Chapter 0

613 13 4
                                        

"Hi Ilia!," masayang bati ni Maggie kay Iliana.

"Anong meron? Ang sigla mo yata," tanong ni Iliana sa kanya habang nagbabasa siya ng paborito niyang manga.

"Eh? Kailangan ba talagang itanong yan? Syempre kailangan bumati ng masaya alangan namang umiyak ako batiin lang kita, hindi na yata yun normal," paliwanag ni Maggie.

"Hindi ka naman talaga normal," paungol na sabi niya.

"Ano sabi mo?! Hoy rinig ko yun a! Ang sakit mo namang magsalita Ilia," T__T

"Hehehe joke lang, di ka naman mabiro Maggie."

"Ano naman kayang klaseng biro yun? Kung ako sa iyo wag ka na lang magbiro kasi hindi kiliti ang ginagawa mo kundi sakit."

"Ang sensitive mo naman, oh sige na nga iniistorbo mo kasi pagbabasa ko."

Inagaw ni Maggie ang librong hawak ni Iliana at tiningnan ang page kung saan yun nakabukas, "manga na naman?" "Ano ba, akin na nga yan!" Inabot ni Iliana ang libro kay Maggie, nakaupo pa kasi siya habang nakatayo naman si Maggie.

"Ano bang nagustohan mo sa pagbabasa nyan?" Tanong ni Maggie. "Eh di yung story ano pa nga ba," mahinang sagot ni Iliana.

"Ano ka ba Ilia, ano bang klaseng story yan ha?"

"Love story."

"Eh kung maghanap ka na lang kaya ng totoong love story kesa nagbabasa ka lang dyan."

"Hindi naman ako katulad mo, ayoko pa nyan gusto ko pang maging single noh."

"Ayan ka na naman," nag-iba expression ni Maggie.

"Ah basta ayaw ko muna nyan, wala pa yang love for real sa vocabulary ko."

"Asus wala pa daw, eh nagbabasa kana nga ng love story eh."

"Love for real wala pa."

"Gusto mo sigurong tumanda na dalaga lang noh?"

"Hindi a, syempre gusto kong magkaroon ng boyfriend..."

"Yun na nga eh."

"Pero ayoko muna ngayon."

"Eh kung may manligaw sa iyo ngayon, wala pa rin ba yun sa vocabulary mo?"

"Ewan."

"Lam mo, gusto kitang sapakin."

"Wag naman, masisira beauty ko."

"Ano bang type mo sa lalake?"

"Type ko? Hmmm... Yung lalakeng gentleman, mabait, masayahin, maunawain, maaalahanin at syempre yung hindi ako sasaktan." Nakangising sagot ni Iliana.

"Parang sa manga ganon ba?"

"Hindi a, yun lang talaga ang type ko."

"Ilia mahirap ng maghanap ng ganyang mga lalake sa panahong to, eh pano kung may nanligaw sa iyo pero wala sa kanya ang lahat ng mga hinahanap mo?"

"Hindi naman kaagad ako maiinlove pag may manligaw sa akin Maggie, maliban na lang kung crush ko siya."

"Wala ka ng pag-asa."

"Grabe ka naman magsalita." Nakasimangot na sabi ni Iliana.

"Joke lang noh," nakatawang sabi ni Maggie.

"Hindi nakakatuwa ang joke mo, mas lalong hindi bagay sa iyo."

"Talaga? Nagsalita ang una."

"Che! Ewan ko sa iyo," pagalit na sabi ni Iliana.

"Oy pikon, wag kang magalit tingnan mo kumulubot tuloy noo mo," pabirong pang-asar ni Maggie.

"Ang hilig mo talagang mang-asar kaya nga ang swerte ko dahil nakilala kita eh," nakangising sabi ni Iliana kay Maggie.

"Salamat," :D

"O ano, peace na?" Dagdag ni Maggie. "Peace," sagot ni Iliana.


Ang weird naming dalawa noh?

Pero kahit nakakainis siya at nakakainis din ako sa kanya, kahit kelan ay di pa kami nag-away ng totoo puro pabirong pang-asar lang.

Ako si Iliana Yu at si Maggie Santander naman ang best friend ko since childhood, lagi kaming magkasama at kahit kelan hindi rin kami nagkakahiwalay, parang tinalian sa kamay. Pag kasama ko siya, hindi ako nakakaramdam ng pagkabagot dahil sa pang-aasar niya sa akin.

Kaming dalawa ay totally odd..

Ewan ko ba pero ganon kami eh..

__________________________________________________________________________________________

A/N: You're mine chapter 1 will be the beginning of the story.... This chapter is like a short glimpse for the two characters' conversation.

More characters not mentioned..

Thanks for reading...

__________________________________________________________________________________________

You're Mine (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon