Hiling
Isang ngiti lamang mahal ko
Ang nais kong igawad mo
Bago ako tuluyang mawala sa iyo
Ito'y aking babaunin sa lugar na alam kong wala ang salitang tayoMahal ko bago ko
Tuluyang ipikit habang buhay ang mga mata ko
May hihilingin lamang ako sa iyo
Sana ito'y dinggin moIto na at nais kong makinig ka sa sasabihin ko
Maaari bang sa oras na mamaalam ako sa mundong ito
Huwag kang kakapit sa relasyong mayroon tayo
At humanap ka ng taong makakasama moNais ko lamang makita kang lumigaya
Kasama ang babaeng sa iyo'y itinakda
Salamat at ika'y aking nakilala
Sa sandali ng aking buhay ako'y naging masaya
BINABASA MO ANG
Words From My Heart ( Mga Salitang Galing Sa Aking Puso)
PoetryShort Compilation of Different Spoken Poetry