I CAN FEEL myself smiling while I am sleeping peacefully. Parang ayoko nang gumising. This is the kind of feeling I've always wanted. This moment when I can enjoy peace and silence.
Pero lahat ng iyon ay nawala nang makarinig ako ng matinis at malakas na tunog na agad nakapagpabangon sa akin from my beauty rest. Gulat ang naging reaksyon ko dahil sa biglang ingay na narinig ko sa gitna ng tahimik na lugar.
"What the fvck?!" Gulat na sigaw ko pero agad akong napatakip sa tenga nang magtuloy-tuloy ang tunog.
I turned to where the sound came from and I saw Venice, grinning from ear to ear, while hitting an aluminum pot using a fork that made the annoying sound. "Gising na, Laning!!!"
"Ugh! Stop it!" Mabilis akong umibis mula sa kama papunta sa kanya. The bitch quickly ran away while laughing and teasing me!
Nanatili ako sa kama ko at napahilamos na lang ng mukha. I was just sleeping peacefully earlier but she ruined it! She already ruined my whole day!
Why did I even think that I can have the peace that I want when I'm still here in this body?
Inis na napasuklay na lang ako sa buhok kong maganit bago bumangon at hinablot ang twalya mula sa sampayan. Padabog ko ring isinara ang pinto ng kwarto ko nang makalabas ako. I even thought that the door might break because of the strong impact but thankfully, it didn't. I don't want any additional fuel to my irritation.
"Oh? Buti naman at bumaba ka na. Akala ko kailangan ko ulit gamitin yung alarm ko para sa yo!" Tumatawang saad ni Venice nang makita niya akong pababa.
I answered her with a glare that made her laugh. Mukhang sobrang saya niya ngayong araw at ako pa ang nakuhang asarin.
"Ang sama naman ng tingin mo! Ginising ka na nga eh!" Nilingon niya si Esteng na katabi niya at kumakain. "Ganyan din ba siya nung wala ako dito?"
Hindi ko na pinakinggan ang usapan nila at dumeretso na sa banyo. Maging ang pinto nito ay hindi nakaligtas sa inis ko.
My day started really bad, and I'm kinda expecting for another things that can ruin my day.
Mabili ko lang na tinapos ang pagligo ko dahil baka may kung ano pa akong masira sa mga nasa loob ng bathroom. Syempre, ayan na naman ako, hindi sanay na walang shower or bathtub, but now I'm getting used to it. Kinda.
"MAY PUPUNTAHAN ka ba, ate?" tanong ni Esteng sa akin, while we're in the middle of our breakfast. Hindi namin kasabay kumain ngayon si Mrs. Bernardo, dahil ayon kay Venice ay pumunta daw ito sa supermarket para mag-grocery.
"Wala, bakit?" nagtatakang tanong ko. I glanced at Leang when I felt her stare at me but she avoided my gaze immediately when our eyes met. Hindi ko iyon pinansin at nagpatuloy sa pagkain.
Buti na lang at hindi tuyo ang ulam namin ngayon. Nasanay kasi ako na kada almusal ay nasa hapag iyon. I don't like it. I don't like salty foods, because I am maintaining my healthy diet, and it includes that I should avoid foods that are too salty or with too much sugar.
Ang kaso, sardinas na de lata ang ulam namin ngayon. They poured it into a small bowl and added some soy sauce, pamparami daw. I'm not a fan of those, in fact, I don't like cheap foods! Pero ayoko namang mamatay sa gutom, so kailangan kong tiisin ang mga pagkain na ihahain nila. Besides, they might find it weird if Lennie will avoid those foods, which is unusual for them dahil hindi naman nila alam na wala si Leinnie dito. Na ako ang nasa katawan ng kanilang butihing ate.
Kung malaman man nila, they'll surely not believe it. This might look so impossible to happen, pero nangyari na nga at heto ako, stuck in Leinnie's body, left with no choice but to spend a hundred days inside this body. Wait, it's already 5 days since I woke up here, so I just have 95 days.
YOU ARE READING
A Hundred Days With You
Fiksi UmumSYNOPSIS She consider herself as perfect kaya masama ang trato niya sa ibang tao. Her attitude is the exact opposite of her beauty. She always think that people should bow down on her. Ang tingin niya sa sarili niya ay dyosa. But of course, everyone...