Eunice's Pov"Pabili nga po ng isang ice cream, chocolate po." Sabi ko sa mamang nagbebenta ng dirty ice cream.
Hinahanda pa lang nya ang ice cream ko nang may isang lalaki ang tumabi sa akin.
"Chocolate ice cream, isa." Sabi ng lalaking nasa tabi ko.
Nang matapos ihanda ni Kuya ang ice cream ko ay inabot nya iyon sa akin pero hinablot ito ng lalaki at dinilaan.
Sa sobrang inis ko, hinampas ko ang braso nito dahilan para mahulog ang ice cream ko sa kamay nya.
Humarap ito sa akin nang nakakunot ang noo. "What the?! What's your problem?!" Bulyaw nito sa akin.
"You eat my ice cream!" Bulyaw ko dito pabalik.
"What? Your ice cream? Akin yun!"
Pinaghahampas ko pa ito ng ilang ulit. "That's mine, kung di mo lang inagaw!"
"Stop it, woman!" Sabi nito habang iniiwasan ang mga hampas ko. "Okay! Bibili kita ng bagong ice cream just stop it." Sabi nito na nakapagpatigil sa akin.
"Sige!" Sagot ko naman dito tsaka naghalukipkip.
"Tsk, parang bata..." Rinig kong bulong nito pero di ko masyadong narinig.
"Ano yang binubulong mo?!" Sigaw ko ulit dito na dahilan para mapatalon ito sa gulat.
"Wala." Humarap ito sa akin at ibibigay sa akin ang ice cream na libre nya sa akin. "Here..."
Agad ko iyon kinuha at kinain. Inirapan ko ang lalaki bago umalis doon.
Pero di pa ako nakakalayo nang makita ko na naman sa gilid ko ang lalaki at sinasabayan ang aking wheelchair.
Hininto ko ang wheelchair ko at hinarap ito. "What do you want?" Tanong ko dito.
Nagsalubong naman ang kilay nito sa tanong ko. "Nothing." Mabilis na sagot nito. Ngumisi naman ito at pinantayan ako. "Bakit? Iniisip mo bang sinusundan kita?"
Napaiwas naman ako ng tingin. "Ewan ko ba." Pinaandar ko na uli ang wheelchair ko. "Baka manyak ka o ano..." Pahabol kong bulong.
Nakarinig naman ako ng tawa sa likod ko kaya napatingin ako dun.
Nakita ko naman ang lalaki na ngayon ay humahalakhak.
My ghad! Nakakahiya!
Pinaandar ko na uli ang wheelchair ko. Baka isipin pa ng mga tao na kasama ko 'tong lalaking 'to.
Ilang minuto pa nga ang lumipas pero di ko alam kung sinusundan ba ako o ano ng lalaking 'to.
Malapit na ako sa bahay ko pero nakasunod pa rin ito.
Di ko na nga napigilan ang sarili ko at hinarap ko ang lalaki.
"Ano ba talaga ang gusto mo?!" Nanlaki naman ang mata nito dahil sa sigaw ko. "Sunod ka ng sunod! Manyak ka ba?! Stalker?! What?!"
Itinaas nito ang dalawa kamay na nagpapakita ng pagsuko.
"Miss, I'm not stalking you. Okay?" Tinuro naman nito ang bahay na katabi ng bahay ko. "Yan ang bahay ko, maybe we're on the same way. So it means di kita sinusundan." Paliwanag nito.
Namula naman ang pisngi ko sa sobrang hiya.
Shit!
Sya pala yung bagong lipat.
"Wait..." Agaw ng atensyon nito sa akin. "...you look familiar." Saad nito at inilapit ang mukha sa akin.
"L-lumayo ka nga!" Pagpapalayo ko dito.
Pero ngumiti lang ito. "I remember you!" Sabi pa nito sa mismong mukha ko. "You're Eunice right?"
Medyo lumayo ako dito.
How he knows my name?
Is he a stalker?
"Di ako stalker okay?" Paglilinaw ulit nito na para bang nabasa nito ang isip ko. "Kaklase mo kaya ako nung highschool tayo."
Nanlaki naman ang mata ko dahil sa sinabi nito.
"W-who are you?" Di makapaniwalang tanong ko dito.
Napahawak ito sa kanyang dibdib at umaktong nasasaktan. "Ouch! You don't remember me, that hurts!" Inayos na nga nito ang sarili tsaka inilahad ang kanyang kamay. "Hi classmate, I'm Justine Velasquez, your ultimate crush."
Nalaglag ang panga ko dahil sa sinabi nito.
This is not real... please...
BINABASA MO ANG
Always
RomanceI promise... kahit malayo tayo sa isa't isa, kahit di mo ako pinapansin, kahit di mo ko tinitingnan, kahit hanggang tingin na lang ako, kahit tagasunod mo lang ako, kahit magmahal ka nang iba... kahit di tayo tinadhana para sa isa't isa... I will al...