CHAPTER 6

191 11 0
                                    

"Mahiluhin nga ako" reklamo ko kasi panay ang reklamo niya sa tuwing sinasandal ko ang ulo ko sa may bintana ng bus.

Sobrang mahiluhin ko sa byahe pag bus or any public transport kaya dinadaan ko nalang sa pagtulog para naman maiwasan kong mahilo at worst ay magsuka. Pinakaiiwasan ko talaga ngayon ay masuka dahil nakakahiya yun at katabi ko pa naman si Sandro. 

"Hindi ka naman nahilo nung nasa Ilocos tayo ah" kanina niya pa yan sinasabi sa akin pero di ko sinasagot at bumabalik ulit sa pagsandal pero ayun nga at paulit-ulit akong kinukulit na kausapin ko siya habang nasa byahe. 

"Private na sasakyan naman yun doon pero pag mga public na, masyado akong mahihiluhin talaga" sagot ko habang nakapikit na ang mga mata

"Wag mo kasing iisipin. Is your parents there already?" Agad niyang iba sa usapan.

"Not yet, they'll be coming later before dinner daw. Diba nung isang araw lang sila dumating dito so they head to our city first to visit our house and the relatives also" sagot ko sa kanya at pinipilit na wag pumikit at kausapin nalang siya. 

Kawawa naman kasi walang makakausap. Nandun sa pinakalikurang upuan nakaupo si Kuya Em at andito lang kami sa may gitna na part.

"How far is your own city from here?" Usisa niya

"It usually takes 1 hour of ride. Depends tho" iba kasing city ang tirahan namin at iba naman sa university ko. Mostly 5 hours pa ang binabyahe ko from our house to the university kaya nagdorm nalang ako which is located just inside the campus lang din at kasama narin yung mga kaibigan ko. 

"When will you come home to your city?" 

"The day after the graduation. Diba you're coming with us there?" 

"Yeah and you'll bring me to your farm and make me the buko salad" parang excited niya pang sinabi

He's really been interested with the buko salad since the day I mentioned it to him. That's what he's excited for here.

"You really didn't forget that?" Namamangha kong tanong habang natatawa at natatawa din siyang tumango.

Nagkwentuhan pa kami ng nagkwentuhan hanggang sa di ko namalayang nakarating na pala kami ng hindi man lang ako nahihilo.

Pagkababa ng bus at pagkakuha ng mga maleta nila, dumiretso na kami sa may sakayan ng traysikel para maihatid kami sa resort na hindi naman kalayuan galing sa terminal.

"See, hindi ka nahilo. You just really need to talk to me" sabay kindat niya pa

Para namang nalaglag ang puso ko dahil sa kindat niya. Jusko naman, ba't ang gwapo ng isang 'to. 

Totoo namang hindi talaga ako nahilo kahit konti dahil daldalan lang kami ng daldalan. Tawa din ako ng tawa sa mga kwento niya tungkol sa party na napuntahan niya. Sa mga experiences niyang kalokohan lahat. 

Minsan nga hindi talaga ako naniniwalang nagmamasters 'to dahil para namang party lang ang nalalaman. 

Pero as they say, don't judge a book by its cover.

SINALUBONG ko ng mahigpit na yakap si Mama at Papa nang makita ko na silang bumaba sa sasakyan, di ko kasi sila nasundo sa airport nung dumating sila dahil sobrang busy ko nun sa practice kaya sobrang miss ko na sila. 

"Grabeng kamiss naman 'yan nak" natatawang reklamo ni Papa dahil napahigpit ata masyado ang yakap ko sa kanila.

"Naglalambing lang eh" nakanguso akong bumitaw sa kanila ng yakap kaya pareho silang natawa.

"Ate, where's your jowa?" Biglang singit ng bunso kong kapatid na si Vincent, he's just 16 years old pero ang height, mas matangkad pa sakin. Where's the justice diba?

God Make It HappenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon