N I N E T E E N

11 1 0
                                    

A/N: Kung gusto mo basahin itong note ng magandang author, then good. Pero kung ayaw mo, edi don't.

Hello angels! Sorry sa matagal na update! As in ang tagal ko talaga bago nakabalik sa watty dahil nasira ang cellphone ko at hindi ako makapagsulat but here I am again!

This chapter is really long, the longest chapter sa mga nauna dito and I worked at this for days kaya sana maenjoy niyo ito! Thank you for reading.

-Ate Angel♡

GUTOM

Iyan ang nararamdaman ko ngayon. As always, pride has eaten me up so I didn't go down to dining area when they had dinner. Nakakagutom talaga ang pagpapanatili ng mataas na pride pero there's no way I would go down there! Ayoko silang makita at makausap.

Nakakulong lang ako dito sa kwarto at nakasilip sa bintana. Kanina ay umakyat dito si Mrs. Bernardo para tawagin ako dahil kakain na daw at nag-aalala daw siya kasi kaninang tanghali pa ako hindi kumakain.

Now she's worried? Eh kanina nga ni hindi niya naisip ang nararamdaman ko!

At dahil naiinis pa rin ako sa kanya ay hindi ko siya pinagbuksan. I just let her outside knocking at my door while saying sorry. Well, hindi ako madaling suyuin. She should work hard to receive my forgiveness. Umalis lang siya doon nang tawagin siya ni Venice at sinabing kailangan ko daw muna mapag-isa.

Isa pa yung babaeng yun! Kung tinulungan niya ako kanina ay hindi mauuwi sa ganito ang lahat! Hindi maipapamukha sa akin ng mga babaeng iyon na isa akong loser!

Kaya pati siya ay hindi ko pinagbuksan kahit pa dito rin siya sa kwarto ko natutulog. Bahala siya maghanap ng matutulugan. Kung gusto niya, sa sala siya matulog o kaya ay sa labas na lang para masaya! Or pwede rin namang bumalik na lang siya sa Judgement Hall at magsumbong sa mga judges na sinusunod niya! Tutal sila naman ang sinusunod niya, dun na lang din siya matulog! Kahit wag na siyang bumalik at magpa-utos na lang sa mga judges na yun!

Okay that's too much but I won't say sorry cause it's not in my vocabulary. Sana lang ay hindi nila ako kunin at dalhin sa demonyitang nakita ko.

Narinig ko ring kanina pa pala dumating si Venice, ilang minuto lang matapos kong makauwi. Why did she cut classes? Gusto niya rin ma-suspend?

And now it's already 12:00 in the midnight, at kanina pa tumutunog ang tiyan ko sa gutom. Hinayaan ko munang makalipas ang ilang minuto bago ako bumaba. Nakapatay na ang lahat ng ilaw at paniguradong tulog na sila pero kailangan kong mag-ingat para hindi sila magising. I don't want them to see me sneaking in the kitchen just to eat dinner. Sana lang ay tinirahan nila ako ng pang-ulam at kung wala, maybe I will be needing to spend the night with my stomach empty.

Dahil walang ilaw ay nangangapa ako sa dilim. I'm not afraid if some ghost will jump out at me because I don't believe in ghosts. Oh, totoo pala sila. And Venice is a proof.

Oh, speaking of Venice? Saan naman kaya natulog yun? Pagdaan ko naman sa sala ay wala namang tao dun so maybe nakitulog siya kina Mrs. Bernardo. Tatlo lang naman kasi ang bedroom dito, akin, kay Mrs. Bernardo at Esteng at ang kay Leang. So kung wala siya sa room nina Esteng, then nandoon siya kay Leang.

Bahala siya kung saan niya gustong matulog. Like I said, I don't care about them.

I was sneaking like a freaking thief right now but I don't have a choice. Gutom na gutom na ako! I can't let this night pass without me having something to satisfy my tummy. Baka hindi na ako magising bukas!

Nung nandoon pa ako sa katawan ko ay hindi ko nararanasan ang lahat ng ito! I've never experienced being this hungry because the maids always hatid my food to my room.

A Hundred Days With YouWhere stories live. Discover now