CHAPTER 18

153 7 0
                                    

Kinabukasan ay nagising ako sa katok ni Sandro. Dito kasi siya mag-aalmusal ngayon. Good thing at wala akong pasok kaya makakapasyal kami. Susulitin namin ang araw na 'to kasi bukas uuwi na siya ng Manila. 

Long distance na naman :(

"Fried rice please" sabi niya habang nakayakap sa akin mula sa likuran. Naglalambing para lang malutuan ng fried rice. Meron namang free breakfast doon sa hotel kaso ayaw niya daw doon. 

"Oo na, just let go so I could cook" ani ko habang tinatanggal ang yakap niya sakin.

"Do I need to help love?" tanong niya pero inilingan ko lang. Kaya ko na naman eh.

Umupo nalang siya sa may counter at hinintay akong matapos. Mataman lang itong nakatingin sakin nang malingunan ko.

"I can't believe i'm doing it personally now" aniya

"What?"

"Watching you cook" sagot niya, parang dati lang kavideo call ko lang siya habang nakatingin saking nagluluto. Ngayon, andiyan na talaga siya at nakaupo. 

"You look better there than on facetime" sagot ko at bumalik na sa pagluluto

"Do you like sandwich?" Tanong ko dahil baka kasi nagugutom na talaga siya.

"No way, I don't like sandwich now" nagtaka naman ako dahil parang may pandidiri pa talaga sa pagkakasabi niya eh dati lang kumakain naman ito. Doon ko biglang naalala ang pagbigay ni Harry sakin ng sandwich kahapon.

Kaya ba siya nandidiri?

"Huy lalaki, wag kang bitter" natatawa kong sabi sa kanya

"I'm not bitter! My tastebuds just change since last day" pairap niyang sabi kaya mas lalo akong natawa "Baby, stop laughing!" Naiinis niyang anas

"Sorry sorry" sabi ko habang nagpipigil ng tawa. God, ang cute niyang mainis. Kakagigil.

"Tss" inis niyang sabi, parang babae pa nga kung makairap. 

Naghalukipkip nalang ito sa may counter habang nakatingin lang sakin. 

"My flight tomorrow is too early" bigla namang nagbago ang tono ng pananalita niya, wari'y nawalan pa ng gana.

"That's cool then so you won't be late at the photoshoot" may family photoshoot pa kasi sila bukas para narin daw sa paghahanda sa birthday ni Tita Liza.

"Yeah but my time with you will be shorter" nakapalumbaba na siya ngayon sa may counter

"Magkikita pa naman tayo sa birthday ng mommy mo" wala sa sarili kong sabi. Napagdesisyonan ko kasing pumunta nalang sa birthday ni Tita dahil patapos narin naman ang reviewing namin. 

"You're going?" Para naman siyang biglang nabuhayan ng loob pagkasabi ko nun. Di ko pa nga pala nasasabi sa kanya ang naging plano ko.

"Yes love, baka kasi totohanin ni Titang magtatampo siya sakin pag di ako nakapunta. Patapos narin naman yung review kaya okay na yun, pwede ko nang araling mag-isa yung iba" sabi ko na parang mas nagbigay buhay sa kanya

"So you won't be back at the center?" Masagana niyang tanong kaya napakunot ang noo ko "I mean, i'm just happy that I can spend more time with you" aniya pero alam ko namang nagsisinungaling ito dahil di makatingin sakin ng diretso.

"Sus, nagseselos ka talaga kay Harry?" Natatawa ko na namang tanong sa kanya

"I'm not!" Halata masyadong defensive tung lalaking to oh.

"Yes you are" pakikipagtalo ko sa kanya habang binibitbit na ang pagkain sa may maliit kong mesa dito.

"Hindi nga!" Napalakas na talaga ang boses niya at napatagalog pa

"Ang gwapo mo talagang magtagalog" pag-iiba ko sa usapan dahil halatang naiinis na siya. Baka bigla pa tung umuwi agad sa Manila dahil sa inis.

"Tss" aniya nang di na naman makatingin sakin pero nahalata ko na ang tenga nitong namumula.

Sobrang cute niyang tingnan. Yung tipong ang puti niya tapos namumula pa ang tenga pati leeg nga eh. Tapos naglilikot ang mga mata nito, parang ginagawa ang lahat para lang di ako matingnan.

Agad ko itong nilapitan at hinawakan ang tenga niya kaya nadama ko ang init nito. Nagbablush nga siya. Kita ko naman ang pagtataka sa mukha niya dahil sa ginawa ko pero nginitian ko lang siya.

Napaka gwapo pala nito sa malapitan. Totoo bang boyfriend ko na tong lalaking 'to? 

Mukhang naramdaman niyang nahihirapan akong maabot ang tenga niya kaya medyo yumuko siya at magkapantay na ang mukha namin ngayon kaya mas nakita ko pa ng malapitan ang mukha niya.

"Boyfriend talaga kita?" Parang di na ako sure eh, ganitong kagwapong lalaki at sobrang talino pa, boyfriend ng isang wala man lang kahit anong maipagmamalaking babae katulad ko.

Napangisi siya sa tanong ko kaya mas lalo akong nawalan ng lakas na kaharap siya. Iba pala talaga pag nasa malapitan na siya kesa sa kahit anong lapit ng mukha niya sa screen noon. Pero bago pa ako tuluyang manghina, bigla niya akong kinabig at pinatakan ng halik ang nakaawang kong labi. 

Kung kanina siya ang nagulat, ngayon ay ako naman. Parang mas nakakapanghina pala yung ginawa niya.

"Red" 

Ha? Anong red? Napakunot agad ang noo ko sa sinabi niya. Kala ko pa naman magiging sweet siya pero parang naging weirdo naman. 

Mas lalo akong nagtaka ng halikan niya ako ulit sabay sabing "Orange"

Ano 'to? Color coding ang kiss?

Inulit niya uling halikan ako tapos nagsabi na naman ng "Yellow" hanggang sa naulit muli ang kiss at ang mga kulay "Green, Blue, Indigo, Violet" na ang sunod niyang sinabi. Color coding nga ata. 

Kahit nagtataka ay hindi ko naman siya pinigilan at mataman lang tinatanggap ang mga halik niya. Smack lang naman ang lahat nang yun kaya nagtaka ako nang sa sumunod na halik niya ay medyo natagalan. 

Pumikit nalang ako at dinama ang pagdampi ng mga labi namin. Kahit walang gumagalaw, ramdam ko pa rin ang init nang halik namin.

Ilang saglit lang ay lumayo na siya sa labi ko at tumingin ng diretso sa mga mata ko. 

"Those colors gives life to the rainbow. There's this song i've heard, 'you are my rainbow after the rain, you are the medicine after the pain, hold me close, don't let go and stay with me'" inaamin kong hindi naman ganun kaganda ang boses niya pero sobrang ramdam ko ang pagkanta niya sa mga katagang yun.

"I can start the day lifeless but I don't know how to end it. Since you came into my life, I always look forward on ending the day because I know that a great endgame is waiting for me already. Even if troubles come on my way, it's fine cause I know you can fix it after by just hearing your voice. You are the endgame i've been waiting for love. So please, stay with me" 

God Make It HappenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon