Kabanata 12

22 1 0
                                    

Augustine

Alas kuwatro ng umaga nang magising ako, kaagad akong bumangon sa aking kinahihigaan, nag-inat, at hinanap ang aking ponytail sa higaan, kaagad kong itinali ang aking buhok nang mahagilap ko 'yon. Inilibot ko ang aking mga mata sa loob ng kuwarto, dumako ang aking buong atensiyon sa couch kung saan nakahiga si James. Nakahalukipkip ang kaniyang mga braso, he's peacefully sleeping in a fetal position, panigurado ay nilalamig siya sa ganoong posiyon. Agaran akong kumilos at lumapit sa kaniya, hawak ko ang kumot na ginamit ko rin kagabi sa pagtulog,ang mokong ipinagamit sa akin ang anim na unan, hindi man lang kumuha ng kaniya.

Dahan-dahan kong itinaas ang kaniyang ulo at nilagyan ng unan ito, pagkatapos ay binalot ko na ng malambot na kumot ang katawan niya, mabuti na lang hindi siya nagising. Umupo ako sa sahig para panoorin siya sa pagtulog, he's so handsome even when he's sleeping and I won't deny it, maamo ang mukha niya kapag tulog pero kapag gising sarap hambalusin ng tubo sa sobrang galing mang-asar.

“Hmmm.” usal niya habang tulog, umiwas ako saglit ng tingin sa kaniya dahil medyo nailang na ako.

“Why did you quit staring at your husband's face?”

Nanigas ako sa kinauupuan ko nang marinig ko ang isinalabi niyang 'yon, sinasabi ko na nga ba, gising ito, pinagloloko niya lang ako, sana hindi ko na lang siya tinitigan, nakakahiya.

“Ano'ng husband? Ano'ng staring?” pambabara ko.

“August, ang hina mo ba't titig lang?” Ngumisi ang mokong, kaya tumayo ako at umupo sa kama, kinuha ko rin ang dalawang unan at ibinato 'yon sa kaniya.

“I'm just kidding.” Humagalpak siya ng tawa.

Walang nakakatawa.

“Ang sweet naman pala ng future wife ko, she cares for me.” Tumaas-taas ang magkabilang kilay niya, sinabayan niya 'yon ng killer smile niya.

“Alangan namang pabayaan kitang manlamig diyan, hindi 'yon sweet, isinasabuhay ko lang ang humanity.” Tinaasan ko rin siya ng kilay.

“Okay, if that's what you say so, magbihis ka na let's have a coffee date, isama mo si Kiko, for his check-up afterwards.” Tumayo na ito sa kinahihigaan niya.

I just nodded in response, tinahak ko na ang daan papunta sa banyo, bago 'yon ay kinuha ko muna ang gray sweater na binili niya para sa akin nang papunta kami rito, 'to kasi ang susuotin ko. Naghilamos at nag-tooth brush lamang ako, tinignan ko rin ang repleksyon ko sa salamin, alam ko na masaya at tahimik ang sarili ko ngayon, my eyes caught the necklace he gave last night, ang ganda talaga nito, hindi ko na naman napigilan na hindi ngumiti.

“Tapos ka na?” pambungad niya sa akin pagka-bukas ko ng pintuan.

“Oo, ikaw ba hindi ka magbibihis?”

“Hindi na, masasayang lang oras ko, guwapo at mabango pa rin naman ako kahit walang hilamos.” giit niya.

“Matu-turn-off na mga babae sa labas kapag ganiyan.” Naglakad ako palapit sa kama at kinuha sa ilalim nito ang flip flops na gagamitin ko.

“Hindi ko na sila nakikita, dahil ikaw na lang ang nakikita ng mga mata ko, mas maganda rin 'yon, para sa'yong sa'yo na ako.” Kumindat ang mokong, habang isinusuot ang mamahalin niyang rolex.

“Sino bang nagsabing inaangkin kita?” Pinamaywangan ko siya. Naiinis na talaga ako sa mga pang-aasar niya.

“Wala, ako lang. Augustine asawa ko, kumalma ka, hindi magandang tignan kapag palagi kang galit. Halika na.” Inilahad nito ang palad niya sa ere. Ayan na naman ang kamay niyang hindi ko kayang hindi-an.

My Greatest Cure (PUBLISHED UNDER PAPERINK)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon