O N E

87 10 0
                                    

Uniform, check. Signature bag, check. High heels, check. Beauty, always check na check! Ready na akong pumasok.

I drove my gold Tesla to the university. Agad na nakaagaw ng atensyon ang sasakyan ko. Alam na ng lahat kung sino ang nagmamay-ari nito dahil natatangi ang sasakyan ko. Hindi ako papayag na may kagaya ako. I want to be the best.

I elegantly got out of my car. Taas noo akong naglakad papasok sa gate. Halos lahat ay pinapanood akong maglakad. May nakita pa akong lalakeng nabitawan ang bag niya sa kakatingin sa 'kin. Masyado silang obvious na nagagandahan sa 'kin eh. Well, true namang maganda ako.

Sikat na sikat ako dahil ang family namin ay may malaking stock dito sa Brantford University. I am also the captain of the cheerleader squad.

"Oh my gosh Crisa! I love your nails!" sabi ni Liezel pagkarating ko sa room.

"I know right." I looked at my gold nails. May mga crystals na nakadikit dito na mas lalong nagpakinang sa kuko ko. I really love gold.

"Uy same tayo ng design oh," Ella said and showed me her pink nails that has the same design as mine. Kumunot ang noo ko.

"Bakit parehas?" Ayoko sa lahat ay yung meron akong kagaya eh!

"Hayaan mo na! Ang ganda kaya!"

"I know. Pero mas maganda kaya ang nails mo last week. You should change it and do that design again," I convinced.

Every week kami nagpapalit ng style ng cuticle pero laging gold ang gamit kong kulay.

"Ay talaga? Sige na nga." At uto-uto naman siya. Hindi ko na siya pinilit dahil friend ko naman siya.


AFTER our two subjects, break time na. Pagkarating sa cafeteria ay dinig na dinig namin ang mga bulungan tungkol sa XSquad. Sila ang heartthrob ng university. They're really handsome and they're my type pero masyado silang bata para sa 'kin. They're just 3rd year juniors while I was already a 1st year senior student.

Dumeretso kami sa pila. I just ordered a salad and lemon juice. Healthy diet kaya ako. Sabay-sabay rin kaming naglakad pabalik.

"You know, ang gwapo talaga ni Jake!" kinikilig na sabi ni Liezel. Jake is the captain of the basketball team. He's handsome, pero wala pa sa plano ko ang pumasok sa isang relationship. Nakaka-stress lang yan.

"Mas gwapo si Marco!" sabi naman ni Ella.

"Ano ka ba! Two years ahead tayo sa kanila no! Ang bata pa kaya ni Marco!" Ako rin sana gusto ko si Marco kaso masyado siyang bata para sa 'kin. And I've heard na may something sa kanila ni Ms. Top One ng batch nila. I think her name is... Natasha? Natalie? I'm not sure.

Nang matapos ang pagkain namin ay pumunta muna kami sa locker area. Napansin ko agad ang mga lalakeng napaayos ng tayo nang makita kami at nagtulakan.

Lumapit na lang ako sa locker ko. Pagbukas ko ng locker ko ay naglaglagan ang sandamakmak na love letters at nagkalat sa sahig. Napabuntong hininga na lang ako at sinipa ang mga ito papunta sa ilalim ng lockers.

"Wala ka talagang balak sagutin ang mga manliligaw mo?" walang lingunang saad ni Liezel.

Ngumiwi ako at umiling. "You know naman na I'm not into relationships. I'm enjoying my life being a single lady. And also, none of them deserves me."

Natigil kami sa pag-uusap nang lumapit ang isa sa mga lalake kanina. Kinamot niya ang batok niya at nahihiyang tumingin sa 'kin. Hindi siya naka-uniform. Probably he's not studying here. Pero paano siya nakapasok?

Sa kabilang kamay niya ay may hawak siyang papel na nakatupi. I rolled my eyes. Eto na naman sila.

"Uhm Crisa," panimula niya. Inabot niya sa 'kin ang papel. Tumaas ang kilay ko at hindi iyon kinuha. Baka mamaya kung anong germs na ang dumikit diyan eh. "Pwede bang-------"

"Hindi," agad na pagputol ko. Alam ko na kasi kung saan ito aabot. "You're not allowed to court me. Sa sobrang haba na ng listahan ng mga manliligaw ko, wag ka na dumagdag pa. I'm sure that you won't stand a chance. Paano mo naman ako ibibili ng mga gusto ko kapag naging boyfriend kita? You even looked like you don't have enough money to buy things for yourself. So wag na lang."

