Nakatingala lang ako sa kalangitan, habang dinarama ang malamig na simoy ng hangin at ang mala-paraisong tunog ng mga alon.
“So, why are you acting like you're so scared a while ago?” he sincerely asks me. Nasa seaside kami ngayon at pinagmamasdan ang full moon.
Sumimsim ako sa kape na binili niya sa starbucks katabi lang din ng pinanggalingan naming supermarket kanina.
“You're a stranger, that's it.” sagot ko, sabay tikhim.
“So, I still look like a stranger, huh?” angil niya. “Sa guwapo kong 'to?” He pointed his forefinger on his face.
Napailing na lang ako, kahit sa kaloob-looban ko'y gusto kong humagalpak na sa tawa, pero nakakahiya naman kasi hindi kami close, pero sumama ako sa kaniya dahil hinatak niya ako without my consent. “Yes, you're still a stranger.” wika ko.
“A handsome stranger, correction.” Namulot siya ng bato at saka 'yon inihagis sa gitna ng dagat.
“So, do you want me to introduce myself?” presenta niya. Bahagya nitong inayos ang round neck ng kaniyang kulay puting t-shirt na panloob, kung ayusin niya 'yon ay parang may collar talaga.
“Where will I start?” Dumako ang tingin nito sa akin, ilang saglit pa'y sumilay na naman ang isang nakakalokong ngiti mula sa kaniya.
“Ewan ko sa'yo.” I gestured my hands in the air.
“Okay, I'm James Iver Flores, 28, I'm a handsome single man.” He emphasized the word "handsome" napailing na lang talaga ako. He's showing too much confidence, is it bad or not normally good if I'll flatter him? He actually has this godly face and I think, I've already said that before.
“'yon na 'yon?” giit ko.
Kinuha niya saglit 'yong canned beer sa tabi nito, na hindi ko namalayang idinagdag niya pala kanina sa mga grin-o-cery ko, ngayon ay nilalagok niya na 'yon. I must say, he's an avid fan of drinking alcohol kasi ang bilis niyang lumagok, nakakalahati niya na yata 'yong laman ng beer.
“I'm good in bed, I'm top—
“No, don't cross the line.” mahinahon ngunit kinakabahan kong pag-sita sa kaniya.
“Oh, sorry, I thought you'll like it.” He said softly, parang may humaplos sa puso ko, dahil sa lambot ng tinig niya. It reminds me of my Dad, noong bata kasi ako, kapag alam niya nang naiiyak na ako, he would immediately sit beside me, he'll talk to me using his soft voice, when in fact he has an authoritative and deep voice that would even scare a crow back then, when he's still alive.
Hindi ko namamalayan na napangiti na lamang ako nang wala sa hustong huwisyo, saka na lamang ako nagbalik sa ulirat nang pisilin niya ang aking pisngi.
“Don't give me that kind of stare, I might fall.”
Sinalubong ako ng kaniyang mapupungay na mga mata, his beautiful, blue eyes seems like glowing in the dark. Why do I feel like that, that's a ray of light, making the space where we are right now so bright?
“Fall from what?” seryoso ko siyang binalingan ng tingin.
“Sa'yo, I mean, dito sa dagat.” Naiilang siyang lumagok muli sa hawak niyang beer, pagkatapos 'yong sabihin, pinunasan pa nito ang gilid ng labi niya gamit ang hinlalaki nito, nang may kumalat na likido roon. Nagbibiro lang naman siguro siya, hindi ba? Baka dala lang 'yon ng epekto ng alak, pero teka, gaano ba kalakas ang tama ng isang beer in-can? Sa pagkakaalam ko, mild pa 'tong pinili niyang alak, baka nga ang conversion ng 10 oz na alak para sa kaniya ay 'yong kaya lang i-contain ng isang maliit na shot glass.
BINABASA MO ANG
My Greatest Cure (PUBLISHED UNDER PAPERINK)
Romance"You're my greatest cure." Her home is only the safest place for her. She developed this unusual kind of fear when she reached age 25, it's Agoraphobia, the fear of entering open or crowded places. She's Augustine Morales, a 26 years old girl, who...