Tatlong araw na ang nakalilipas simula nang mangyari 'yong engkwentro namin ng girlfriend ni James, tatlong araw na rin akong hindi lumalabas ng bahay at nagtutungo ng Cafe, nakakulong na lang ako rito, kagaya ng dati. Hindi naman ako malungkot kasi nakasanayan ko na 'to, mas gumaan nga ang pakiramdam ko na nasa bahay lang ako, hindi na ako kailangang atakehin ng fear ko kung kailan niya gusto, because I'm in the most safest place of my life, my home.
“Kiko, bakit kaya ganoon, bakit parang niloko niya ako 'no?” I said to him, while caressing his fur.
Narinig ko naman ang mahinang paghalinghing niya, I diverted my attention on him, that's when I realized, he looks so pale and not energetic, hindi 'yong dating Kiko na kilala at nakasanayan ko.
“Kiko.” mahinang bulong ko, napanatag ako nang dilaan niya ang kamay ko at sumiksik siya sa may tabi ng hita ko, he fell asleep few minutes later. Muntikan na ako roon.
I stood up and go straight ahead in the kitchen, bigla kasi akong nakaramdam ng gutom, binuksan ko ang refrigerator at doon ko napagtanto na naubos na ang stock kong mga snacks, tanging dalawang pares na lang ng sandwich at cheese ang natira, ganoon din ang hanging cabinet ko na tanging dalawang paborito kong de lata at tatlong noodles na lang ang natira. Isinara ko na lamang sila pareho, o-order na lang ako sa McDo.
I dialed their hotline right away, wala pang fifteen minutes ay may nag-door bell na. Wala na akong pakialam kung naka-pajama, magulo ang buhok ko at wala pa akong ligo na haharap sa delivery boy, medyo malamig kasi ang panahon ngayong araw, ayaw makisama ng tubig sa akin.
“G—good morning Ma'am! Here's your order.” pambungad sa akin ng delivery rider, pagka-bukas ko pa lamang ng gate.
Late when I realized, who's in front me right now is none other than James, in a McDo uniform, anong trip niya? At mas lalong ano'ng ginagawa niya rito?
Salubong ang dalawang kilay ko siyang hinarap. “What are you doing here?”
“August, let's talk.” mahinahong wika niya. Ano'ng talk? Kausapin niya sarili niya!
Nanatili 'yong mga i-n-order kong nakalahad sa ere, wala akong balak tanggapin 'yon kung galing din naman sa katulad niyang manloloko, teka, bakit ba ako sobrang galit? Dapat bang magalit ako? After what happened in between me and his girlfriend, after I knew that he has actually a girlfriend while we're dating? Ayaw kong maging third party sa isang relasyon, bukod sa ayaw kong manakit ng kapwa ko babae, gusto ko ng katahimikan, 'yon lang.
“Why do we need to?” asik ko.
“Let's fix everything about us.” mahinahon niyang tugon, his voice left me overwhelmed every time, it touches my heart when I hear it, pero hindi ko hahayaang madala ako ng lambot ng tinig niya, ng kaniyang mga mata.
“Wala tayong pag-uusapan, kasi in the first place, walang tayo.” sagot ko. Nag-atubili kong kinuha 'yong nakalahad na pagkain sa ere, sa pagkain lang ako marupok. Inilabas ko rin ang aking wallet para mabayaran na 'yon at makaalis na siya.
“Ito bayad ko, umuwi ka na.” walang emosyon kong wika.
“August, pakinggan mo naman ako.” pagmamakaawa niya, I can see the sincerity in his pair of blue, villainess and enchanting eyes. The innocence brought by his soft voice, his presence that makes my heart weak again, when I smell his perfume, I feel like my facade is slowly crumbling down and I can't do anything than to accept that it will be broken down.
“James, I already heard everything, and I already don't need any explanation coming from you.” pagmamatigas ko.
“Betty is lying, she's insane, wala ng kami, matagal ng wala.” paliwanag niya.
BINABASA MO ANG
My Greatest Cure (PUBLISHED UNDER PAPERINK)
Roman d'amour"You're my greatest cure." Her home is only the safest place for her. She developed this unusual kind of fear when she reached age 25, it's Agoraphobia, the fear of entering open or crowded places. She's Augustine Morales, a 26 years old girl, who...