CHAPTER 16

150 11 2
                                    

"WHAT'S wrong with that? We're not alone, all of the reviewee were there. Hindi lang naman kami ni Harry ang nandun" medyo tumataas na ang boses ko dahil sa pagtatalo namin ni Sandro.

Nagkaroon kasi kami ng konting salo-salo dahil nanlibre ang isang kasamahan namin sa review center at birthday daw nito. Edi lahat kami pumunta. Nagpicture din kami at yun yung nakita ni Sandro dahil nakatag ako sa post na yun.

"But why does it have to be you guys sit next to each other? I know he likes you, and your co-reviewees are shipping you guys thinking you're single and I hate it" pasinghal niya ding sabi

For 9 months of being in a relationship with him, ngayon pa lang kami nag-aaway ng ganito. We were arguing most of the time these days dahil lang sa review center na pinasukan ko at sa mismong lecturer namin na si Harry. Tina-try ko naman nang iwasan si Harry kahit mahirap dahil iisang lugar lang ang palagi naming pinapasukan at naging close nadin siya sa akin. Mas naging mahirap dahil palagi kaming pinagdidikit ng mga kasamahan namin.

"It's not our choice, the other reviewees let us sit there. Ayaw nila kaming bigyan ng ibang upuan aside doon kaya we have no choice. Hindi naman kami masyadong nag-uusap so that's not a big deal" ani ko pero nagulat ako ng bigla itong sumigaw mula sa kabilang linya

"It's a big deal! It's a big deal for me. He was there with you and i'm not! I'm the boyfriend but they don't know a thing about my existence in your life cause you won't tell them" kung nagulat ako sa pagsigaw niya, mas nagulat ako ng biglang tumulo na ang mga luha niya habang nagsasalita.

Wala akong naisagot sa sinabi niya dahil nagulat pa rin ako sa biglaan niyang pag-iyak. He even covered his face with his hands habang umiiyak at hindi ko narin napigilang di mapaiyak.

Nakakaawa siyang tignan habang umiiyak at hindi ko matanggap na ako ang dahilan ng pag-iyak niya. 

"Hey, shush" pagpapatahan ko sa kanya kahit maski ako ay ayaw tumigil kakatulo ng luha. Gustong gusto kong tumakbo palapit sa kanya ngayon ng mayakap siya pero hindi pwede dahil napakalayo niya.

"I'm afraid" mahina niyang sambit habang humahagulgol pa rin. If I can just go near him right now, I would probably hug him. "I'm so much afraid to lose you" aniya na mas lalong nagpabiyak ng puso ko.

"No, no, you won't lose me. I'm yours diba. We prayed already diba na kahit malayo tayo sa isa't isa, we won't get detached. So no, hindi ako mawawala" malumanay kong sabi sa kanya.

Napakasakit makitang umiiyak siya ngayon sa harapan ko dahil sa takot na mawala ako. What's worse is that I can't even hold him to ensure that I will stay no matter what.

PAGKATAPOS nung gabing yun ay mas lumayo pa ako kay Harry, kahit nga sa mga bonding kasama ang mga reviewee ay hindi na ako sumasama. I don't wanna see Sandro being that vulnerable again. He's too precious to just be hurt and afraid for me to leave him. 

That won't happen.

"So did I got it right?" Masigla kong tanong kay Sandro ng maisend sa kanya ang naging sagot ko sa ginawang parang quiz namin. 

Aside sa pagrereview ko sa review center, nagrereview din ako with the help of Sandro. May pinapasagutan siya sa akin regarding sa mga lessons namin at binebase niya naman ang pagche-check sa answer key. 

"Hmmm" parang nag-iisip niya pang sagot kaya kinabahan ako. Pag di ko to nakuha ng tama, sure akong mahihirapan talaga ako sa board exam "Perfect!" Masaya niyang sabi sa akin kaya halos mapatalon ako sa tuwa ng ma perfect ko ito "What a genius girlfriend I have here" aniya na nagpakilig naman sa akin.