Nakatulala lang siya sa 'kin. He really looked like he was shocked and did not expected that I will say that. Maging ang ibang tao ay natahimik at nakinig sa pag-uusap namin ng kaawa-awang lalaki na ni-reject lang naman ng isang Crisa.

Mayamaya ay bigla siyang tumawa ng malakas na ikinagulat ko. Nawi-wirduhan akong tumingin sa kanya. May saltik pa yata itong lalakeng to. Ni-reject ko siya! He's supposed to be sad! Bakit siya tumatawa?

Habol niya ang hininga nang tumigil siya. He looked at me, smirking.

"Wala naman akong balak na ligawan ka eh," medyo natatawa niya pang sabi.

Nag-isang linya ang kilay ko. Now I'm getting really confused.

"Huh? E-eh diba sabi mo------"

"Hindi mo naman kasi ako pinatapos eh. Ang sasabihin ko kasi ay 'pwede bang pakibigay nito kay Eunice'. Kaklase mo naman siya diba?"

Okay. Pahiya.

Sumabog ang malakas na tawa niya nang makita ang reaksyon ko kasabay ng pagpula ng mukha ko sa hiya at sa inis. Eh bakit niya ba ako pinagtatawanan? Sino ba siya para pagtawanan ako? Ako na si Crisantellia Eristine Alcantara pinagtatawanan niya lang?

"Baka akala mo, porket maganda ka, lahat ng lalake magugustuhan ka na?"  Sa wakas ay natapos na siyang tumawa. "Well, para sabihin ko sa 'yo, hindi ako magkakagusto sa 'yo!"

Napailag pa ako nang sabihin niya yun. Natawa siya.

"Nagtataka ka ba kung bakit? Bibigyan kita ng mga dahilan. Una, napakaarte mo! Pangalawa, masyado kang mapagmataas! Pangatlo, mapang-api ka! Pang-apat, masama ang ugali mo! At ang huli, nakakairita ang maarte mong boses! Boses hyena ka!"

Sumabog ang tawanan ng mga nasa paligid. Napanganga na lang ako sa mga sinabi niya.

"Anong sabi mo?!" di-makapaniwalang sambit ko. I can't believe him! Paano niya ako nagawang lait-laitin sa harap ng maraming tao?

He chuckled. "Aba't bingi ka na rin pala!"

Mas lalong nagtawanan ang mga nasa paligid, mostly lalake, at kinakantyawan ako. Marami sa kanila ay mga manliligaw ko dati na ni-reject ko. Napaghahalatang masama ang loob nila sa 'kin eh. Hindi ba nila alam yung kasabihang 'learn to accept your flaws'?

Nilapit niya ang mukha niya sa 'kin. "Tandaan mo ito, miss famous," well, in fairness, mabango ang hininga niya. "Kahit kailan ay hinding-hindi kita magugustuhan."

And just like that, he turned his back on me and walked away, leaving me speechless and dumbfounded.

I blinked. And blinked. Many times.

Nagsimula nang mag-alisan ang mga taong nanonood kanina. Naiwan naman akong tulala.

"Grabe! Ang tapang niya ha!" sambit ni Ella habang nakatingin pa rin sa pwesto ng guy kanina.

"Who gave him the right para sabihin yun?" Lumingon sa 'kin si Liezel. "Oh girl? Ayos ka lang?"

Doon naipon lahat ng galit at inis ko sa lalaking yun. Kumuyom ang kamao ko.

"That arrogant, haughty, peremptory, overweening and supercilious guy!" inis na sabi ko.

"Teka, pare-parehas lang naman ang meaning nung mga sinabi mo eh!" pansin ni Ella.

"Wag mo nang sabihin! Baka lalong magalit eh!" sambit ni Liezel. Lumingon siya sa 'kin. "Pero ang gwapo niya no?"

My gorgeous face crumpled. "Yun? Gwapo? Hindi ah!"

"Asus! Aminin mo na lang!"

"I don't think he's handsome! Period."

He's not handsome! He's annoying! Sino siya para laitin ako? At sino siya para tawagin akong hyena?!

A Hundred Days With YouWhere stories live. Discover now