CHAPTER 10

17.4K 646 182
                                    

Chapter Ten

Courage And Braveness


I am still talking to Nicolaus on the phone when Papa called me. Kauuwi lang raw nito galing sa opisina at agad na akong pinapatawag.

Malakas ang kalampag ng puso ko habang papunta roon. I have an idea why he wanted to talk to me. Inihanda ko na ang sarili ko pero hindi ko pa rin talaga naiwasang kabahan.

"Papa..."

Natigil siya sa paggalaw sa kanyang lamesa nang pumasok ako sa loob. Ilang beses kong napansin ang pagbuntonghininga niya nang malalalim bago ko siya malapitan at mahalikan sa pisngi.

He let me sit in front of him. Tahimik lang ako at naghintay sa sasabihin niya. Hindi na ako mapakali.

"Your mother e-mailed me, Roshlin," my breath hitched at that. Tumingala ako para titigan siya.

My vacation is almost over. At natatakot ako sa mga sasabihin niya tungkol sa e-mail ni Mommy.

"And she wanted me to keep you."

My fingers continued twitching. I was so anxious of what will happen next. Hindi ako nakapagsalita, nanatili lang tikom ang bibig ko habang hinihintay siya.

"She wanted you to stay here. Dito niya gustong mag-aral ka. Do you know about this? Did she talk to you?"

Napayuko ako at bigong umiling. I don't know what to say to him. I was out of words. Ilang beses ko pang narinig ang pagbuntonghininga niya.

"Hindi ba pwede, Papa? Ayaw n'yo bang dito ako?" May lungkot sa boses kong tanong dahilan para maalarma siya.

"Of course not, anak! I love that you are here at walang kaso kung dito ka mag-aaral pero naninibago ako sa Mommy mo."

Ibinalik ko sa kanya ang mga mata. I found the courage to answer him.

"Araw-araw akong nagpapadala ng e-mail kay Mommy. She knew everything and maybe she realized that it wasn't a bad idea for me to live with you. Alam kong hindi maganda ang nangyari sa inyo noon pero Papa hindi naman masamang tao si Mommy. Baka na-realized niya ngayon na panahon na para tayo naman. That's why I left her. Gusto ko ring bigyan siya ng space para sa sarili niya. She needed that. All her life wala siyang inatupag kung hindi ako. Ngayong kaya ko naman na at willing naman kayong suportahan ako, bakit hindi natin siya pagbigyan?"

His eyes remained on me for a solid minute. Maya-maya ay Ibinalik niya iyon sa kanyang computer. Probably looking at my mother's e-mail.

"Papa..."

Napapikit siya. I gave him time to process everything.

"Hindi pa rin talaga nagbabago ang Mommy mo..." wala sa sarili niyang sambit. "She really loves to deliver unexpected messages through e-mail. Ilang beses na niya akong nasorpresa sa ganito."

I don't know if that was a good thing, but I found myself holding Papa's hand.

It was indeed my mother's only way to communicate with us. Sa kanya rin ako nasanay. My mother doesn't have any social media accounts. Nang gumawa ako, mas preferred niya pa ring sa e-mail kami nag-uusap. She hardly calls my phone, too. Kaya nakatodo ang notification ko hanggang ngayon dahil doon lang niya gustong makipagpalitan ng mensahe sa kahit na sino.

Mahabang minuto nang katahimikan ang lumipas sa pagitan namin ni Papa. He remained unsure and a bit emotional.

"Kung ayaw n'yo ay pwede naman po akong—"

"You will stay, Roshlin anak... I will talk to your mother pero walang kaso sa akin ang pananatili mo rito," hinawakan niya rin ang kamay ko. "Okay lang ba sa 'yo? Kinabukasan mo ang nakasalalay rito. Kaya kong ibigay lahat nang 'yan, pero siguraduhin mong iyon ang gusto mo, anak. Do you want to live here? With me? Without your mother?"

Dancing With Cinderella (Cordova Empire Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon