17

1.6K 15 0
                                    

      "Kumusta ang work hubby?" Mabilis niyang tinungo ang asawa saka tinulungan itong mahubad ang suot nitong business coat.

Nakapulo nalang ito ngayon.

"Okay naman medyo na busy lang ng kunti." Tumango si Sabrina saka niyapos ang asawa.

"Hindi na kita mayakap ng maayos dahil lumalaki na ang tyan mo!" Natatawang giit ni Zacheo kay Sabrina.

Sumimangot si Sabrina.

Tatlong buwan narin ang nakalipas simula noong na hospital siya. It's in her seven months of pregnancy. Malaki na rin ang tiyan niya. Hindi naman siya nahihirapan sa pagbubuntis dahil andiyan naman si Zacheo para alalayan siya lagi.

Hinampas niya sa braso ang asawa.

"Hayaan mo pag lumabas tong baby natin, yayakapin kita ng mahigpit yung tipong masasakal ka na!" Aniya.

Tumawa lang si Zacheo na ikina-irap niya.

Sa ilang buwan na pagsasama nila, inaamin ni Sabrina na nasasabayan na niya ang existence ng asawa. Hindi tulad noong una na nahihiya pa siya sa tuwing kausap at kaharap niya ito.

"By the way kumain ka na ba?" He ask.

Umiling si Sabrina. Actually, kahit gutom na gutom na siya ay hindi niya magawang kumain nang hindi kasabay ang asawa. Nasanay na kasi siyang palaging sinasabayan nitong kumain.

"Ang tigas talaga ng ulo mo! Sabi ko kumain ka sa tamang oras. You should care for yourself. You're pregnant at makakasama yan sa baby natin!" Agad siyang hinila nito pababa sa hagdanan. Dinala siya nito sa kusina saka iginiya sa mesa.

Kumuha ito ng pinggan saka inilagay sa mesa. Sumandok ito ng makakain nila saka nilagyan ang plato niya ng kanin at ulam.

"Ayan, damihan natin para di ka magutom agad." Nginitian niya lang si Zacheo saka nagsimula ng kumain.

"Nga pala, ipapakilala kita sa pamilya ng daddy ko next week!" Nagulat siya sa sinabi nito.

Zacheo had a bad time with his dad. Ikinuwento ni Zacheo ang totoong samahan nito ng papa niya.

Anak lang sa labas si Zacheo. Her mom and his dad were friends at the moment. May pamilya na ang daddy niya nang magkarelasyon ito sa mommy niya. Malaki ang problema ng daddy niya sa pamilya nito kaya nagawa nitong makipagrelasyon sa kanyang ina.

Buntis na ang mommy niya sa kanya noong nagkabalikan ang daddy niya at ang tunay na asawa nito. Nalaman narin ng asawa ng daddy niya ang tungkol sa kabit nito at ang tungkol sa kanya.

Tanggap naman siya ng asawa ng daddy niya dahil mabait ito at maunawain but her mom was left alone.

Noong una ay hindi niya natanggap dahil naaawa siya sa mommy niya pero sinabihan siya ng ina na matutong tanggapin ang kinahihinatnan nito.

"Talaga? Sigurado ka?" Panigurado niya na ikinatango ni Zacheo.

Kinabahan siya sa sinabi ng asawa.

Paano kung di siya tanggap ng mga ito?

Agad na iwinaksi niya ang mga what if's niya.

"Ayaw mo ba, kasi kung hindi ka pa ready, pw-"

Pinutol niya ang sasabihin nito.

"Hindi okay lang!" Aniya.

"That's good then! Let's enjoy the food!"

Pagkatapos nilang kumain ay dumiretso na sila sa kwarto nila. Yes, they shared the same bed. Ano pa bang dapat e expect eh mag-asawa naman sila.

Carrying the Child of that Heartless CEO (series #1)Where stories live. Discover now