluge, hindi ako papayag na magpaalipin na lang sa kanya!