CHAPTER 17

10.9K 335 55
                                    

Chapter Seventeen

Enchanted

I was scolded hard by Tita Myrcelle like what I did was one of the heinous crimes and was unforgivable. Bukod doon ay nag-away pa sila ni Papa.

"You are tolerating your daughter Rucio! Ang mga anak mo ni minsan ay hindi lumabag 'yan sa curfew at marunong makinig sa akin! You are being unfair to them by allowing Roshlin to do the opposite! Aba't hindi na tama 'yan! You're spoiling your daughter so much since she's moved here! Hindi ako papayag nang ganyan! Disiplina lang ang gusto ko sa pamamahay ko!"

Napayuko ako sa sunod-sunod na malalakas na sigaw ni Tita Myrcelle sa loob ng opisina ni Papa. Kahit na nakasarado ang pintuan ay malinaw iyon sa tainga ko. She was raging and I felt kind of bad. Kung alam ko lang na magagalit siya ng sobra ay hindi na sana ako sumama sa mga kaibigan ko.

They argued more. Sampung minuto pa ang lumipas ay napaalis na ako sa pagkakasandal sa dingding nang lumabas ito. Her sharp eyes looked at me up and down. Hindi ko nagawang gumalaw dahil sa pagbabanta sa kanyang mga mata pero bago pa tuluyang maubos ang pasensiya ay iniwan na ako.

"Roshlin." My father called.

Sumunod ako papasok sa kanyang opisina.

"Papa, I didn't mean it. Kung alam ko lang na mag-aaway kayo ni Tita Myrcelle ay hindi na sana ako–"

"It's not your fault, hija," he cut me off before glancing at the chair in front of his table.

Kahit na ayaw pumirmi ng puso ko dahil nakokonsensiya ako sa nangyari ay ipinaramdam niyang hindi siya galit sa akin at naiintindihan niya ako.

"Kumusta ang pagtambay ninyo sa parkour?"

My throat run dry because of his question. Kahit na alam kong mabigat ang naging pag-aaway nila ay mas iniintindi niya ako. Hindi ko tuloy naiwasang maging emosyonal.

"Papa–"

"Just tell me it went fine and you enjoyed hanging out with your friends so I woulnd't regret letting you go with them. Aba't hindi naman ako papayag na mabulyawan ng gano'n tapos hindi ka naman pala nag-enjoy? Lugi tayong dalawa kung gano'n."

"Papa naman." I pouted, naiiyak na sa mga sinasabi niya.

Awtomatiko kong inabot ang kanyang kamay nang ilahad niya iyon sa lamesa. Marahan niyang pinisil ang aking palad.

"Mukha namang nag-enjoy ka dahil hindi ka naman gagabihin kung hindi, 'di ba?"

"I did, Pa. Thank you po."

"No worries, Roshlin. Huwag mo na ring isipin ang Tita Myrcelle mo. Hindi lang iyon sanay na may lumalabag sa mga patakaran niya. Isa pa kaya gano'n ay dahil siguro nagkakaedad na. Masyado nang nagiging sensitibo."

What he said made us both smile.

"But I wouldn't do it again. Ayaw ko na pong mag-away kayo ni Tita Myrcelle."

"Nah, RZ. Huwag mong intindihin ang Tita mo. Ako ang bahala diyan. Kung ano ang gusto mo ay sabihin mo sa akin. Wala akong pakialam kung ano ang sabihin niya. I trust you. Nananalaytay sa 'yo ang dugo ng mga Almanzerano kaya wala akong karapatang tutulan ang mga bagay na magpapasaya sa 'yo. Besides, I know that you know your limitations. You are a smart girl and I'm pretty sure your mother taught you enough kaya magtitiwala ako. Kung ano man ang problema ay narito lang ako, naintindihan mo? If Myrcelle will scold you again, sabihin mo kaagad sa akin at ako ang haharap sa kanya."

"Kaya tuloy naiisip niyang palagi mo akong pinapaboran."

"Of course I will, Roshlin. Anak kita and I will spoil you with all the things that you want and deserved. Hindi gaya nila Fyrcelle, marami akong utang sa 'yo. I already gave them enough of my time and it's now my turn to make up for the time that we've lost together. Alam mo ba kung gaano kahirap na hindi kita nakitang lumaki?"

Dancing With Cinderella (Cordova Empire Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon