01

3.4K 37 0
                                    

                 

                    

      Isang linggo. Isang linggo rin akong nagpabalik-balik sa office ni Lucas. Nagbabakasakaling tanggapin niya ako at ang magiging anak namin pero bigo ako.

     Sa isang linggo na yun kahit isang beses lang gusto kong marinig mula sa labi niya na tanggap niya kahit ang baby ko nalang, but then nagmukha lang akong tanga.

     Paulit-ulit akong napapahiya at pinagtatabuyan niya that makes my heart broke into pieces.

     "Are you crazy?!" Galit na galit siyang hinarap ako. I decided to confront him again, hoping he might accept me and my baby.

     Nasa office siya ngayon kasama ang ama niya. They were talking about some matters.

     The saddest part was he rejected me in front of his daddy. Nakita ko naman ang hindi maipintang reaksyon ni Don Crisanto.

     I was totally in shocked. Bat niya ba ako ginaganito? Hindi ko alam ang rason niya and why he just dump me bigla-bigla. Hindi ko alam ang kasalanan ko and he kept on insisting na anak ito ng kuya niya.

     Nababaliw na ba sya? Oo paminsan minsan nakakasama ko ang kuya niya dahil magkaibigan kami nun pero ni minsan walang namagitan samin ni Jake. We don't even do things gaya ng iniisip niya.

     "What's this ruckus!?" Hindi na nakapagpigil si Don Crisanto at sa wakas ay nakapagsalita na siya.

    Kinabahan naman ako sa posibleng masabi niya sakin. Knowing his father is a business tycoon. He'll probably wanted to engage Lucas in a wealthy woman, unlike me who came to a poor family.

     "She's just a girl from nowhere. A gold digger who wanted me to provide her needs for her baby. I encountered situations like this before!"

     "Is it true?!"

     Napalunok agad ako nang sakin naman ipukol ng Don ang kanyang naguguluhang tingin.

     "H-hindi po! Totoo po talagang anak ni Lucas ang dinadala ko. Hindi po ako nagsisinungaling.." Napahagulhol nalang ako. I tried my best not to cry kaya lang hindi ko na talaga mapigilan.

     "Lucas? I think Vivien is saying the truth! Besides she's your girlfriend, tama ba ako?"

     "I'm saying the truth dad! Bakit naman ako magkakaroon ng anak sa kanya? We are not on the same level. And yeah, girlfriend ko siya noon and we officially ended our relationship, matagal na!"

     "Lucas! Wag mo akong gagalitin!"

      "Naniniwala ka talaga sa pinagsasabi ng babaeng yan?!"

     Gosh! Kasalanan ko to eh! Hindi ko na sana ipinagpilitan pa ang sarili ko dito. Look what you've done Vivien! Don Crisanto and Lucas are fighting because of you!

     "Let's talk about this at home!"

     Tumayo si Don Crisanto para umalis. He even stared at me bago siya tumalikod at lumabas sa office ni Lucas. Naiwan naman kaming tahimik ni Lucas. Tanging hikbi ko lang ang maririnig sa loob ng opisina niya.

  

     

     "Why aren't you eating?" Mahinahong tanong sakin ni Jake. Alam kong nag-aalala siya sakin this past few days. Bumuntong hininga ako at umiling. Im okay, pilit na pagpapagaan ko sa sarili.

     Iniisip ko parin ang nangyari sa office niya. Ano na ang mangyayari ngayon?

     "Busog pa ako." Matabang kong sagot. Nakita ko pa ang pagtaas ng kilay niya. Hindi siya naniniwala.

Carrying the Child of that Heartless CEO (series #1)Where stories live. Discover now