29

1.7K 20 7
                                    

Naka-upo sa sofa si Sabrina ngayon. Nanonoud siya ng Tom and Jerry na ngayo'y naka play na sa harapan niya.

  Si Lucas naman ay nasa kusina. Nagluluto ito ng makakain nila. Alas tres narin ng hapon at kanina pa sila nagugutom sa byahe nila. Tahimik lang siyang nanonoud ng tawagin siya nito. Nilingon niya ito saka napansin niyang may dala itong gatas.

  "Inumin mo yan."

Naiilang na tinanggap ni Sabrina ang gatas. Bakit napaka-caring nito sa kanya?

"Inutusan lang ako ni Zeo." Aniya saka bumalik na sa kusina.

"Hindi ko naman tinatanong." Mahinang giit niya sapat na para hindi nito marinig ang sinabi niya.

    Nilibot niya ng tingin ang paligid. Maganda ang disenyo nito. Hindi masyadong maliit hindi rin malaki. Sumimsim siya ng kaunti ng gatas saka ibinalik ang tuon sa pinapanoud.
    Maya-maya pa ay tinawag uli siya ni Lucas.

  "Our lunch is ready."

     Tumayo na siya at pumanhik sa kusina. Na-aamoy niya pa ang inihanda ni Lucas. Dumiretso siya sa lamesa at umupo sa silya. Lucas prepare a food for five people. Even though dalawa lang sila.

  Napa-iling nalang siya at hindi na nag reklamo. Syempre hindi naman siya ang nagluto nito. Ang concern lang niya ay kapag hindi ito maubos mapupunta lang ito sa basurahan.

"Eat." Tipid nitong giit sa kanya.

Sumandok na siya ng kanin at ulam. Gutom na gutom narin naman siya. Habang sumusubo ng pagkain napalingon siya kay Lucas. Tahimik lang itong kumakain at hindi siya tinitignan.
  Para namang yelo tong isang to. Hindi ba nabobored si Charlotte kasama siya?

"Stop staring at me like that." Napa-iwas naman siya ng tingin kay Lucas. Napansin siya nito.

"May dumi ka sa mukha." Pagpapalusot niya.

"Hindi ako matakaw kumain kaya hindi nadudumihan ang mukha ko." Turan niya.

"So sinasabi mong matakaw ako? Ganon ba?"

"Bakit may dumi ka ba sa mukha?"

Hindi naman naka-imik pa si Sabrina. Oo nga naman may point siya. Itinoun nalang niya ang sarili sa pagkain. Hindi na sila nag-usap pa hanggang sa matapos na silang kumain.

  Tumayo si Sabrina para sana ay ligpitin ang mga pinagkainan nila pero pinigilan siya nito.
 
  "Ako na." Nginitian niya naman ang lalaki.
  "No ako na. Ikaw ang nagluto kaya ako ang magliligpit at maghuhugas nito." Giit ni Sabrina.
 

  "Tulungan na kita."


  "No!"


  "Tutulungan kita!"

Sa bandang huli ay pumayag rin si Sabrina na tulungan siya ni Lucas. Wala rin siyang magagawa dahil mapilit ito.

"Isa lang ang room mo dito?" Tanong ni Sabrina kay Lucas. Gabi narin at pareho silang dinadalaw na ng antok.

Pumanhik silang dalawa sa ikalawang palapag ng rest house at doon napagtanto ni Sabrina na iisa lang ang kwarto nito.

"Ano naman ngayon?"

"Saan ka matutulog?" Aniya kay Lucas. Tuluyan na itong pumasok sa loob habang siya ay sinusundan ito.

"Ikaw ang saan matutulog." Agad itong humiga sa kama at hinayaan siyang naka tayo.

"Teka nga Lucas. Saan ako matutulog ngayon?" Bulalas ni Sabrina. Naiinis na siya kay Lucas. Hindi ito matinong kausap.


"Sa sahig?" Napakuyom si Sabrina sa kamay niya. Gusto niya itong suntukin. Nanggigil siya sa binata. Hinaplos niya ang tiyan niya saka marahang pumikit. Ilang sandali pa ay humiga rin siya sa kama.
"Umusog ka." Utos niya rito.
Umusog rin naman ito. Ang akala niya ay magmamatigas na naman ito sa kanya. Pero heto at nagpapa ubaya lang ito.

Carrying the Child of that Heartless CEO (series #1)Where stories live. Discover now