CHAPTER 17

141 7 0
                                    

Masaya akong naglalakad papasok ng review center habang kinakanta ang Goodness of God, na-lss ako masyado sa kantang yan eh. Mararamdaman mo talaga kung gaano kabuti ang Panginoon sa buhay mo.

Patuloy ko lang kinakanta ng mahina ang lyrics habang nakayuko. Maaga pa naman kaya okay lang kahit hindi ako magmadaling pumasok. Pwede nga maghagdan nalang ako eh dahil alam kong ako pa lang din naman ang tao sa room.

Malapit na ako sa may entrance kaya tumingin ako doon, baka kasi maraming tao o ano. Pero imbes na maraming tao, dalawang tao lang ang nakikita ko. 

Yung guard…

Pero parang namamalikmata lang ako sa kasama nito. Baka kalook-alike lang din. O baka naman bunga lang ng imahinasyon ko. Haynaku, ito na talaga ang epekto ng sobrang pagka-miss sa isang tao.

Ilang ulit ko pang kinukurap ang mga mata ko dahil baka naghahallucinate lang talaga ako. Kaso hindi talaga ito nawala, lumalapit pa nga ito sakin. Matamang nakatitig lang ako dito.

Nakalapit na ito at nakikita ko na ang ngisi niya pero parang di parin ako makapaniwala. 

"Hi love" ramdam ko yung lamig ng boses niya pero para namang nag-iinit ang puso ko dahil sa sinabi at sa mga ngiti niya.

Sa di ko maipaliwanag na pakiramdam, bigla ko nalang itong niyakap at doon ko nakumpirma na talagang siya ito. 

Oh my God, andito na si Sandro!

"I miss you so much" naririnig kong sabi niya habang hinahalikan ang ulo ko at nararamdaman kong humihigpit ang yakap niya sakin. 

Hindi ko na napigilan ang nararamdaman kaya't bigla nalang tumulo ang mga luha ko. But I don't care, it's a tears of joy.

My man is finally here. I just hold him now, that was just a plan before but now it's happening already.

"Shush, don't cry. People might think i'm abusing you right now" natatawa niyang sabi habang nakayakap parin sakin.

"Ba't di ka nagsabing papunta ka na pala?" Pag-iiba ko sa usapan

"Should I let you know then that i'll surprise you?" Natatawa parin niyang aniya

"May pa tampo-tampo ka pa kagabi" sabi ko at pinalo siya sa likuran. May pa tampo-tampo pa kasing nalalaman kagabi dahil hindi ko nasagot ang tawag niya nung nagluluto ako. Tapos nun, di na ako kinausap. Nagtaka nga ako dahil ang babaw niya kagabi. Tinulugan ba naman ako nang di siya nakakausap kagabi. 

"Just part of it babe" aniya at natatawa parin. Umaandar na naman ang pang-aasar sakin.

DAHIL nga may pasok pa ako sa review center, magpapaiwan sana siya sa may cafe kaso ayoko namang iwan 'to. Kaya ngayon, kasa-kasama ko siyang nakaupo sa may likuran ng room.

"Good morning everyone" ani ng boses galing sa likuran, pero imbes na lingunin ko ito ay tiningnan ko si Sandro. Nakita kong tiningnan niya saglit ang pumasok bago ako tiningnan pabalik. Tahimik lang kaming nagkatinginan.

Nagulat ako nang maglapag bigla ang bagong dating ng isang sandwich sa harapan ko at dumiretso na sa harapan.

"Is anybody here wants to summarize our discussion last week?" Ani Harry nang humarap sa amin. Mataman ko itong tiningnan nang may pagtataka dahil bigla ako nitong nilapagan ng pagkain. 

Bakit naman niya ako binigyan nitong sandwich? At ngayon pa talaga?

Dahan dahan kong tiningnan si Sandro pero nagulat ako ng kunin niya lang ang sandwich at tamad itong kinain.

Kahit hindi siya nagsasalita ay ramdam ko ang pagka-disgusto niya sa nangyari. 

"Ohh, we have a visitor" ani Harry nang mapabaling ito samin. Agad akong napatingin kay Sandro dahil alam kong ito ang tinutukoy niya.

"Uhm, he's Sandro. Uhm... he's from Manila so he doesn't know the place really well that's why I just bring him with me here" nauutal ko pang paliwanag dahil hindi ko alam kung paano ko ba sasabihing nandito ngayon ang boyfriend ko.

"Your friend?" Tanong ni Harry na halatang nagtataka. Hindi ko alam ang isasagot kasi ang alam nilang lahat ay single ako pero di ko rin naman tinatangging may boyfriend ako, di ko lang talaga sila sinasagot pag nagtatanong. 

Tatango nalang sana ako para wala na silang iba pang itanong nang biglang magsalita ang katabi ko.

"Sorry to invade your class today, I just really came by to surprise my girl" aniya sabay tingin sakin.

Rinig ko agad ang bulungan ng mga tao sa paligid at halatang nagtataka silang lahat. 

"Uy may boyfriend ka na pala Rei? Gosh, kaya pala" ani Maricar na parang napapaisip pa

"OMG!!! Ghorl, di mo naman sinabing may boyfriend ka na pala" ani naman ni Alice

Madami pa akong naririnig na halatang nagulat pero kalaunan ay inasar-asar na kami. Natatawa nalang ako sa kanilang lahat. 

"Okay class, quiet. Let's continue with our discussion" biglang sabi ni Harry kaya nagsipormalan agad kaming lahat.

Agad kaming nagsitayuan nang matapos na ang klase namin.

"Uy Rei, di ka na sasama samin ngayon" sabay lapit ni Alice at Maricar sakin

"Di na muna" sagot ko lang na pinagmulan na naman ng tukso nila. Mas lumakas pa ang tuksuhan ng makita nilang nilagay ni Sandro ang cellphone niya sa bag ko at pasimpleng hiwakan ang kamay ko. 

"Sana all!" Dinig kong tukso nila bago kami tuluyang makalayo sa kanila. 

Haynaku.

"San pala ang mga gamit mo?" Wala kasi siyang kahit anong bitbit maliban sa phone niya at siguro nasa pocket niya ang wallet. 

"I ask the guard to keep my backpack for the mean time" ay, kaya pala

"San ka naman magsstay ngayon?" Usisa ko dahil hindi naman pwedeng sa apartment ko din siya matulog. Kahit wala naman kaming gagawing masama ay hindi pa rin magandang tingnan na sa iisang kwarto lang kami matutulog. 

Never put yourself near the temptation. Kung pwedeng layuan ay layuan mo na agad.

"I haven't booked a hotel yet. Is there any near hotel at your place?" Aniya

"There is, walking distance lang siya sa apartment ko. Let's just go there at kumuha ng room then let's go to my place so I could left my stuff and change also. Where do you wanna go ba?" Masaya kong tanong sa kanya. Nilipat naman niya ang kamay niya paakbay sakin.

"I miss you, I just wanna be with you" aniya at napag desisyonan naming tumambay nalang sa apartment ko instead na gumala.

"THIS place is tiny but nice" sabi niya pagkapasok namin sa apartment ko.

"I agree. I like it here better than our house. It's huge but i'm alone so what's the point" kibit balikat ko lang na sagot

"Let's just get married so you won't be alone anymore. We'll make kids so even if i'm working, you'll have someone be with you" natawa ako sa pinagsasabi niya

"Shut up, we're not yet ready" natatawa kong sabi

"Ikaw lang kaya" aniya

God Make It HappenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon