Mahal iyo sanang malaman
Na kahit anong mangyari iyo lamang ang aking puso't isipan
Hindi ka mawawaglit
Kahit anong mangyari hindi kita ipagpapalit
Mahal palagi mong pakakatandaan
Na kahit saang lugar nakahanda ako upang ika'y samahan
Hindi kita iiwanan ipinapangako ko iyan
Dito lang ako sa tabi mo magpakailanman
Ngunit mahal kailan mo kaya mapapansin
Na ako sa iyo ay may pagtingin
Mangyayari pa kaya ang araw na ako naman ang iyong nanaisin?
Dahil alam kong sa sarili ko siya lamang ang iyong paka-iibiginPS: Nakagawa na naman ako ng panibagong tula. Buti na lamang at pinanood kong muli ang Scarlet Heart Ryeo Moonlovers😍😍
Haha SKL
Date Published: 01/03/2022
BINABASA MO ANG
Words From My Heart ( Mga Salitang Galing Sa Aking Puso)
PoesíaShort Compilation of Different Spoken Poetry