Eunice's PovNapangiti ako kay Enzo habang lumalabas sa kanyang kotse. Pagkababa ko ay nagkatinginan kami.
Kita mo sa mata nya ang saya at isang bagay na hindi ko mapangalanan.
"Uhm, thank you nga pala sa gabing 'to." Pasasalamat ko.
Ngumiti naman ito ng pagkalaki tsaka kumamot sa kanyang batok. "No, it's THANK YOU."
Napakunot noo naman ako sa sinabi nito. "Ano?"
Umiling iling ito at nanlaki naman ang mata ko nang yakapin ako nito.
"Thank you, kase kahit sa konting oras ay nakita kong nakangiti ka di dahil sa kanya kundi dahil sa akin."
Hindi ko medyo naintindihan ang kanyang sinabi pero gumanti na lang ako ng yakap.
Pagkaraan ng isang sandali ay humiwalay na nga ito sa akin at nilagay ang dalawang kamay sa bulsa tsaka huminga ng malalim at tipid na ngumiti sa akin.
"So, goodbye." Paalam nya.
Tumango na lang ako. "See you..."
Binasa nya ang labi nya bago naglakad papasok sa kotse nya tsaka pinaandar iyon.
Sinundan ko naman ng tingin ang sasakyan nya.
Napahinga ako ng malalim dahil sa nararamdaman kong pag-aalala sa aking dibdib.
May problema ba si Enzo?
Napailing na nga lang ako at naglakad na papasok sa bahay.
Napahinto naman ako nang marinig ko ang boses ng taong pinaka ayaw kong makita.
"E-Eunice, I-I waited for you..." Narinig kong saad nito pero di ko ito pinansin. "K-kasama mo pala si Enzo. A-ano ginawa nyo? Saan kayo pumunta?"
Bubuksan ko na sana ang gate nang tawagin uli nito ang pangalan ko.
"Eunice..." Tawag nito sa akin na para bang nanghihina.
Napatingin ako dito at doon ko nakitang nahimatay pala ito.
Agad ko itong pinuntahan at ginising. "Justine!" Napansin kong mainit din ito. "Mama! Manang Lusing! Tulungan nyo ako!" Sigaw ko sa bahay at agad namang lumabas si Manang Lusing sunod nun ay si Mama.
Inakay namin si Justine papunta sa sofa at doon inihiga.
"Naku namang bata iyan! Sabi na kaseng umuwi nag-stay pa rin dyan sa harapan!" Rinig kong saad ni Mama.
Napaharap ako sa kanya. "Ma? Ano yang sinasabi mo?" Tanong ko.
Napabuga naman si Mama ng hininga tsaka namaywang. "Kanina pa kase sya dyan sa harapan natin. Pinapaalis ko kaso ayaw. Hanggang sa umulan... akala ko naman umalis na, yun pala nagtago lang. Juskong bata iyan."
Napatingin ako kay Justine na ngayon ay pinupunasan ni Manang Lusing. "B-bakit daw ba sya nasa labas?"
"Sabi nya may bibigay daw sya sayo at gusto nya sya mismo ang magbigay."
Ano ang ibibigay mo Justine?
"Eunice, ikaw na ang magpunas kay Justine at pagod na itong si Manang Lusing mo." Utos ni Mama sabay hila Kay Manang Lusing palayo.
"Ma!" Tawag ko dito pero di nya ako pinansin.
Napabuntong hininga ako at naiilang na nilapitan si Justine.
Kinuha ko ang bimpong pinupunas dito ni Manang Lusing at pinunasan ito.
Habang pinupunasan ko ang kanyang leeg at mukha ay di ko mapigilang titigan ang mukha nito.
Napaka gwapo nya, walang ebidensya na nagkaroon sya ng pimples kahit minsan. Napaka tangos din ng ilong na kahanga-hanga.
Bumaba ang tingin ko sa labi nito.
Nakakaakit na pulang labi. Walang nilagay na kahit na ano pero mas mapula pa sa labi ko.
Di ko naman namalayan na papalapit na pala ang mukha ko sa mukha nya, na para bang ako'y nahihipnotismo ng kanyang mapupulang labi.
Magdidikit na sana ang aming mga labi nang umungol naman ito at gumalaw.
Agad akong napalayo dito at napahawak sa aking pisngi na ngayon ay sobrang init at namumula.
Damn.
Ano yung ginawa ko?
Napasampal ako sa aking kanang pisngi.
Hahalikan ko ba si Justine habang ito'y tulog at walang kamalay-malay?
Jusko, anong tukso 'to?
Napahinga ako ng malalim.
Wala lang iyon, tulog sya. Wala syang alam.
Atsaka, kasalanan yun ng labi nya.
Napatango tango ako sa aking naiisip. Dahan dahan kong nilapitan si Justine at pinagpatuloy ang pagpupunas dito.
Makasalanang gabi.
******
Justine's Pov
Nagising na lang ako na masakit ang ulo.
Shit! What happened?
Nanghihinang napatingin ako sa paligid.
Hindi ko ito bahay...
Nanlaki naman ang mata ko nang malaman kung kaninong bahay ito.
Fuck! Na kila Eunice ba ako?
"Wag ka ngang malikot! Natutulog yung tao eh..."
Rinig kong reklamo ng katabi ko. Dahan dahan akong napatingin sa kaliwa ko at doon ko nakita si Eunice na mahimbing ang tulog at nakapulupot ang binti sa binti ko.
Tangina.
Napahawak ako sa bulsa ng aking pantalon at nang makapang nandoon pa iyon ay napangiti ako.
Tiningnan ko si Eunice na ngayon ay mahimbing ang tulog.
Hinawi ko ang mga takas nyang buhok na humaharang sa maganda nyang mukha.
Napaka ganda naman ng umagang 'to. Isang anghel agad ang sumalubong sa akin.
Napangiti ako.
What a beautiful morning.
BINABASA MO ANG
Always
RomanceI promise... kahit malayo tayo sa isa't isa, kahit di mo ako pinapansin, kahit di mo ko tinitingnan, kahit hanggang tingin na lang ako, kahit tagasunod mo lang ako, kahit magmahal ka nang iba... kahit di tayo tinadhana para sa isa't isa... I will al...