Eunice's Pov"N-no..." Di ko mapigilang saad dahil na nga rin sa gulat at kaba.
"Yes!" Tumawa pa nga ito. "Di ko akalain na makikita ulit kita, long time no see."
Umiwas ako ng tingin.
Shit ba't ang malas ko?
"L-long time no see rin..." Sabi ko dito at pilit na ngumiti.
"Gusto mo bang kumain muna sa bahay ko—"
"No!" Sigaw na putol ko sa sasabihin nito. Nakita ko ang pagkagulat sa mukha nito. "I-I mean, di kase pwede lumabas labas ngayon... nakauwi na rin yung mama ko, baka nag-aalala na yun." Palusot ko. Sana gumana.
"Oh, then ipaalam kaya kita sa mama mo?" Nakangiting saad naman nito.
Mabilis akong umiling.
"Huwag, please huwag. Magagalit talaga yun eh." Palusot ko ulit habang nakayuko pa at tinatago ang kaba sa aking mukha.
Narinig ko naman ang buntong hininga nito tsaka nagsalita. "Okay..." Napangiti naman ko dahil sa sinabi nito. "...but, sa susunod ah, pagpapaalam na kita."
Kahit huwag na.
"O-okay." Pilit na sagot ko dito. "S-sige uwi na ako. Bye." Paalam ko dito. Hindi ko na sya hintayin pang magpaalam sa akin at mabilis ko na ngang pinaandar ang wheelchair ko papunta sa bahay ko.
Pagkapasok na pagkapasok ko ng aming pintuan ay agad sumulpot sa harapan ko si Mama na nakangiti, halatang maganda ang mood.
Tumingin ito sa akin at agarang lumapit.
"Anak, nakakita ka ba ng lalaki?" Tanong nito sa kinataka ko.
Anong lalaki ang pinagsasabi nito?
Nanlaki naman ang mata ko.
My ghad, baka kapag sinabi kong oo, at si Justine pa, baka kausapin yun ni Mama.
Gosh! Nakakahiya!
"W-wala ma." Sagot ko dito na kinasimangot nito.
"Di kaya totoo ang sinasabi ng mangkukulam—este, manghuhula na yun?" Bulong nito.
Ano daw?
Ngumiti ito sa akin at hinila ang wheelchair ko palabas ng bahay.
"Anak, bago ka umuwi ng bahay dapat makakita ka muna ng gwapo, mayaman, at makisig na lalaki." Saad nito bago ako pagsarhan ng gate.
Nanlaki ang mata ko sa ginawa nito.
Pinagkakalampag ko ang gate namin. "Ma! Papasukin mo ako! Ano ba yang pinagsasabi mo?! Ma!" Sigaw ko dito pero di pa rin ako nito pinagbubuksan.
Sumigaw at kinalampag ko pa ng ilang ulit ang gate pero di pa rin sya lumalabas pati si Manang Lusing.
Nakaramdam naman ako ng isang tao sa likod ko kaya napatingin ako doon at nakita ko si Justine na nakatingin sa bahay namin.
"Pinalayas ka?" Tanong nito tsaka tumingin sa akin. "Gusto mo dun ka muna sa bahay?"
Iiling sana ako nang bigla naman na nitong iginaya ang wheelchair ko papunta sa bahay nya.
Nakakainis na ah.
Gusto ko sanang tumanggi pero di ko alam... Parang gusto ko rin kase syang kamustahin eh.
Nang makapasok kami sa bahay nya ay agad syang dumeretso sa kusina para makakuha ng pagkain.
Pumunta naman na ito sa harapan ko at inilapag sa lamesa ang mga pagkaing kanyang hinain.
Agad naman akong nagutom dahil bukod sa maganda ito sa mata, ang mga amoy ng kanyang niluto ay mabango.
Hinainan nya ako. "Kain, don't be shy." Sabi nito tsaka ako kinindatan.
Wow, para namang gumagana pa yan sa akin.
Inirapan ko na nga lang ito tsaka tinikman ang luto nya.
"Wow, this is great." Puri ko dito.
Ngumiti naman ito at napakamot sa batok. "Syempre, I learn from the best."
Bahagyang nawala ang ngiti ko dahil sa sinabi nito.
Yes, I know. Because you learn from Heart.
"By the way, ano nga pala ang ginagawa mo ngayon sa buhay mo?" Tanong nito sa akin.
"Well, I own a restaurant and also I'm the head chef there."
Pumalakpak ito. "You really get your dream." Bilib na sabi nito.
Natawa naman ako. "Yup." Simple kong tugon.
"Ako naman, I am a veterinarian." Kwento nya na kinalaki ng mata ko.
"Really?! I thought you want to be a pilot."
Nagkibit balikat lang ito. "I guess di lahat ng gusto natin pwede nating makuha."
Napatango na lang ako sa sinabi nya. "Kamusta na kayo ni Heart?" Tanong ko dito.
Heart is his girlfriend when we're in highschool. At patay na patay sya dun, kaya nga di ako nagkaroon ng chance sa kanya eh.
Ang kanyang mukha ay lumungkot dahil sa tanong ko. "W-we broke up..."
Nagulat ako sa sagot nya. "W-what?"
Bumuntong hininga ito. "We broke up." Ulit nya. "Tatlong taon na rin."
"Oh, sorry." Nakita ko namang natigilan ito sa sinabi ko at bigla ulit itong ngumiti.
"No, don't be sorry. Wala kang kasalanan sa nangyari sa amin." Paliwanag nito. Tumango na lang ako at tinuloy ang pagkain ko. "Ikaw? You have a boyfriend?" Tanong nya sa akin.
"None..." Ngumisi ako tsaka tiningnan ito diretso sa mata. "...but I have a sugar daddy."
Nanlaki ang mata nito at napatayo. "Fuck?! Are you out of your mind?!" Galit na singhal nito sa akin, kaya napatawa ako.
Mas lalo pa akong napatawa nang makita ko ang pagkunot ng noo nya na halatang nagtataka.
Nang marealize nyang nagbibiro lang ako ay napaupo na nga ako at uminom ng tubig. "Please Eunice... be serious." Seryosong sabi nito sa akin.
Inirapan ko lang ito. "Bakit? Ikaw lang ang pwedeng magbiro dito?" Pang-iinis ko pa dito.
Sumimangot ito.
"Okay, I don't have a boyfriend." Mabilis kong sagot. "Pero hinahanap ako ni Mama."
"What?" Takang tanong nito.
"Si Mama kase, sabi nya mag-asawa na daw ako, magkapamilya. Pero dahil di pa iyon ang goal ko sa buhay... iyon, sya na ang naghahanap para sa akin." Paliwanag ko dito.
"May nagustuhan ka ba sa mga pinili nya para sayo?"
"Wala eh." Mabilis kong sagot.
"Ano ba ang gusto mo sa lalaki?"
Hinarap ko sya at tinitigan diretso sa mata. "I want a man who loves me, cares about me, do sweet things to me even though I didn't ask, a man who protects me, a man who stays loyal to me." Napayuko ako para itago ang luha ko. "And a man that names Justine Velasquez." Mahina kong bulong.
BINABASA MO ANG
Always
RomanceI promise... kahit malayo tayo sa isa't isa, kahit di mo ako pinapansin, kahit di mo ko tinitingnan, kahit hanggang tingin na lang ako, kahit tagasunod mo lang ako, kahit magmahal ka nang iba... kahit di tayo tinadhana para sa isa't isa... I will al...