T H R E E

49 8 0
                                        

ANG akala ko ay hindi makakarating sa Dean's office ang nangyari kahapon. Pero akala ko lang yun. Meron lang naman kasing nagsumbong. Marami din ang mga haters ko so naging witness sila.

At ang ending, me, in the Dean's office with my parents, in front of Dean.

"Misis, pangalawang beses niya nang napunta dito sa loob lang ng isang linggo. At iisa lang ang rason," mahinahong sabi ni Dean Brantford kay Mom. Halos sabay kaming napabuntong hininga ni Mommy kaya napatingin siya sa 'kin. Ang sama na ng tingin niya sa 'kin kanina pa.

Sa totoo lang, I can't see any purpose for me to be here. Hindi naman nila ako kinakausap eh. Dapat sila Mom na lang ang ipinatawag.

I crossed my arms and legs while boredly listening to Dean's reports. Agad ko rin itong inalis nang lumihis ang tingin niya sa 'kin.

Dean Armando Brantford is in mid-thirties. He's a tall man. Hindi siya palasalita pero kapag naiinis siya kagaya ngayon ay mahaba ang mga sinasabi niya. I heard he's Marco's uncle.

After the long discussion, at last, nakalabas na rin kami sa office. I immediately took my phone from my pocket. Ugh! I spent thirty minutes for what? For sermon? Hindi na tuloy ako makakaabot sa first class. Ang ganda masyado ng bungad ng Friday sa 'kin.

"Eris," galit na tawag sa 'kin ni Mom. Tamad ko siyang nilingon. She held my arm. "We'll talk later."

Napatingin ako sa walang imik na si Dad. Kadalasan ipinagtatanggol niya ako pero mukhang nainis na rin siya. Hay ano ba yan!

Nakasimangot akong pumunta sa room nang makaalis na sila. Pagpasok ko ay wala nang teacher. Maybe the first subject is already done.

"Oh kumusta sis?" tanong agad ni Liezel pagkaupo ko.

I sighed out of irritation. "Who among those trashes told them what I did?!" Nilingon ko sila. "Sinabi niyo naman kay Ma'am kung bakit ako wala?"

"Hindi naman siya nagtanong eh." Ella shrugged. "Nilampasan ka nga lang niya sa attendance eh. Siguro alam na rin niya. Kalat na kalat kaya ang eksena mo kahapon!"

"Oo! At alam mo ba, dahil doon ay marami na din ang nambu-bully dun sa ugly girl! Kitang-kita namin kanina nung dumaan siya na binu-bully na siya ng mga fansclub mo!"

Ngumisi ako. "Serves her right." Yan kasi. Ang kapal naman kasing banggain ang isang Crisa eh. Literal na binangga niya ako eh. Dapat kasi, kapag nakita akong papalapit ay lumayo na siya dapat.

Umayos na agad kami ng upo nang dumating si Ma'am Dizon, teacher namin sa Science. At dahil favorite subject ko ang science, outstanding na naman ang performance ko.

I'm not a Dean's lister. But I always have honors. Kaya nga full package na ako eh. Maganda, mayaman at matalino. Ako ang inaasam ng lahat ng kalalakihan. Well, maliban kay locker boy. Locker boy ang tawag ko sa kanya dahil sa locker area kami unang nagkita. Ugh! Naalala ko na naman tuloy yung pagtawag niya sa 'kin ng hyena! Bwiset talaga!




"Uy nakasagap ako ng info," sabi ng chismosang si Liezel. Marami siyang kilala kaya masyadong marami ang nalalaman niya. Kaya dapat na siyang patahimikin! Choz.

Nandito na naman kami sa cafeteria. Lunch break na ngayon at abala kami sa pagkain namin.

"Ano ba yan Ella! Bibitayin ka na ba?" Halos mapuno na kasi ang tray ni Ella sa sobrang dami ng pagkain niya.

"Sorry naman! Gutom ako eh!"

"Eh why didn't you eat kaninang break time?" Umalis kasi siya at hindi kumain kasama namin. Hindi na namin siya natanong kanina dahil halatang nagmamadali siya.

A Hundred Days With YouWhere stories live. Discover now