"Oh, says by the true genius" sabi ko naman ng makabawi sa tuwa

Naglukuhan pa kami saglit bago nagdesisyong manood ng movie together. Naging bonding nadin namin ang panonood sa netflix tuwing di kami busy. 

Ilang araw nalang ay uuwi na siya dito. Gusto nga niyang dumiretso agad dito sa Mindanao pero di ko pinayagan, miss din naman siya ng family niya kaya kailangan umuwi muna siya doon. Baka magtampo pa si Tita Liza sa akin dahil ako na ang inuuna ni Sandro na puntahan.

Speaking of Tita Liza, magbibirthday na pala ito. Kanina nga lang ay nagchachat siya sa akin saying na dapat daw ay pumunta talaga ako sa birthday niya next next week. Siya nadaw bahala sa ticket ko. Magtatampo pa nga daw siya pag di ako pumunta. Pero di naman ako sure doon kasi may pasok pa ako nun sa review center. Sinabi ko nalang na itatry ko. 

"I'm wondering what could I give to mom on her birthday" ani Sandro na napapaisip pa. Bukas na ang uwi niya dito at gusto niya ay bumili na siya ng regalo sa mommy niya doon sa London. 

"You could give her a necklace or earrings" suggest ko dahil yun ang mostly binibigay sa mga mommies

"Nice idea, I haven't gave her a necklace pa eh" aniya  "Help me pick, i'm gonna go to a jewelry store now" sabi niya bago nagpaalam sa akin. Tawag daw siya ulit pag andun na siya sa shop.

Habang naghihintay sa tawag niya ay biglang may kumatok sa pintuan ng apartment ko. Wala naman akong inaasahang bisita ngayon kaya who would that be?

Tinungo ko nalang ang pintuan at pinagbuksan kung sino man ang kumakatok.

"Oh hi" pagbati ko ng makita si Harry sa may pintuan. May bitbit pang bowl na may takip.

"Hello, napadami yung luto ko ng sinigang kaya here" aniya bago nilahad sa akin ang bowl

"Oh thank you" tipid kong sagot habang kinuha ang binibigay niya nang hindi siya tinitingnan sa mata. Hindi ko alam kung nararamdaman niya ba ang pag-iwas ko o hindi pero base sa kinikilos niya ay parang hindi.

Hindi agad siya kumibo kaya tiningnan ko na siya. Nakatingin siya sa akin at parang may iniisip kaya nung makita niyang nakatingin ako sa kanya, bigla siyang ngumisi.

"Kung may nagawa man akong mali na hindi ko alam, sorry. Pero kung wala naman, sabihin mo sakin kung bakit mo ako iniiwasan" aniya bago ginulo ang buhok ko at tumalikod na paalis.

Hindi naman ako agad nakakibo, naramdaman niya pala ang pag-iwas ko. Pumasok lang ako sa loob nang tumunog na ang laptop ko, hudyat na tumatawag na si Sandro.

Mabilis nawala sa akin ang iniisip tungkol kay Harry dahil kausap ko na si Sandro. Kahit malayo ay magkasama pa rin kaming namili ng ireregalo niya sa mommy niya. Natutuwa akong kahit sa mga simpleng bagay ay hinihingan niya ako ng opinyon. 

"Look at this" sabay paharap niya sa camera sa isang bracelet. It's a couple bracelet na ang pendant ng isa ay infinity tapos ang isa ay posas.

"Cute" sambit ko

"You like it?" Tanong niya at wala sa sarili akong napatango. Maganda nga naman. "I'm gonna have this too miss" nagulat naman ako ng sabihin niya yun sa saleslady na umaasikaso nung kinuha niyang necklace para kay Tita.

"Huy, hindi ko naman sinabing bilhin mo" reklamo ko

"I would love to, it's cute. We don't have a couple thing other than the luggage tag so I wanna buy one" aniya


"I wanna give something that could be a trademark that you're taken already" dagdag niya pang sabi sa kabilang linya.

God Make It HappenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon