33

1.4K 14 3
                                    

     "Nagsinungaling ka parin sakin!" Sabrina almost shouted. Inamin na sa kanya ni Zacheo ang totoo.  Hindi nga sya ang totoong Sabrina. He makes her believe someone's identity is her, for how many months. Hindi niya iyon matanggap.

 
  "I know, I just don't know how to explain to you baka hindi ko kayanin."

 
  Napapikit si Sabrina sandali at nilapitan si Zacheo. Kung hindi siya si Sabrina, sino siya?


 
  "Sino ba talaga ako ha, Zeo?,"mahinahon niyang tanong rito. Gusto niyang maliwanagan. Gusto niyang malaman ang lahat. Pati ang pagkatao niya.
 

  "I just saw you. Umakyat ka sa railings ng tulay. Nung bumaba ka, you accidentally step out and you hit your head in a stone." Explain nito.
 

  Kumunot ang noo ni Sabrina. Iyon rin ang sinabi nito sa kanya bago siya nagkamalay.

 
  "Dinala ka kaagad namin ni Denver sa hospital. Nung magising ka at wala kang maalala, I took the chance para sabihing asawa mo'ko."
 
  "Im sorry Sabby..." Paghingi nito ng tawad nang mapansin nitong hindi siya kumikibo.
 

  Her mind is filled with curiosity. Malabong-malabo sa kanya ang lahat. Marahang pumikit si Sabrina at tumikhim ng mahina para pukawin ang atensyon nito.

 
  "Ako ba..," panimula niya.

 
  "Si Vivien?"
 

  Matagal bago nakapagsalita si Zacheo. Ayaw niya mang sabihin pero nakokonsensya siya rito. Ayaw niyang magalit ito ng sobra sa kanya. Ipinagkait rin niya ng matagal ang katotohanan kay Vivien.

  Tumango si Zacheo bilang sagot. A tear fell from her eyes. Confirmed. She is Vivien.

  "Bakit Zeo?"

  "Ginawa ko yun para rin naman sayo. Lucas is a j*rk. He cheated on you. Sinaktan ka niya ng sobra to the point na gusto mo ng magpakamatay!"

  Napa-awang ang bibig niya. Gusto niyang magpakamatay dahil sinaktan siya ni Lucas?

  "I planned all of these Sabrina. To teach Lucas a lesson." He hissed.

  "You bastard!"

    Isang malakas na suntok ang natanggap ni Zacheo kay Lucas. Kanina pa pala ito sa labas, nakikinig ito sa kanila. Galit na galit itong itinayo at kinwelyuhan ang kapatid.

    "Tama nga ang hinala ko," giit nito. Agad  siyang hinatak ni Sabrina para pigilan, pero sadyang malakas ito at matalim na nakatitig kay Zacheo.

    "Ba't galit na galit ka?!" Si Zacheo.

    "Hindi ba totoo naman. You cheated to her at ang masama pa sa best friend niya p–,"

    Hindi nito natapos ang sasabihin dahil sinuntok na naman siya ni Lucas.

    "Wala kang alam! Kuha mo?" Aniya ni Lucas saka aambahan uli ito ng suntok ng pigilan na siya ni Sabrina.

    "Tumigil ka na Lucas!" She inserted. Nagpipigil siyang magalit sa puntong iyon.
   

   Agad bumitaw si Lucas kay Zacheo. Patawa-tawa lang ito at hindi ininda ang sakit ng pakakasuntok ni Lucas sa kanya.
  

   "Lumabas muna kayo. Gusto kong mapag-isa."


  "Pero Vivien..." Nilapitan siya ni Lucas.

  "Please. Kahit ngayon lang, pagbigyan niyo 'ko"

  Dahan-dahang umalis sina Zacheo at Lucas.
    Napasapo si Vivien sa noo niya at dahan-dahang naupo sa kama nila. Hindi siya makapaniwala.  

Carrying the Child of that Heartless CEO (series #1)Where stories live. Discover now