Eunice's Pov"Di mabura ang ngiti sa labi natin ah!" Malakas na saad ni Gabby na dahilan para magulat ako. Tiningnan ko ito ng masama pero di ako nito pinansin. "Iniisip mo sya noh? Yung pag-amin nya sayo?" Sunod sunod na tanong nito. Sasagot pa lang sana ako nang bigla itong magsalita. "Sabi ko na nga ba iniisip mo yung gunggong na Justine na yun eh."
Binato ko ito ng tissue na nasa gilid ko, pero malas dahil nakaiwas ang gaga. "Epal mo!" Irita kong sabi dito.
Tumawa naman ito. "Ikaw kase... halos mapoknat na 'yang labi mo sa sobrang laki ng ngiti mo. Kung hindi kita kilala iisipin kong baliw ka eh."
Napairap ako. "Inggit ka lang." Sabi ko na kinalaki ng mata nito.
Napahawak ito sa dibdib nya tsaka nagpalinga-linga sa paligid. "Ako? Inggit?" Tumayo ito. "Ugh! Never!" Sabi nito tsaka iwinasiwas ang kamay at umalis na.
Natawa na lang ako sa naging reaksyon nito.
Hihintayin ko ang araw na makikita kong ikaw naman ang kinikilig ditong parang tanga at ako naman ang mang-aasar sayo.
******
Nang makalabas ako nang restaurant ay sakto namang sumulpot sa harapan ko ang sasakyan ko kung saan naroroon si Justine.
Lumabas sya sa kotse ko at para namang nag slow motion ang lahat.
Napaka gwapo nya sa suot na puting tee-shirt at bakat ang makisig nyang dibdib at simpleng itim na pantalon. At ang kanyang pabango na ngayon ay binabalot ang aking pang-amoy.
"Hey, are you okay? Pagod ka ba?" Tanong nito sa akin.
Doon ko lang napagtantong kanina pa pala ako nakatitig dito.
Napaiwas ako ng tingin tsaka kunwaring inayos ang aking sarili. "A-ah, hindi naman."
Nakita ko ang pagtango nito. Mas lalo pa nga akong kinilig nang pagbuksan ako nito ng pinto at kinuha ang kamay ko tsaka inakay papasok sa kotse.
Napairap naman ako dito para itago ang kilig na nararamdaman.
Sumakay naman na ito sa driver's seat tsaka pinaandar ang kotse.
"Hey, uhm..." Di nito matuloy-tuloy ang sinasabi na para bang nagdadalawang isip. "Eunice, p-pwede ba kitang yayain kumain sa labas? A-ano kase..."
Natawa naman ako dito. "Dapat sinabi mo na yan kanina. Dapat dun na lang tayo sa restaurant kumain." Biro ko dito pero parang dinamdam nito iyon.
"Oo nga... shit!" Rinig kong bulong nito pero mas pinili kong manahimik.
Tumingin ako dito. "Balik na tayo dun." Sabi ko dito. Napatingin naman ito sa akin. "Gusto kong... tayong dalawa mismo ang magluto ng pagkain natin." Nanlaki na lang ang mata ko dahil sa mga lumabas sa labi ko.
Bakit ko sinabi ang mga yun?
Nakita ko ang pagngiti nito. "Sure, why not. Di ko pa natikman luto mo." Sabi nito.
Napatingin na nga lang ako sa bintana tsaka doon tinago ang aking ngiti.
******
"Masarap ba yan? Bakit mukhang hindi?" Pang-aasar ko kay Justine habang pinapanood ko syang magluto.
Nangunot naman ang noo nito dahilan para mas lalong lumawak ang pagngiti ko. "Eunice." Seryosong saad nito sa pangalan ko na kinatawa ko.
"Natikman mo na ba ang luto ko?" Tanong ko dito tsaka sumubo sa luto ko at ininggit ito. Napatingin naman ako, pero nawala ang ngiti ko nang makitang sa labi ko sya diretsong nakatingin.
Napaiwas ako ng tingin para itago ang pagpula ng aking pisngi. Napahawak ako sa dibdib ko na ngayon ay napaka lakas ng tibok.
Bakit ba kase sya ganun makatingin? Parang gusto nya akong halikan.
Napailing na lang ako dahil sa naiisip ko.
"Tapos na." Paos ang boses na saad nito na nakadagdag pa sa kakisigan nyang taglay.
Napaharap ako dito tsaka tinuon ang tingin sa pagkain hinahain nya.
"M-mukhang masarap." Saad ko para maitago ang aking kaba.
"Thanks." Hinainan nya ako. Pero mas nagulat ako ng kumuha sya ng pagkain sa kutsara tsaka itinapat ito sa labi ko.
Nagtatakang tumingin ako dito. "Eat." Seryosong sabi nya na agad ko namang sinunod.
Binuka ko ang aking labi tsaka naman nya unti unting sinubo sa akin ang pagkain.
Pagkasubo ay dahan dahan ko itong nginuya tsaka pasimpleng tumingin kay Justine na ngayon ay nakatingin muli sa aking labi.
"A-ang sarap." Sabi ko.
"Yeah." Sagot na naman nito na ngayon pala ay kinakain na ang pagkaing niluto ko.
Habang kumakain kami ay binuksan nya ang phone nya tsaka nag play ng music.
(Always be my baby po yung song. By Mariah Carey)
Tumayo sya tsaka inilahad ang kamay sa harapan ko. "Can I have a dance with you?" Tanong nito.
Di ako nakasagot agad dahil sa kabog ng puso ko, pero hinawakan ko ang kanyang kamay tsaka tumayo.
Pagkatayo ko ay agad naman nya akong hinawakan sa baywang at inilapit sa kanya. Napatingin ako sa mata nyang ngayon pala ay nakatingin na rin sa akin.
"You know, when we we're in highschool, lagi kitang napapansin. T'wing nahuhuli kitang nakatingin sa akin napapangiti ako kahit gaano pa kasira ang araw ko. Meroon kang kakaibang aura na nagbigay ng kasiyahan sa puso ko." Sabi nito sa akin tsaka pinagdikit ang noo naming dalawa. "Noon, di ko alam kung ano ang ibig sabihin nun... pero ngayon alam ko na..." Huminga sya ng malalim. "...noon pa lang pala gusto na kita pero di ko pa napapansin." Tiningnan nya ako diretso sa mata. "Pero ngayon di ko na ito papalampasin. Gagawin ko na ang lahat para maging akin ka panghabang buhay."
Di ko na napigilang tumulo ang aking luha dahil sa pag-aming aking narinig.
I hope I'm not dreaming.
I hope...
BINABASA MO ANG
Always
RomanceI promise... kahit malayo tayo sa isa't isa, kahit di mo ako pinapansin, kahit di mo ko tinitingnan, kahit hanggang tingin na lang ako, kahit tagasunod mo lang ako, kahit magmahal ka nang iba... kahit di tayo tinadhana para sa isa't isa... I will al...