Paano ba Magmahal
Sabi nila masarap at masaya daw yun
Yung tipong araw at gabi siya lang ang iniisip mo.
Napapangiti ka kapag naalala mo siya
At di mo na alam kung bakit ka kinikilig na parang nakikiliti ka na ewan haha. Pero diba kung magmahal may kaakibat na sakit..sakit soooobrang sakit hindi mo alam kung kaya mo pang mabuhay bukas o kaya mo pa bang bumangon sa mga susunod na araw kapag bigla na lang mawala sa iyo ang taong pinakamamahal mo.Sabi nga ng karamihan "Kung magmahal ka dapat handa kang masaktan." Pero alam niyo nong una hindi ko pa ma point out bakit may sakit pang nararanasan? Bakit kailangan pang magdusa kung ikaw ay magmahal? Hindi ba pwedeng happy happy lang? Hindi ba pwedeng mahal mo siya at mahal ka niya at wala ng makakasira sa pagmamahalan na yan at tanging kamatayan lamang. Iyan ang dahilan kung bakit marami ang ayaw sumubok na pumasok sa pakiramdam na yan.
Natatakot sila na masaktan ulit o masasaktan pa. Love is an amazing feeling masaya at nakakakilig pero may hinuha na ako kung bakit may sakit, pait at pighati kang mararanasan kapag pumasok sa pag ibig. Ang dahilan ay kung bakit dumadating sa buhay ng bawat isa sa atin ang tatlong nabanggit ko ay para matuto tayong humarap sa mga pagsubok sa ating buhay to learn how to handle difficult situation.
Konsensiya: Wow big word author about talaga sa love?
Author: tumahimik ka na nag da drama ako rito eh.
Konsensiya: Akala ko ba Spoken Poetry ang title nito pero bakit nag t-talk ka about love? Bakit nainlove ka na ba?
Author: Hindi pa, pero marami akong mga crush hindi na mabilang.
Konsensiya: Diyan nagsisimula ang lahat sa crush sa paghanga.
Author: Oa naman..talaga ba?
Konsensiya: Oo maniwala ka..diyan talaga.
Author: Okay sige na nga.
Haha tama naman siguro si Konsensiya diba? Ang Love nagsisimula sa pagka crush mo sa isang tao hanggang sa hindi mo na mararamdaman na unti unti ka na palang nahuhulog log log log sa taong hindi ka kayang saluhin hin hin hin.
May nabasa ako dati sa ginawa kong parang slam book pinasagutan ko sa kaklase ko tapos ang nilagay niya sa kanyang motto Love is like bubble gum kung mupikit makabuang. Kaya tanong ko makabuang ba jud ang gugma? Well we can't say hindi lahat ng love makabuang or can make you a crazy but most of people can change their attitude because of Love. May inspirado sa kanyang buhay minsan kahit nga sa pagwawalis minsan ang mga kababaihan sa labas o loob ng kanilang bahay ay napapangiti na lamang dahil naiisip na niya pala ang taong kanyang pinakamamahal. Parang ako lang minsan iniisip siya iniisip ang nagdaang araw haha D joke lang ang awkward kaya haha natatawa na lang ako kapag naiisip ko yun pero masaya ang pakiramdam kapag nagmamahal nakakatanggal stress.
Being in love can make you happy can make you different good things ayyyiiieehh kinikilig ako. Pero minsan masasabi kong napaka complicated magmahal kasi bigla ka na lang mahuhulog sa taong hindi dapat kasi pag aari na ng iba at diyan na magsisimula ang pagiging luhaan at kapighatian. Nalulungkot, nagseselos at nadudurog ang iyong puso kapag nakikita mong may kasamang iba ang taong minamahal mo ng palihim.
Speaking of palihim may mga taong inililihim ang kanilang nararamdamang pagmamahal para sa isang tao para walang magbago sa kanilang relasyon na kanilang pinaka iingat ingatan natatakot sila mag risk iniisip nila may possibility na baka ang meron sila ngayon ay masisira lang. Pagdating talaga sa pag ibig maraming risk.. maraming what if What if hindi magtagal ang relasyon namin.. What if kung anong meron kami ngayon ay masisira lang at mawawalan siya ng tiwala sa akin..What if hindi niya pala ako gusto o mahal..Natatakot akong sumugal baka masaktan lang ako sa huli. Oh diba ang bongga! Maraming gumugulo sa isipan.
Maraming dapat na isaalang alang bago pumasok sa pag ibig. Tanong ng karamihan Paano Magmahal na Walang Kaakibat na Sakit? at Paano Magmahal na walang inaagrabyadong tao? Para sa akin lang ang pagpasok sa Love ay talagang handa ka sa mga sakit na mararanasan kakambal na yan eh hindi na yan pwedeng mawala palagi't palagi yan mangyayari at hinding hindi yan maiiwasan kung mahal mo ang isang tao ay willing kang mag sacrifice for his or her happiness, pagdating naman sa pagmamahal na walang inaagrabyadong tao ay simple lang stop being selfish at maraming category ang love hindi lang ang love na tinutukoy ko ngayon. Si Hesus nga napako sa krus para ano? Para iligtas tayo mula sa kasalanan. May inagrabyado ba siyang tao? Wala naman diba.
Love sometimes can make you selfless willing mong e sacrifice your own happiness at willing mo rin siyang e let go kapag ayaw na niya o talagang wala na ang dati niyong pagsasama at pagtitinginan pero hindi rin mawawala ang pagiging selfish. Selfish is not a good attitude marami kang maaagrabyadong tao. Pero hindi mapipigilan ang maging selfish paminsan minsan kapag pagdating na sa love lalo na kapag hindi mo kayang mabuhay kung wala siya. Para bang gustong gusto mong kalabanin ang pagkakataon ang tadhana kahit pa nakatadhana siya sa iba gagawa at gagawa ka pa rin ng way para makuha mo siyang muli para hindi siya ilayo ng tadhana sayo.
Ang hirap kalabanin ni tadhana kung hindi talaga kayo hindi talaga kayo pero kapag kayo..kayo talaga. Minsan napapatanong ka na lang sa sarili mo "Bakit pinagtagpo kami pero sa huli sa iba pala siya itinakda..sa iba nagpakasal sa iba mas naging lumigaya." Yung limang taon ninyong pagsasama nauwi rin sa wala sa hiwalayan at doon siya mas naging masaya sa taong para sa kanya. Ang sakit kapag marami na kayong natalong mga pagsubok na dumadating sa inyong relasyon tapos mauuwi rin lang pala sa wala. Mauuwi sa hiwalayan mauuwi sa eternal separation.
Ang sakit kapag ang tadhana na mismo ang nagpalayo sa inyo between Heaven and earth ang layo niyo sa isa't isa hindi mo alam kung saan magsisimula kung anong dapat gawin ngayong wala na ang taong minahal mo ng sobra na pinaglaban mo sa lahat ng tao at iniharap mo sa altar ng Diyos tapos bigla lang siyang magpapaalam sayo.
Tanong ko paano mo masasabi na siya na ang iyong The One? Paano mo malalaman na siya na ang lalaki o babaeng makakasama mo sa lungkot at saya sa hirap o ligaya yung taong ihaharap mo sa altar at pag aalayan ng iyong oras at panahon?
BINABASA MO ANG
Words From My Heart ( Mga Salitang Galing Sa Aking Puso)
PoésieShort Compilation of Different Spoken Poetry