14

1.6K 20 0
                                    

     THIRD PERSON'S POV

   "Boss lumabas na po siya." Lumingon ito sa lalaki na nasa backseat ng pulang van. Ibinaba ng lalaki ang sunglass nito saka tinanguan ang driver.

Mula sa loob ng van ay kitang-kita ang paglabas ng isang buntis na babae mula sa isang condominium unit. Umiiyak ito habang hawak-hawak ang umbok na tiyan. Pahid-pahid pa nito ang luha at patakbong nilisan ang lugar na iyon.

"Sundan mo siya!" Mahinahon nitong utos sa driver na sinunod naman nito. Mahina lang ang pagpapatakbo ng van nila dahil sinusundan nila ang babae.

Kalahating oras nila itong sinundan nang mapadpad sila sa isang tulay. Kung saan huminto ang babae. Iyak ito ng iyak habang nakatingin sa malawak na ilog.

"Boss mukhang tatalon yata!" Natatarantang giit ng driver sa lalaking kanina pa nakamasid sa bawat kilos ng babae.

"Panoorin muna natin siya." Patuloy lang sila sa pagmamasid sa ginagawa ng babae. Hindi parin ito tumitigil sa pag-iyak.

"Boss umakyat po siya sa railings. Tatalon siguro siya!" Inirapan lang ng lalaki ang driver niya.

Alam niya sa isipan niya na hindi ito basta-basta nalang magpapakamatay dahil may bata ito sa sinapupunan nito. Alam rin niya ang ugali nito at ang buong pagkatao nito.

"Sinayangan lang ni Lucas ang napakagandang babaeng ito." He chuckled.

"Anong plano mo boss?" Aniya ng driver niya. Ngumiti siya ng napaka demonyo.

"Hindi ko pa alam." Tanging nasabi niya.

"Hindi ka talaga nag-iisip Lucas De Villa! Masyado kang matigas!" Aniya habang panay ang sulyap niya sa babae.

-Vivien-

"Ano ng gagawin ko. They both betrayed me! Hindi ko alam kung ba't ginagawa to ni Charlotte sakin ngayon. And Lucas, hindi man lang niya ako pinakinggan!" Pinunasan ko ang mga luha ko at umakyat sa railings ng tulay.

Should I take my life and get out in this d*mn life? Tapusin ko nalang kaya ang buhay ko. Hindi ko rin naman nanaising umuwi sa mansyon ng ganito ang sitwasyon ko. Natatandaan ko parin ang mga sinabi niya.

"You're a lier Vivien! Hindi mo na ako maloloko! Pagkatapos mong manganak, kukunin ko ang baby ko sayo. Ikaw na ang bahala sa sarili mo. Now, leave!"

Kinabahan ako sa sinabi niyang iyon. Kapag nanganak ako kukunin niya ang baby ko. Ayaw kong mangyari yun. Hindi ko kakayanin. This baby is a part of my life.

What if, tumakas ako? Tama, lalayas ako! Kung kukunin niya rin lang ang baby ko ngayong maaga palang lalayo na ako sa kanya.

Pinahid ko ang mga luha ko bago tuluyang bumaba sa railings. Ngunit hindi pa man ako tuluyang nakababa naipit ang damit ko sa bakal na nakapagwala ng balanse ko. Unti-unti akong natumba at kasabay nun ang pagtama ng isang bagay sa ulo ko.

And it all went black.

    THIRD PERSON'S POV

Mabilis na lumabas ang lalaki kasunod ang driver nito nang matumba ang babae at tumama ang ulo nito sa isang bato.

Kinuha nila ito at isinakay sa kotse. Niyugyog ng lalaki ang babae dahil nagbabakasakaling baka magising ito. Nagdurugo ang ulo nito na ikinakaba ng lalaki.

"Naku boss, anong gagawin natin!"

"Dalhin natin siya sa pinakamalapit na hospital. Dalian mo Denver!." Agad na nagmaneho si Denver.

Kailangan nilang madala ang babae sa hospital baka mapano pa ito. Buntis pa naman ito.

    

Kina-usap ni Lucas si Charlotte kung totoo ba ang sinasabi ni Vivien pero tumanggi lang ito. Sinabi pa niyang baliw si Vivien.

Carrying the Child of that Heartless CEO (series #1)Where stories live. Discover now