Eunice's Pov"Huwag mo na akong ihatid!" Galit na sabi ko kay Justine na ngayon ay humahalakhak.
"Bakit naman?" Natatawa nitong tanong.
Inirapan ko ito. "Baka isipin pa ni Mama manliligaw kita o ano..." Paliwanag ko.
"Okay, okay." Sabi nito habang nakataas ang dalawang kamay.
Napangiti naman ako. "Bye!" Paalam ko dito tsaka lumabas ng bahay nya. Hinatid naman nya ako hanggang sa gate nya.
Nang makapunta na ako sa bahay namin ay bigla namang bumukas ang gate at sumulpot sa harapan ko si Mama na sobrang laki ang ngiti sa labi.
Pero nagtataka ako nang tumagos ang tingin nito sa likod ko at mas lalong lumawak ang ngiti nya.
Napatingin ako sa likod ko at nanlaki ang mata ko nang makita ko si Justine na nakangiti at kay Mama nakatingin.
Magsasalita na sana ako nang bigla namang magsalita si Mama.
"Naku hijo ikaw ba ang boyfriend ng anak ko?!" Masayang tanong ni Mama kay Justine.
Hala!
Sasagot ulit ako nang mas naunang magsalita si Justine.
"Hindi po." Magalang na sagot nito na kinahinga ko ng maluwag. "Manliligaw pa lang po." Sagot nito na kinatigil ko.
"Anong—"
"Jusko hijo! Pumasok na nga kayo at ipaghahanda ko kayo ng pagkain." Masayang saad ni Mama tsaka naglakad papasok sa bahay.
Hinablot ko ang kamay ni Justine na ngayon sa nakahawak sa wheelchair ko. "How dare you say that?!" Galit na bulyaw ko dito. "Ano ba ang tumatakbo dyan sa utak mo?!"
Napangisi ito at umiling. "Nothing. I just want to help you."
Nagtaka naman ako sa sinabi nito. "Help me? At saan mo naman ako tutulungan?" Tanong ko dito habang nakataas ang kilay.
"Kunwari liligawan kita, para di kana ireto ng Mama mo sa ibang lalaki." Bulong nya.
Napaisip naman ako.
Pwede.
Pagod na pagod na rin naman ako sa mga pinaggagawa ni Mama eh.
Wala sa sariling napatango ako dito na kinangiti nito.
"I promise, you will never regret this." Sabi nya tsaka hinila ang wheelchair ko papasok sa bahay namin.
Dumeretso kami sa kusina kung saan nandoon si Mama at naghahain ng pagkain.
Lilipat na sana ako nang upuan nang walang pasabing kargahin ako ni Justine at ilipat ng upuan.
Napatingin ako sa mukha nya.
I still remember how I admired his face. His flawless face. Buong highschool years ko ay itinuon ko sa kanya, pero di ko man lang maalala na nagkaroon sya ng pimples. Kahit black heads wala eh.
Perfect.
That's how I described him before and I know until now.
Nang mapatingin sya sa akin ay dalian akong umiwas ng tingin.
Tinuon ko ang atensyon ko sa pagkain at ganoon din naman sya.
Ang katahimikang bumabalot sa amin ay binasag naman ni Mama.
"Hijo, ano ba trabaho mo?" Usisang tanong nito na kinailing ko.
"Uhmm, I'm a veterinarian." Nakangiting sagot naman ni Justine.
"Wow, I remember when I was a college student may manliligaw akong nag-aaral ng veterinarian." Kwento ni Mama.
"Ma!" Saway ko dito.
Tumingin naman ito sa akin habang nakataas ang kilay. "Bakit? Bawal ko bang ipagmalaking sobrang ganda ko noong panahong ko at marami akong manliligaw?"
Nanahimik na nga lang ako at kumain.
Tinanong nya nga uli si Justine na parang tuwang tuwa pa sa mga pinagtatanong ni Mama.
"Kailan mo nga pala nagustuhan ang anak ko?" Tanong ni Mama.
Natigilan naman ako.
Nagustuhan?
Hindi naman nya ako nagustuhan eh, kase kay Heart lang nakatuon ang atensyon nya.
"When we we're highschool po Tita." Tumingin naman ito sa akin tsaka ngumiti. "When we we're highschool."
BINABASA MO ANG
Always
RomanceI promise... kahit malayo tayo sa isa't isa, kahit di mo ako pinapansin, kahit di mo ko tinitingnan, kahit hanggang tingin na lang ako, kahit tagasunod mo lang ako, kahit magmahal ka nang iba... kahit di tayo tinadhana para sa isa't isa... I will al...