I PROBABLY looked like a statue here while staring at the familiar lady in front of me. I can't remember kung kailan at saan ko siya nakita. The memories are blurry.
She has this innocent brown eyes, thin brown eyebrows and pink lips. Sige na, aaminin kong mas maganda siya sa akin. Pero isang paligo lang ang lamang niya. Honest pa rin naman ako kahit papaano.
"Done praising me?" Natinag ako sa kakatitig sa kanya nang magsalita siya. Wait, this scene is unbelievably familiar too. It's like a deja vu.
Nanginig ang kamay ko na tumuro sa kanya. "Ikaw?!"
"Me? What are you talking about?" nagtataka niyang tanong pero nanatili siyang nakangiti.
"It's you, right?! The lady in my dream?!"
Oo naalala ko na. Siya yung babae na nakausap ko sa bungad ng The Gate to Infinity. Memories came back to me at ngayon ay naaalala ko na ang lahat ng nangyari.
Naalala ko na na naaksidente ako. Tapos nagising ako sa maliwanag na kwarto. I went out and I met her. Tapos sinabi niya na patay na raw ako. But something happened. Naramdaman ko na parang may malamig na hangin na dumaloy sa dugo ko then I suddenly fell asleep. Then, ito na!
"Ikaw! May alam ka no?!" sabi ko. Tumaas ang pareho niyang kilay.
"May alam? Saan?" I really hate that innocent eyes and tone she's using.
"You can't fool me. I remember everything that happened! May ginawa ka sa akin kaya ako napunta dito no?"
"W-Wait, what? I'm getting confused."
"Wag mo na akong lokohin! I want to know what happened!" Halos magmakaawa na ako sa kanya pero of course I will not do that. I will never do that.
Bumuntong hininga siya. "Do you really wanna know what happened?"
"Oo! Sabihin mo na!"
"Really?"
Leche, pa suspense naman itong babaeng ito eh. Subukan ko kaya siyang sampalin nang magising siya? Lutang pa ata eh.
"Sige, gawin mo. Hindi ka na makakabalik sa katawan mo," bigla siyang nagsalita. I almost forgot that she can read my mind.
"Psh. Nanakot pa. Just tell me!"
"Oo na nga eh! Excited ka masyado! Kalma lang girl."
Umirap lang ako at huminga ng malalim. Sumandal ako sa gilid ng sink at kumalma.
"This is what happened... Napunta ka sa katawan ng ibang tao.."
"Alam ko na yan eh! Obvious na!" Muntikan ko nang ibato sa kanya ang bag ko.
"Wait nga lang kase! Excited ka, hindi pa nga ako tapos magsalita!" Inis niyang hinawi ang mahaba niyang buhok.
"Ganito ang nangyari. Remember what you said up there?" Itinuro niya ang kisame kaya napatingin ako doon.
"Up there? Sa ceiling?" How did I manage to go to the ceiling? Ano bang sinasabi nitong babaeng ito?"
Binatukan niya ako bigla. Masakit iyon ah! "Tungek! Hindi diyan! Sa Judgement Hall!"
"Judgement Hall?"
"Iyon yung lugar kung saan sinasabi ng mga judges of heaven kung saan nararapat napunta ang kaluluwa ng isang taong namatay. Remember the line? Yung mga pumipilang kaluluwa papunta sa lalaking may hawak na libro? Doon yung judgement hall. Sa likod niyon ay ang The Gate to Infinity. May dalawang lagusan naman doon. Ang heaven at ang hell."
"You mean, ang Judgement Hall na sinasabi mo ay nasa.." Napatingala ako. "..langit?"
Tumango-tango siya. "Yep. Pero hindi pa ito yung langit na tinatawag nating heaven. Kumbaga lower portion lang ang Judgement Hall."
YOU ARE READING
A Hundred Days With You
Tiểu Thuyết ChungSYNOPSIS She consider herself as perfect kaya masama ang trato niya sa ibang tao. Her attitude is the exact opposite of her beauty. She always think that people should bow down on her. Ang tingin niya sa sarili niya ay dyosa. But of course, everyone...