CHAPTER 10

185 9 2
                                    

NAG-VIBRATE agad ang phone ko ng makababa na ako sa plane.

"Hello, kakababa ko lang sa plane" bungad ko pagkatapos sagutin ang tumatawag.

"Okay, i'm just waiting here at the lobby" aniya bago pinatay ang tawag.

Nandito na ako sa Manila, ako lang mag-isa dahil nauna na sina Mama kasabay nina Sandro noong umuwi sila 2 weeks ago. Inasikaso ko pa kasi yung mga naiwan kong gamit sa dorm bago ako sumunod sa kanila. 

Dumiretso na ako kung saan naroroon si Sandro, siya kasi ang magsusundo sa akin. Hindi naman ako nahirapang hanapin siya dahil siya na mismo ang sumalubong sa akin.

"Hey" nakangiti nitong aniya bago guluhin ang buhok ko

Siya na ang nagdala ng bag ko patungo sa sasakyan niya. Kinu-kwentuhan ko naman siya kung anong nangyari sa byahe ko.

"Ang yaman mo pala talaga" naibulalas ko ng mapansin kong iba na naman ang sasakyan na dala niya ngayon sa dala niya noon sa Ilocos.

"I'm not" tanggi niya kahit napaka halata naman talaga.


Wala nga namang mahirap na politician.

Naplanohan namin na wag muna akong dumiretso pauwi dahil mamamasyal muna kami. Wala namang ibang mapasyalan malapit kundi ang mall lang kaya doon na kami dumiretso.

Sa kalagitnaan ng palakad-lakad namin sa loob ng mall, biglang tumunog ang phone niya kaya tiningnan niya muna ito bago tumingin ulit sakin.

"Mom's calling" aniya

"Then answer it" sagot ko lang dahil parang nag-aalangan pa siyang sagutin.

Sinagot niya lang ang tawag sa tabi ko at nakita ko na parang naiinis siya sa sinasabi ng mommy niya.

"Mommy" naiinis niyang aniya na tila pumoprotesta

Ilang saglit pa ay ibinaba na niya ang tawag na may naiiritang ekspresyon. 

"Mom called and she ask me to bring you to the house for lunch today" mahina niyang sabi na may inis pa rin sa ekspresyon. Tila ay nainis ito dahil sa request ng ina.

Ayaw niya bang makilala ko ang pamilya niya?

Nagulat naman ako sa sinabi nito. Kakarating ko lang at gusto na agad akong makita ng mommy niya? At bakit naman ako gustong makita agad ng mommy niya?

"Ngayon talaga?" Nag-aalangan kong tanong dahil hindi ako nakapag handa para rito. Ni hindi ko nga naimagine na makikilala ko ang parents niya dahil hindi naman niya nababanggit sa akin ang pamilya niya kaya akala ko di rin alam ng parents niya na kakilala ko ang anak nila. 

Pero parang kilala na pala ako ng parents niya dahil sa pagpunta ni Sandro sa amin. 

"Pinapapunta na nga tayo ngayon eh" nag-aalangan niya ring sagot sa akin.

Kahit sobrang kaba ang nararamdaman ko ay pumayag nalang ako. Ayoko namang magmukhang bastos pag tumanggi akong pumunta sa kanila. 

Hindi naman siguro ako mapapahamak pag tumapak ako sa puder ng isang politician. Hindi ito alam nina mama dahil biglaan, saka ko nalang sasabihin pag nakauwi na ako.

Sobra-sobrang kaba ang nararamdaman ko ngayon dahil bukod sa alam kong mayaman ang pamilya ni Sandro, ngayon pa lang ako makaka-meet ng magulang ng isang manliligaw ko at hindi talaga ako nakapaghanda. Ang haggard ko pa nga dahil galing pa akong byahe. Tapos wala pa akong kahit anong background sa family niya bukod sa politician ang ama niya at may dalawa siyang kapatid. 

God Make It HappenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon