14

0 0 0
                                    


Eunice's Pov

"Eunice! Please, kausapin mo ako! Hayaan mo akong magpaliwanag!" Naririnig kong sigaw ni Justine sa labas ng bahay at ako naman ay umiiyak lang dito sa kwarto at ayaw lumabas.

Nakarinig naman ako ng katok at doon iniluwa si Mama. Nakapantulog na ito at halatang antok na.

"Anak, kausapin mo na nga yung Justine na yun. Jusko, di ata tayo patutulugin." Reklamo nya habang kumakamot sa ulo.

Umiling iling naman ako tsaka isinubsob ang mukha sa aking tuhod.

Naramdaman ko ang paglaput sa akin ni Mama at ang paghawak nito sa balikat ko.

"Anak, di matatapos ang problema kung iiyak ka lang dyan at habang sya naman ay sumisigaw sa labas. Mas lalo lang lalala ang problema dahil pwede tayong ipatawag ng may-ari ng village dahil sa baliw na yan."

Napahinga ako ng malalim tsaka pinunasan ang aking mukha at tumayo.

Dumeretso ako sa labas ng bahay kung saan naroroon si Justine.

Napansin kong pawisan na ito at parang hirap na hirap na.

Napaiwas ako ng tingin dahil meroong mabigat na bagay sa dibdib ko dahil sa aking nakikita.

"Anong ginagawa mo dito?" Madiin na tanong ko.

"G-gusto kong malaman kung bakit ako tinawag ng Mama mo na manloloko. Eunice, I didn't cheat on you—"

"Baka sa akin hindi." Putol ko dito. "Pero kay Heart... baka oo." Dugtong ko na kinakunot ng noo nito.

"What do you mean, si Heart?"

"I saw you—kanina sa ospital kung saan ko sinugod si Gabby." Habang nagsasalita ako ay unti-unti na nga akong humikbi. "Nakita ko kayong dalawa ni Heart sa ob-gyn, at-at alam kong sayo yung batang dinadala nya." Lumapit ako sa kanya at pinaghahampas sya. "Gagawin mo pa akong kabit! Walang hiya ka! Bakit ba kase ako naniwala sayo?! Kung alam ko namang sa kunwarian lang nagsimula ang lahat ng 'to?!" Umiiyak na saad ko sa kanya.

Napahinga ako ng malalim tsaka unti unting lumayo sa kanya.

"E-Eunice, please let me explain. H-hindi totoo yang mga sinasabi mo. Di ko asawa si Heart—"

Humarap ako sa kanya. "Hindi mo sya asawa? Mahal na mahal mo nga sya diba?" Putol ko sa kanya.

Umiling iling ito tsaka sinubukang hawakan ang kamay ko pero mabilis kong iniwas iyon.

"Stop Justine. Tigilan mo na ang kalokohan na 'to. Tigilan mo na ang kunwaring panliligaw mo. Tigilan mo na rin ang pagpunta sa bahay namin. Putulin na natin lahat ang koneksyon natin." Walang emosyon kong saad dito.

Naluha na rin ito at sinubukan ulit akong hawakan pero umiling iling ako sa kanya.

Naglakad ako papasok sa gate pero natigilan ako dahil sa sinigaw ni Justine.

"Mahal kita! Ikaw ang mahal ko!"

Mas lalo nga akong napaluha at napahawak ako gate para kumuha ng lakas.

"Please Justine tama na... Wag mo na akong daanin sa matatamis mong salita, sa malalambing mong gawa. Ayoko nang umasa..." Mahina kong saad pero alam kong narinig iyon ni Justine.

Tuluyan na nga akong pumasok sa gate at patakbong pumunta sa kwarto ko at umiyak.

Ulit.

******

Justine's Pov

Tinungga ko ang boteng hawak ko tsaka padabog na inilapag iyon sa lamesa na dahilan para tumawa si Andrei sa harapan ko.

"Ano ba ang problema mo?" Natatawang tanong nito sa akin, pero di ko ito sinagot. "Naku, may nabuntis ka noh? Sino?" Usisa nito.

Binato ko ito ng bote pero nakaiwas ang gago kaya't nabasag ang bote.

"Tangina mo! Papatayin mo ba ako?!" Sigaw nito sa akin, pero uminom lang ako ng alak. Umayos ito ng upo tsaka humarap sa akin at tiningnan ako ng seryoso. "Pero pre, ano ba talaga ang problema mo?"

Napahinga ako ng malalim. "Akala ni Eunice asawa ko si Heart at nabuntis ko ito."

Nanlaki ang mata nito. "Nabuntis mo si Heart?!" Eksaheradang tanong nito.

Umakma akong sasapukin sya pero umiwas naman ito at tumawa.

"Alam mo, problema nga iyan. Pero bakit di mo subukang magpaliwanag?" Suhestiyon nito.

Naipaling ako. "Sinubukan ko, pero di nya ako pinakinggan. Ayaw na nyang makinig sa akin..."

"Pare, kung mahal mo, di mo agad susukuan. Gagawin mo ang lahat para maging sayo uli sya, gagawin mo ang lahat para maramdaman mo uli ang pagmamahal nya, gagawin mo ang lahat para mabuo uli ang tiwala nya... gagawin mo ang lahat para sa taong mahal mo."

Medyo natigilan ako, dahil bukod sa sinabi nito ay ngayon lang naging ganito kaseryoso si Andrei.

Tama sya, gagawin mo ang lahat para sa taong mahal mo.

Eunice, siguro di mo papakinggan ang paliwanag ko ngayon, pero gagawin ko ang lahat para pagkatiwalaan mo uli ako.

AlwaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon