15

0 0 0
                                    


Eunice's Pov

Sobrang busy ko ngayon sa restau dahil na nga rin wala ang partner ko slash best friend dahil nagpapahinga ito.

But, mas okay na 'to. Ang maging busy para kahit saglit man lang ay makalimutan ko ang sakit na kinakaharap ng puso ko.

Napatingin ako sa pinto ng office nang may kumatok dito.

"Sino yan?" Seryoso kong tanong pero napangiti ako nang marinig ko ang sagot nito.

"Hulaan mo..."

Nagmamadaling binuksan ko ang pinto at tumambad sa akin si Enzo na ngayon ay gwapong gwapo sa suot nyang black sweater at pants.

Pero mas gwapo pa rin si Justine.

Napailing na nga lang ako. "Kamusta kana?" Tanong ko dito tsaka pinaupo ito.

Napabuntong hininga ito. "Okay, kaso parang may kulang..." Napakunot noo naman ako dahil sa sinabi nito. "...kase wala na akong pasyenteng kasing ganda mo!" Biro nito kaya binato ko ito ng libro pero nakaiwas ito.

Tumawa ito. "Ikaw, kamusta kana?" Tanong nito pabalik.

Napasandal ako sa mesa ko. "Okay lang."

Tumayo ito tsaka pumunta sa akin at hinawakan ang kamay ko. Tiningnan ko ito habang hawak nya ang kamay ko, na para bang pinaglalaruan ito. "Gusto mo bang sumaya?" Tanong nito habang nakatingin sa kamay ko.

Napatigil naman ako sa tanong nito.

Gusto ko.

Gustong gusto ko.

Binawi ko ang kamay ko dito tsaka bumalik sa swivel chair ko.

"S-sino bang nagsabing di ako masaya?" Tanong ko sa kanya pero di ito tinitingnan.

Napabuntong hininga sya. "Hihintayin kita hanggang sa uwian mo." Sabi nito na dahilan para mapatingin ako sa kanya.

"Bakit mo ako hihintayin? Nine ng Gabi kami nagsasara, di mo ako pwedeng hintayin sa loob ng apat na oras. Duh."

Napahawak naman ito sa baba nya na parang nag-iisip. "Then babalikan kita mamayang nine."

"Ano ba ang plano mo mamayang nine?" Tanong ko dito habang nakataas ang kilay.

Nagkibit balikat ito. "Nothing, papasayahin lang kita."

Napakunot ako ng noo. "Di ba sinabi ko sayo na okay na ako, wag mo na akong pasayahin, okay?"

Ngumiti ito at parang batang umiling iling.

"Hindi." Mabilis na sagot nito tsaka mabilis akong hinalikan sa noo na kinagulat ko. "See you at nine!" Masayang saad nito tsaka lumabas ng office ko.

*******

Napamasahe ako sa batok ko dahil sa kapagurang nararamdaman.

Pagkalabas ko nang restau ay may bigla namang tumawag sa pangalan ko.

Pagkatingin ko sa tumawag sa pangalan ko ay nakita ko si Enzo na malaki ang ngiti sa akin.

Lumapit ito sa akin at ang kasayahan ng mukha nya kanina ay nawala at napalitan ng pag-aalala. "Are you okay?"

Tipid ko itong nginitian. "I'm okay."

Maglalakad na sana ako papunta sa kotse ko nang pigilan ako ni Enzo.

"Saan ka pupunta?" Magkasalubong ang kilay na tanong nito sa akin.

Pasimple kong tinuro ang aking sasakyan tsaka binalik ang tingin sa kanya.

"Wala ka bang naaalala?" Tanong nito sa akin na dahilan para mag-isip ako.

Nang wala akong maisip ay umiling ako dito.

Nakita ko ang pagdaan ng sakit sa mata nya dahil sa sagot ko.

Pilit itong ngumiti sa akin tsaka bahagyang lumayo.

"Oh... s-sige, umuwi kana sa inyo at baka hinihintay kana ni Tita Cecilia." Sabi nito sa akin tsaka naglakad pabalik sa kotse nya.

Naglakad na rin ako papunta sa kotse ko pero nang bubuksan ko na ito ay bigla ko naman naalala ang sinabi nito sa akin kaninang hapon.

Shit.

How can I forgot that?

Pinasok ko ang bag ko sa loob ng aking kotse tsaka tumakbo patungo sa kinaroroonan ng kotse ni Enzo.

"Enzo!" Tawag ko dito.

Agad naman bumaba sa kotse si Enzo tsaka takang tumingin sa akin. "Bakit? May kailangan ka ba?"

Tumango tango ako. "Kailangan kong sumama sayo, kase diba papasayahin mo ako?" Nakangiti kong saad dito.

Kung kanina'y malungkot ang aura nito ngayon ay napalitan ng saya.

"Y-yeah." Pinagbuksan nya ako ng pinto ng kanyang kotse at ako naman ay sumakay agad.

Pagkasakay nya ng kanyang sasakyan ay agad nya ito pinaandar.

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko dito habang nagda-drive sya.

Ngumiti ito ng pagkalaki-laki bago sumagot. "Secret."

Napairap na lang ako dahil sa sinagot nito.

Baliw talaga.

*******

"Enzo! Di na tayo bata para pumunta pa sa ganitong lugar!" Sigaw ko kay Enzo habang ngayon ay malaki ang ngiti.

"Eunice, walang edad-edad ang perya." Sagot nito sa akin tsaka ako hinila papasok sa perya.

"Hey, ngumiti kana. Bawal nakasimangot sa perya..." Bulong nito sa akin. "...magiging shokoy ka, sige ka." Dugtong nito kaya hinampas ko ito sa braso na kinatawa lang nito.

Napatingin naman ako sa ferris wheel.

Ilang taon nga uli ako nung huling beses akong nakasakay dyan?

"Gusto mo sumakay sa ferris wheel?" Tanong nya sa akin. Napabuntong hininga na nga lang ako tsaka tumango.

Agad syang bumili ng ticket para makasakay kami.

Pagkasakay namin doon ay nagulat naman kami nang sobrang bilis pala ng andar nun. Kaya walang tigil ako sa aking pagtili habang si Enzo naman ay tawa lang ng tawa.

Sunod naman naming sinakyan ay ang carousel. Ewan ko, pero lagi akong napapapayag nitong lalaking ito sa kalokohan nya.

Lahat halos ng booth at rides sa perya ay nagawa at nasakyan namin.

"Ah! Ang saya!" Natutuwang sigaw ni Enzo.

Tumango tango ako habang kumakain ng cotton candy. Pero napatigil ako sa pagkain ng may mag flash sa mukha ko. Napatingin ako kay Enzo na ngayon ay papalayo na sa akin.

"Enzo!" Sigaw ko sa pangalan nito tsaka ito hinabol.

Ngayong gabi, nakaramdam ako ng sobrang saya sa aking puso.

At sana...

Kung pwede lang...

Wala na sanang katapusan 'tong saya na pinararamdam ni Enzo.

AlwaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon