Eunice's PovNagising ako dahil sa isang taong tumatawag sa pangalan ko.
"Uhmm, Eunice?" Tawag nito sa akin. Humarap ako sa kabilang side ng kama para ipakita ditong gusto ko pang matulog. "Please Eunice, wake up." Rinig kong saad pa nito at naramdaman ko namang may papalapit sa akin. "If you didn't wake up... I will kiss you." Dahil doon ay napadilat ako at nakita si Justine na Malaki ang ngisi ngayon sa mukha.
Tinakpan ko nang kumot ang katawan ko dahil sa kaba. "A-anong ginagawa mo dito?"
Nananaginip ba ako?
Umupo sya sa gilid ng kama ko tsaka ako binuhat na nagpagulat sa akin.
"S-saan mo ako dadalhin?" Tanong ko dito habang nakatakip sa bibig ko.
Gosh! Di pa ako nagtu-toothbrush.
"Sa cr." Simpleng sagot nito tsaka binuksan ang pintuan ng cr.
Nagulat naman ako sa sinabi't ginawa nito kaya di ko napigilang magwala.
"B-bitawan mo nga ako! Manyak!" Sigaw ko dito.
Natatawang binaba nya ako. "Manyak? Baby, ni kailan wala pang may tumawag sa aking manyak. That hurts!" Arte nito.
Di ko naintindihan ang sinabi nya dahil sa isang salita lang ako nag-focus.
Baby? Did he just call me baby?
"B-bakit mo akong tinatawag na b-baby?" Nahihiyang tanong ko dito.
Hinawakan nya ang pisngi ko at tiningnan nya ako diretso sa mata. "because you have a chubby cheeks like a baby." Sabi nito tsaka pinisil ang pisngi ko.
Tinulak ko ito at hinimas ang pisngi kong pinisil nya.
"Lumayas ka nga dito!" Sigaw ko dito na agad naman nyang sinunod habang humahalakhak.
Sinarado ko ang pinto tsaka ginawa ang dapat kong gawin. Pagkatapos kong gawin ang dapat kong gawin ay agad kong hinanap ang wheelchair ko.
Shit. Binuhat nga pala ako ni Justine papunta dito.
Inayos ko ang aking sarili. "J-Justine! Nandyan ka pa ba?" Tawag ko dito pero walang sumasagot.
Shit!
Gagapang ba ako palabas ng banyo?
"Justine!" Tawag ko uli dito pero wala talagang sumasagot. "Just—" Di ko na natapos ang tawag ko sa kanya nang bumukas ang pinto at iniluwa nun si Justine pero napansin kong pawisan ito at hingal na hingal.
"What happened?!" Nag-aalalang tanong nito sa akin tsaka hinawakan at chineck kung okay lang ako.
Napairap naman ako. "Okay lang ako. Tinatawag lang kita para ipakuha yung wheelchair ko, di mo kase pinasok kanina eh." Paliwanag ko.
Napahinga naman ito ng maluwag tsaka ako kinarga at ipinunta sa kama.
"Bakit ka nga pala pawis at hingal na hingal?" Tanong ko dito.
"Nandoon kase ako sa kusina, nagluluto ako ng almusal mo, nang marinig ko ang tawag mo bigla akong kinabahan kaya ayun." Sagot naman nito.
Natawa na lang ako sa kapraningan nito. "Praning!" Asar ko dito na kinasimangot nito.
"Tsk! Ako na nga 'tong kinabahan, ako pa ang inaasar."
Napatigil naman ako. "Teka... Bakit ikaw ang nagluluto ng almusal ko? Nasaan si Mama?"
"She said she will go to her friend Betty." Simpleng sagot nito.
"Ede sino—"
"Ako." Putol nito sa tanong ko. "Ako ang sasama sayo sa therapy mo."
Justine's Pov
"Kailangan pa ba kitang samahan sa loob?" Tanong ko dito habang naghihintay kami sa doktor nya.
Umiling iling sya.
"Di na kailangan, I can handle myself. Tsaka nandoon naman si Doc eh." Sagot nito.
Ilang sandali pa nga ay may lumapit sa aming lalaki pero di man lang ako tonapunan nito ng tingin at diretsong nakatingin sa Eunice.
"Hi Eunice!" Masayang bati nito kay Eunice.
"Hi din Doc!" Nalukot naman ang mukha nito sa sinagot ni Eunice.
"Sabi nang wag Doc eh, just Enzo, okay?" Sabi nito na kinatawa naman ni Eunice at kinainis ko.
"Okay, Enzo." Nang sabihin ni Eunice ang pangalan nya ay di na mapoknat ang ngiti nito sa labi. Basagin ko mukha nito eh. "Enzo, Justine nga pala." Pagpapakilala naman sa akin ni Eunice dito.
Pagtingin naman sa akin nung Enzo ay bigla itong sumeryoso, same as mine.
"Enzo Marquez." Pormal na pagpapakilala nito.
"Justine Velasquez." Simple kong sagot pabalik.
Bumaba ang tingin nito kay Eunice at ngumiti itong muli.
Halatang halatang may gusto kay Eunice eh.
"So, Eunice simula na natin ang therapy mo?" Tumango naman si Eunice dito bilang sagot.
Nang hahawakan nya ang wheelchair ni Eunice ay agad ko iyon iniwas at seryosong tiningnan ito. "Ako na ang maghahatid sa kanya."
Pumormal ulit ang mukha nito. "Sige, this way."
Pumasok kami sa isang pinto.
"Ililipat ba si Eunice sa higaan?" Tanong ko dito at tumango nga lang naman ito.
Kinarga ko si Eunice at nakita ko namang namula ang mukha nito at alam kong napansin din iyon ng gunggong na 'to.
Eat it, fucker.
Pagkabuhat ko kay Eunice ay agad namang lumapit kay Eunice ang Enzo na 'to at walang pasabing tinanggal ang sapatos ni Eunice.
Napasimangot ako sa ginawa nito lalo naman sa sunod nitong ginawa.
Minasahe nya ang binti ni Eunice, habang si Eunice ay wala namang ibang ginagawa.
"Kailangan bang masahihin sya?" Di ko mapigilang itanong dito habang nakayukom ang kamao sa inis.
Nakita ko ang simpleng pagngisi nito bago humarap sa akin.
"Oo eh." Sagot nito na mas lalo kong kinainis.
Putangina.
BINABASA MO ANG
Always
RomanceI promise... kahit malayo tayo sa isa't isa, kahit di mo ako pinapansin, kahit di mo ko tinitingnan, kahit hanggang tingin na lang ako, kahit tagasunod mo lang ako, kahit magmahal ka nang iba... kahit di tayo tinadhana para sa isa't isa... I will al...