"BAGAY NAMAN sa iyo ah?" Itinagilid pa ni Venice ang ulo niya habang nakatingin sa reflection ko sa mirror. "Masyado nga lang makapal ang frame pero okay lang naman."
Napatitig na lang din ako and sinubukang i-angle ng maayos ang mukha ko para maging maayos ang itsura. I tried wearing Leinnie's eyeglasses but because wala siyang taste sa pagiging maganda ay ang pangit din ng style ng salamin niya. Sobrang kapal ng frame nito na itim. Okay na sana yung shape na pabilog eh, pero sana naman ang pinili niya ay ang manipis ang frame para maganda tingnan. So far, maganda naman ang quality ng salamin at luminaw nga ang paningin ko pero hindi talaga ako satisfied sa itsura nito.
Hindi ko naman maatim na pangit na nga ang mukha na kaharap ko ngayon ay pangit pa ang susuotin niya. Pero dahil ito lang ang salamin niya, I have no choice but to use it.
Hays. So much for being ugly.
We're here in our or should I say Leinnie's room. Nakabihis na kami para sa first class namin mamaya at kinailangan kong isuot ang salamin dahil bukod sa malabo nga ang nakikita ko ay puro lectures pa ang meron mamaya so I'm sure na maraming babasahing notes kaya kailangan ko talaga magsalamin dahil sa likod pa ako nakaupo.
When we settled everything, bumaba na rin kami at nagpaalam para pumasok. Mrs. Bernardo even noticed the eyeglass and asked me kung bakit ngayon ko lang isinuot. Hindi ko naman alam ang isasagot ko kaya ipinaubaya ko na kay Venice ang pagpapalusot.
Kasama na naman namin ang dalawang bata. They're talking to Venice and telling stories while Venice is patiently listening to them, no matter how nonsense their stories are. She would honestly pass as a babysitter because of the patience she have.
And of course, I am a complete outcast here at their back. Hindi nila ako kinakausap o nililingon man lang. But for me, that's better. Wala akong gana makipag-plastikan sa kanila.
Maayos na ako sa ganito na hindi nila ako pinapansin. Mas tahimik. Less chaos. Less noise.
Pero syempre, kailangang palaging may sumira ng kapayapaan. Dahil dumating na naman si Kyle but this time ay may kasama siyang mga lalaki na kaparehas ang uniform na suot sa kanya, obviously his classmates. Lima ang mga lalaking kasama niya.
Good for him. Akala ko kasi wala siyang kaibigan kaya sa akin lagi siya nangungulit eh.
And good for me. Kasi hindi na niya ako kukulitin.
Pero akala ko ay payapa na ang umaga ko pero nakita kong nagpaalam siya sa mga kaibigan niya at palapit na siya sa amin ngayon. Nang tingnan ko ang mga kasama niya kanina ay nakaalis na ang mga ito.
He greeted Venice and the kids. Bigay na bigay pa si Venice sa pagbati at ngiting-ngiti.
It got me wondering. May gusto ba si Venice kay Kyle?
If that's so, then ang pangit pala ng taste niya.
Kyle then started walking to me while smiling. I just sighed in annoyance.
I need to face him again.
"Bakit ka nandito?" nakasimangot na bungad ko sa kanya. Hindi ko na napigilan ang paglukot ng mukha ko dahil sa presensya niya.
I don't like his mood. Too jolly. Too happy. Too kind. Too much for me.
"Wala ba munang good morning diyan?" Nasa kaliwa ko siya at sumabay siya sa akin sa paglalakad.
"There's nothing good in this morning. Lalo pa't nakita kita." I pushed back the glasses to my eye when it fell slightly.
"Nagsasalamin ka pala? Ngayon lang kita nakitang nakasalamin. "
YOU ARE READING
A Hundred Days With You
General FictionSYNOPSIS She consider herself as perfect kaya masama ang trato niya sa ibang tao. Her attitude is the exact opposite of her beauty. She always think that people should bow down on her. Ang tingin niya sa sarili niya ay dyosa. But of course, everyone...