Mahal kong Ginoong Juanito Alfonso
Kamusta ka? Kamusta ang iyong puso?
Ikaw pa rin ba'y nalulungkot dahil sa paglisan ng taong mahal mo?
Lumisan siya dala ang alaala ng inyong pagmamahalanIkaw pa rin ba'y naghihintay sa lugar
Kung saan ang lihim na pagtatagpo ay nabulgar?
Ikaw ay naghintay nang napakahabang panahon
Hanggang sa ikaw bawian ng buhay at dito na ibinaonGinoong Juanito Alfonso ikaw man ay nawala
Mananatili ka pa rin sa kanya at sa aming alaala
Hindi man kayo pinalad na magkasama sa taon na laganap ang pamumuno ng mga kastila
Huwag kang mag alala may Plano ang Tadhana
Upang kayong dalawa ay muling magkasama.
BINABASA MO ANG
Words From My Heart ( Mga Salitang Galing Sa Aking Puso)
PoesíaShort Compilation of Different Spoken Poetry