Chapter 1

394 8 9
                                        

"ilia? Gising ka na ba?" Kumatok si Maggie sa pintuan ng kwarto ko. "Oo gising na ako," sagot ko sa kanya.

"Kung ganon magbihis kana dahil maaga pa tayo sa school."

"Ok ," agad na sagot ko sa kanya.

Naglalakad na kami ngayon papuntang school, dumaan kami sa shortcut road para madali lang kaming makarating dun.

"Maggie, kumusta na pala kayo ng boyfriend mo?" Biglang tanong ko sa kanya, nagulat siya sa bigla kong pagtatanong. "Ok lang naman kami, ba't mo naitanong Ilia?" Nagtatakang tanong niya sa akin.

"Wala lang, hindi ko na kasi kayo nakitang magkasama."

"Oo nga e, pano naman kasi lagi na siyang busy sa project niya ngayon, alam mo naman na graduating na siya diba?"

"Oo nga pala, nakalimutan ko," napangiti ako.

__________________________________________________

Iliana Yu -> age: 16

                        grade: 3rd year h.s.

                        height: 5'0

                        hobby: reading manga

__________________________________________________

Maggie Santander -> age: 16

                                        grade: 3rd year h.s.

                                        height: 5'1

                                        hobby: non

__________________________________________________

"Ikaw Ilia, may nanliligaw na ba sa iyo?"

"Huh?! Ano bang pinagsasabi mo? Syempre wala pa at ayoko muna."

Binilisan ko ang paglalakad baka mangungulit na naman siya. "Oy Ilia hintayin mo naman ako. At saka wag ka ring maglakad ng ganyan baka may mabangga ka nyan," humabol siya  sa paglalakad ko.

Sa pagliko ko sa daan ay may nabangga nga akong tao, "pasensya ka na," sa ngayon, nakaatras ako sa kinatatayuan ko at dahan-dahang tumingin sa taong nabangga ko.

"You're such an idiot you know that?"

"Ano?"

Lumapit si Maggie sa akin at siya nalang yung humingi ng tawad.

"Pagpasensyahan mo na sana ang kaibigan ko hindi niya yun sinasadya," yumuko siya sa taong kung makatingin naman sa akin ay wagas. Hindi niya pinansin si Maggie dahil tinitigan lang niya ako ng mabuti, parang minimorize yung mukha ko.

Naku naman, baka ipakulong ako nito, pero nabangga ko lang naman siya kaya hindi yun mangyayari.

Kung titingnan ng mabuti, matangkad siya, tingin ko 5'7 yung height niya, maputi at gwapo din naman.

Mayaman siguro ang lalakeng to, may bodyguard kasi na kasama at naka sunglasses pa talaga ha, at syempre sa unang tingin pa lang ay habolin na siya ng mga babae.

"Master Ren, ok lang po ba kayo? May masakit po ba sa inyo?" Tanong nung bodyguard niya. Grabe a, iba talaga pag mayaman alagang-alaga. "Ren huh, kung ganon Ren pala ang pangalan niya? Infairness cute name naman yun, tsaka bagay naman sa kanya," sabi ko sa isip ko.

You're Mine (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon