Simula

80 6 0
                                    

“Augustine, you're next be ready.” sabi sa akin ng aking guro sa English subject. May oratory contest na kasalukuyang ginaganap ngayon dito sa gym ng karatig eskwelahan namin, isang kilometro lang ang layo sa eskwelahan na pinapasukan ko. Kilala ako sa pagiging bibo, kasing taas nga raw ng Mt. Everest ang aking confidence hindi rin sa pagmamayabang, pero ako palagi ang Top 1 sa klase, bakit ko naaabot 'yon? Siyempre, tiyaga at prayers lang.

Humugot ako ng malalim na hininga at sumilip sa maliit na siwang na hindi natatakpan ng kurtina, tapos na 'yong babae, pababa na siya ng stage at pinapalakpakan na siya ng mga tao. Kinakabahan ako, dapat talaga maiuwi ko 'yong medalya, malaking privilege rin 'yon sa eskwelahan namin.

"Next, from Thompson Elementary School, Augustine Morales. Give her a round of applause, everybody!" pagpapakilala sa akin ng Emcee.

Bumukas 'yong kurtina at naglakad na ako patungo sa stage. Napakaraming mga tao, napakabilis ng tibok ng puso ko. Hindi na bago sa akin ang sumali sa ganitong mga patimpalak, pero 'yon nga, normal naman talaga ang kabahan sa ganitong mga sitwasyon. Nasa madla lang ang atensiyon ko, hinahanap ko si Mama at Papa, sabi kasi nila kakanselahin muna nila ang kanilang mga business appointments ngayong araw para mapanood ako. May anim na chain of hotels kami sa Pilipinas, hindi pa kasali 'yong mga restaurants at resorts. Sabi pa ni Mama, plano niyang mag-launch ng beauty line next month, alam ko 'yon dahil tinuturuan na nila ako, mas maganda raw kung mas maaga para handa na ako, kapag panahon ko na. Sa totoo lang, sa lahat kasi ng mga sinalihan kong contests, puro na lang mga teachers ko ang nagsasabit sa akin ng medalya, hindi naman sa ayaw ko sa kanila, pero sana kahit minsan mga magulang ko naman, dream come true na 'yon para sa akin.

Iniabot na nila sa akin 'yong microphone, alam ko darating sila, nangako sila sa akin. Pinalakas ako ng ideyang 'yon, mahal nila ako. Nanginginig man ang kamay ko, tinanggap ko 'yong mikropono at ngumiti sa madla, pinalakpakan nila ako.

“For me, my parents aren't just my parents, they're the greatest blessing that God, had ever gave me. The warmth of my mom's hug who drop and fetch me before and after school, is my safe zone, her chest is my resting place. My Dad's arms who carries me when I fell asleep while we're watching television, is my home. I feel how blessed I am, when they hug and kiss me, when they make me feel that I'm their child, the one who completes their everyday lives—

Natigil ako sa pagsasalita nang makita ang mga magulang ko, nakaupo sila sa may gitna. Kumakaway sa akin si Mama, si Papa naman pinapaulanan niya ako ng flying kisses, they never failed me, dumating nga sila. Lumawak pa lalo ang ngiti ko, ngunit naalala ko, kailangan kong mag-focus, kailangan kong ipanalo 'to. Kumurap ako, at nang ibalik kong muli ang tingin ko sa kinauupuan nila'y, bigla silang nawala.

“Ms. Morales, we're ordering you to temporarily stop, and go to the backstage.” pagputol ng Emcee sa speech ko. My whole attention was just on the crowd, hinahanap ko sina Mama at Papa, paano nangyaring nawala sila? I just saw them, a while ago, nakangiti nga sila pareho sa akin. 'yong nakaupo sa gitna mag-asawang matanda, ibig sabihin ba niyon ay namalik-mata lang ako? Pero, sila talaga 'yong nakita ko.

Sinunod ko na lang 'yong sinabi ng Emcee, umatras ako at humakbang pabalik sa backstage na pinanggalingan ko kanina. Bakit kaya nila ako pinatigil? Hindi ba maganda 'yong opening ng speech ko? May nakita ba silang gusot sa uniporme ko? O 'di kaya, ayaw ba nila sa ponytail ko? Ayaw ba nila sa medyas ko?

Narating ko ang backstage, 'yong puwesto ko kanina. Nandoon si Ma'am Greta, 'yong teacher ko sa English, kanina lang masaya siya, ngunit ngayon parang malungkot na siya bigla? Ano kayang problema? Talo na ba kami? Hindi pa naman natatapos 'yong performance ko 'di ba? Para malaman ang sagot, lumapit ako sa kaniya.

“Ma'am, bakit po?” tanong ko. Tinignan ko siya sa mata, naluluha ito at umiiling na lang, mas lalo pang nagulumuhinan ang pag-iisip ko.

Hinawakan niya ang magkabilang-balikat ko. “A—Augustine, ang Mama at Papa mo.” nanginginig ang boses niyang usal.

“Bakit po? Nasa crowd po ba sila? Nakita ko sila kanina e, kaso bigla silang nawala.” Napayuko ako. Bakit kaya sila biglang nawala kanina? Okay na sana, 'yong performance ko e.

“H—hindi. Augustine, ang Mama at Papa mo, wala na.”

Napailing ako.

Napaatras ng tatlong hakbang.

Hindi.

Hindi 'yan totoo.

“Ma'am, paano pong wala? Nakita ko lang sila kanina.” Itinuro ko pa 'yong sa may stage.

Naglakad siya papalapit sa akin. Nang mahuli niya ako'y hinawakan niya ako sa mukha, umiiyak na siya.

“Augustine, nabangga sila ng truck habang papunta rito, wala na ang Mama at Papa mo.”

Hindi ko maintindihan ang puso ko, parang saglit siyang tumigil sa pagtibok. Nag-iinit na ang gilid ng mga mata ko. Nanginginig ang buong sistema ko.

“Ma'am! Hindi po 'yan totoo.” nanginginig kong wika.

Hindi siya nagsalita, sa halip ay niyakap niya lang ako.

Wala na akong naalala nang mga oras na 'yon, basta ang alam ko, nawalan ako ng malay habang yakap ako ni Ma'am Greta.

My parents passed away due to a car accident, when I was ten. They died on a crowded place. Naging malungkutin akong tao, simula nang mawala sila.

Growing up, I fear crowded places.

I fear being with people.

I fear driving a car. I never bought a car for myself, kahit kaya kong bumili.

Uncontrolled heartbeats, trembling knees and hard breathing ilan lang 'yon sa mga nararamdaman ko sa tuwing nakatapak ako sa mga crowded places. Noong nasa hayskul ako, I always choose to be alone, even when I reached college, wala akong ni isang naging kaibigan. Hindi ko alam kung ipinagkakait ba 'yon sa akin ng mundo o ipinagkakait ko lang talaga 'yon sa sarili ko. Hanggang ngayon naman, wala akong kaibigan, tanging ang aso ko lang ang kasama ko sa bahay. Hindi rin ako mahilig lumabas, pakiramdam ko nahihiwalay ang kaluluwa ko sa sarili kong katawan kapag lumalabas ako ng bahay. Kung lumalabas naman ako, sa Cafe at sementeryo lang ang tambayan ko. I never felt safe, when I'm outside.

When I reached age 25, I consulted a psychologist and she told me, I was diagnosed with Agoraphobia the fear of entering open and crowded places and she also added, this is a lifelong problem, unless treated. I am hoping, that it could be. If couldn't treat myself, who will be the one to treat me?

My Greatest Cure (PUBLISHED UNDER PAPERINK)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon