Kabanata 7

20 2 0
                                    

Nakamasid lang ako paligid nang muli ay higitin na naman niya ang kamay ko, ang hilig niya talaga mang-higit kung kailan niya gusto, akala mo naman robot 'yong hinihigit niya na lang basta.

“Sandali.” pagpapatigil ko sa kaniya, inayos ko 'yong natagilid kong sunglasses.

“August, I'm here, tanggalin mo na 'yan, at saka ibaba mo na 'yang hood ng hoodie mo.” pagtukoy niya sa salamin at yellow hoodie na suot ko.

Buo na ang desisyon ko, hindi ko 'to tatanggalin. “Natatakot nga ako, ngayon lang ako muling makakapasok sa loob ng isang kompanya ulit, ten ako nang huling pumasok ako sa company namin.”

He looked at me with a worried and convincing eyes, “Okay, if that's what you want, kapag nasa loob na tayo ng opisina ko, tanggalin mo na mga 'yan.” ma-awtoridad niyang wika.

“Bakit mo pa kasi ako dinala rito? Dapat kasi mamaya mo na lang ako sunduin sa Cafe.” himutok ko.

“I don't want you to get tired of talking, let's just go.” Malambot niyang pinisil ang galang-galangan ko, and that made me feel a jolt of electricity that enters my body once again. I never feel this kind of feeling before, ilang beses ko na ring sinabi 'yon sa sarili ko, siya at siya pa lang ang bukod tanging nakapagparamdam ng ganitong sensasyon.

“August.” muling pagtawag niya sa akin, natulala na naman kasi ako bigla. Tumango na lang ako at sabay na kaming naglakad papasok sa loob.

“Good morning, Sir, Ma'am!” masiglang pambungad ng security guard na naka-destino sa harapan mismo ng building niya.

“Good morning.” ma-awtoridad na usal ni James, bakit kapag sa akin parang nang-iinis tinig niya, more like childish din, may multiple personality ba siya? Baka nga.

Kasalukuyan akong tinititignan ng guwardiya from head to toe, kahit tinted itong glass ng salamin ko, alam kong nasa akin ang atensiyon niya, nakaramdam na naman ako ng matinding kaba, pakiramdam ko kasi para akong sinasaksak ng kanilang mga mata, lalo na kapag hindi ko kilala ang isang tao, madalas akong atakehin ng fear ko. Napahigpit ang hawak ko sa kamay ni James, kasabay din niyon ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Siguro nagtataka na 'tong guwardiya kung sino ako, at bakit ko kasama ang boss niya, idagdag mo pa 'tong suot ko na parang mangho-holdap.

“Quit staring at her, she's my wife.” nagbabantang wika ni James. Pero, anong wife? As in asawa? Kailan ba kami ikinasal nito?

Aalma sana ako at sasabihin sa guwardiya na hindi 'yon totoo, pero hinila na naman niya ako.

“Hila ka nang hila.” bulong ko sa kaniya, may halo 'yong pagkainis. Ang sakit kaya ng paraan niyang manghila, ang laki pa ng kamay niya ano'ng laban nitong kamay ko.

“Masakit ba?” Tinignan niya 'yong kamay ko na hawak niya, niluwagan na niya 'yong pagkakahawak doon.

“Hindi ba obvious?” sarkastikong tugon ko saka siya tinaasan ng kilay.

Hinawakan niyang muli ang kamay ko at sa pagkakataong 'yon ay inilapit nito ang labi niya roon, at saka ito hinipan ng ilang beses. Nagulat pa ako sa ginawa niyang 'yon, pero at the same time medyo um-okay kasi, nawala 'yong kaonting pain na namuo, siguro dahil na rin sa higpit ng pagkakahawak niya.

“Are you okay, now?” seryosong tanong niya, hindi pa siya nakuntento sa pag-iihip kaya ay hinilot na naman niya ito. Nakatingin lang ako sa kaniya habang ginagawa niya 'yon, bakit ganito ang tibok ng puso ko? Tumingin ako sa paligid at napaiwas na lamang bigla nang mamataan ko ang grupo ng mga empleyado na palapit sa amin, nasa amin na ang kanilang atensiyon, at mukhang kami na nga ang pinag-uusapan nila dahil nagbubulungan ang mga ito.

My Greatest Cure (PUBLISHED UNDER PAPERINK)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon