Huwag Kang Mangamba Mahal
Puso ko ay para lamang sa iyo
Pag-ibig ko ay hindi kailanman magbabago
Pilitin man ng tadhana na tayo ay ipaglayo
Asahan mong gagawa ako ng paraan para magkasama tayoHahamakin ko ang lahat
Makasama ka lamang at yan lamang ang nararapat
Ikaw sa akin ay karapat dapat
Asahan mong pag-ibig ko sayo ay higit pa sa sapatHuwag kang mangamba
Pagmamahalan natin ay hindi magagambala
Marami mang dumadating na babala
Ako sa iyo ay hindi mawawala.
BINABASA MO ANG
Words From My Heart ( Mga Salitang Galing Sa Aking Puso)
PoetryShort Compilation of Different Spoken Poetry